Pagkatapos ng breakfast ay muling pinagtipon-tipon sa gathering hall ang mga campers para sa isang anunsyo.
"Mula bukas ay magkakaroon kayo ng isang linggong pahinga, makipag-bonding kayo sa mga bago niyong kaibigan dito sa camp para masulit ang mga sandali niyong magkakasama para sa nalalapit na pagtatapos ng camp na ito at pagkatapos no'n ay magkakaroon ng mga special awards para sa mga piling members ng camp," anunsyo naman ng host na si Vibrant."Oo nga pala, sa araw ng pag-uwi niyo kailangang parents or guardians niyo lang ang maaring sumundo sa inyo..." Dugtong pa ni Vibrant.
Dumating ang huling araw ng camp iaanusyo na ang mga special awards.
"This camper is also a very hardworking staff in our kitchen, she's a very nice person and a friend,so this award that we call the multi-tasking award will be given to our baker who bakes our dessert, to our very own baker, Darla Yzraelin," anunsyo ni Brieve.
"The winner will get a spa package for two," anunsyo naman ni Vibrant. Nagpalakpakan ang lahat nang kuhain ni Darla ang certificate at giftcheck.
"Our second person to be given another special award is always early for the rollcall, she was never late, no other than the one and only Russia Ysabella," pag-anunsyo ni Brieve.
"The winner will receive one spa package gift check," wika naman ni Vibrant.Nagpalakpakan naman ang lahat pagkatapos makuha ni Russia ang ticket.
Nang matapos ang bigayan ng special awards ay kani-kanila na silang balik sa mga cottage nila para ihanda ang mga gamit nila sa pag-uwi.
"Hey, bakit parang ang lungkot mo?" Tanong ni Atlantis kay Russia at kinuha ang dala nitong gamit.
"Hindi ko alam kung kailan kita ulit makikita," wika ni Russia.
"Magkikita pa tayo, kung hindi man agad-agad, next summer," wika naman ni Atlantis at inakbayan ang nobya.
"Hay, mamimiss kita," wika ni Russia.
"Alam ko," sagot naman ni Atlantis at hinalikan sa pisngi ang nobya.
"Hoy, kanina pa kita hinahanap, si mama ang susundo sa'tin dito," wika ni Erscend na nakasalubong nila.
"Oo, alam ko, di naman pwedeng 'yung tatay mong patay na ang sumundo sa'yo di ba?'"Pambabara ni Russia.
"H'wag mo kong simulan," wika ni Erscend.
"Tama na 'yan, saka na kayo mag-away pag wala na ko sa harap niyo,'" saway ni Atlantis.
Nanahimik naman ang dalawa hanggang makarating sila ng gate.
"O, pare, kita na lang tayo sa school sa june," tinapik ni Erscend sa balikat ang kaibigan.
"Oo, sikapin mong wag awayin ang girlfriend ko ha," biro naman ni Atlantis.
"O, pa'no? Sinong susundo sa'yo?" Tanong naman ni Russia sa nobyo.
"Ewan, bahala na, depende sa pag-uusap nila mommy at daddy," sagot naman ni Atlantis.
"Bye, see you soon," ani Russia.
"You too," humalik si Atlantis sa pisngi ni Russia at pagkatapos ay sumakay na si Russia sa taxi na sinasakyan nila Erscend at tita Lucy.
Nagtungo si Atlantis sa tanggapan ni Brieve dahil sinabihan siya nito na doon daw naghihintay ang susundo sa kanya.
Nang makapasok si Atlaantis sa tanggapan ay wala roon si Brieve pero naroon ang mommy at daddy niya.
BINABASA MO ANG
Bratinella Camp Book2:Nobody's Home
Genç KurguIts so hard, being stuck with your step mother or I'll shall call her, the step monster whom I consider my enemy...Have you been cursed of having a stepmonster? She stole my mother's role in my life, buhay pa ang mama ko pinalitan na siya ng papa ko...