Its so hard, being stuck with your step mother or I'll shall call her, the step monster whom I consider my enemy...Have you been cursed of having a stepmonster? She stole my mother's role in my life, buhay pa ang mama ko pinalitan na siya ng papa ko and for that, I'll make my step monster regret being in my father's life. Broken family...Kaming mga anak ang naaapektuhan, ang ilan ay labis ang pagdurusa habang ang ilan tinatanggap na lang ang masakit na katotohanan. My name is Russia Ysabella and this is the story of me and the people I met...
Nakatitig lamang si Russia sa kanyang madrasta na kung tawagin niya ay tita Lucy, nagsasalita ito at kinukumbinsi siyang sumama sa Bratinella Camp. Bratinella Camp, sa Camp na ito, hindi ka mag-eenjoy kung pasaway ka, dito pinapatapon ang mga laki sa layaw at matitigas ang ulo tuwing darating ang summer.
"Sige na, sumama ka na sa camp, marami kang makikilala at marami kang matututunan," wika ni tita Lucy. "Para hindi ka mainip ngayong summer at maging makabuluhan ang bakasyon mo," ngiti ng kaplastikan ang pinasilay ni tita Lucy.
"Mukha ba kong naiinip sa bahay? Mukha bang walang kwenta ang buhay ko?" Sa wakas ay nagsalita na rin si Russia. "And what was that again? Bratinella camp? Do I really look like a brat to you?'' Nagtaas pa ng isang kilay si Russia. "Hindi naman sa gano'n," hindi alam ni tita Lucy kung paano sasalagin ang sinabi ni Russia. Tumayo naman si Russia sa kinauupuan.
"Kung papayag ba ko? Mananahimik ka na?" Tanong pa ni Russia. Tila napahiya si Lucy sa sinabi ni Russia."Eh kasi ang gusto ko lang naman---- "Sige, basta sagot mo ang registration, huwag kang hihingi ng pera kay papa, ang pera ni papa para lang sa tuition fee ko at iba pang pangangailangan ko," pakli ni Russia at saka tinalikuran ang madrasta at pumasok sa kanyang silid. Nagtama ang bagang ni Lucy, inis na inis na siya talaga sa anak ng kanyang kinakasama. Kinakasama, tama dahil ang papa ni Russia ay kasal pa din sa mama nito, sinasabi man ni Lucy sa lahat na ayaw niya pang magpakasal dahil magulo ang pamilya nila Lucy ay pawang kasinungalingan iyon kahit mangarap siya ng kasal ay imposible na siguro sapagkat kasal pa rin ang papa ni Russia sa mama nito. Hindi ito gano'n kayaman para magfile ng annulment.
Tumunog ang cellphone ni Russia habang nakahiga siya sa kama niya, ang tumatawag ay si Chrissane. Si Chrissane ay may madrasta din pero magkaiba ang sitwasyon nila, ang madrasta ni Chrissane na si mommy Sheena ay kasal na sa daddy ni Chrissane dahil namatay na ang tunay nitong ina sanggol pa lamang siya at may diperensya ang mommy Sheena niya kaya di na sila nagkaanak ng daddy ni Chrissane.
"Hello, best," bati ni Chrissane. "Alam mo ba na nakausap ni tita Lucy ang mommy ko na kukumbinsihin ka daw niyang sumama sa camp at ang sabi ni mommy, pag sumama ka daw papayagan niya ko," puno pa ng excitement si Chrissane."Sabihin mo sa step-mommy mo, hwag siyang nagpapaniwala sa step monster ko at baka mahawa siya ng kaplastikan ha?" Pagsusungit ni Russia. "Rush, gusto ko sanang makasama eh," wika naman ni Chrissane na tila naglalambing.
"Oo na, hindi na kita papahirapan, para sa'yo kaya ko gagawin to, sayang lang hindi ko na magagawang miserable ang buhay ng stepmonster ko," wika ni Russia. "Salamat, bestie!" Tuwang -tuwa naman si Chrissane
Nagmamadaling pumunta si Darla, gusto niyang ibenta ang mga junkfoods, mineral water, juice at sandwich na dala niya para makabayad ng registration sa Bratinella Camp at makakuha ng camp pass pagkatapos ay mag-aapply siyang baker ng camp para kumita at makapag-ipon ng pang tuition fee niya.
Sila Chrissane at Russia ay bumaba mula sa fortuner at pumila sa likod ni Darla na nasa pinaka huli.
"Hi," bati ni Darla, maganda at maamo ang mukha nito bagamat ang suot ay di nababagay sa angkin nitong ganda.Balot na balot ito masyado.
"Hi," ngumiti si Russia gano'n din si Chrissane. "Alam niyo mahaba ang pila baka gusto niyong bumili ng mineral water, sandwich o kaya juice?" Pinakita pa ni Darla ang dala-dalang bag na may paninda.Narinig iyon ng lalaking nasa likod nila na walang iba kundi si Atlantis Shane.
BINABASA MO ANG
Bratinella Camp Book2:Nobody's Home
Teen FictionIts so hard, being stuck with your step mother or I'll shall call her, the step monster whom I consider my enemy...Have you been cursed of having a stepmonster? She stole my mother's role in my life, buhay pa ang mama ko pinalitan na siya ng papa ko...