"Bakit mo kasi binitawan 'yung sagwan?"Inis na tanong ni Russia.
"Ang kulit mo kasi, pinaghahampas mo ako kakasalag ko nabitawan ko tuloy," wika naman ni Atlantis.
"Nakakainis ka kasi, sinama-sama mo pa ko dito, paano tayo ngayon?" Muling hinampas ng hinampas ni Russia si Atlantis.
"Pag di ka tumigil hahalikan kita," banta naman ni Atlantis. Tumigil si Russia at nanahimik na lang saka umupo.
"Kakapit ako sa bangka, dadalhin ko ito hanggang sa tabi ng lake," wika naman ni Atlantis.
"Sige, tama 'yan, kasalanan mo naman 'to eh," wika naman ni Russia.
"Sige, paulit-ulit mo pa kong sisihin at iiwan kita dito tutal kaya ko namang languyin pabalik ng mag-isa," wika ni Atlantis.
"Oo na, mananahimik na ko," tugon naman ni Russia na napasimangot na lang.
"Sa'n na ba nagpunta si Russia?" Tanong ni Chrissane habang nagbubungkal ng lupa para sa tree planting activity nila.
"Kanina magkausap lang sila ni Atlantis sa canteen," wika naman ni Darla na naglalagay ng binhi.
"Hindi kaya magkasama din sila? Wala rin si Atlantis eh," wika naman ni Erscend na nagdidilig.
"Mukha ba'ng magtatagal ang dalawa na 'yon ng magkasama," wika ni Chrissane na tila hindi naniniwala.
"Kayo, nasaan ang mga kasama niyo?" Lumapit si Brieve na nahalatang kulang sila.
"Hindi rin po namin alam," sagot naman ni Darla.
"Pakisabi magreport sila sa'kin pag dumating sila," wika naman ni Brieve.
"Opo," sagot ng tatlo.
Nang matapos ang tree planting activity ay bumalik na sila Chrissane at Erscend sa kani-kanilang mga cottage habang si Darla ay bumalik na sa kitchen ng canteen.
"Anong nangyari sa'yo? Saan ka nanggaling?" Tanong naman ni Chrissane kay Russia nang maabutan niya ito sa cottage.
"Dinala ko ni Atlantis sa lake at pinilit niya kong mamangka," pigil na pigil ang inis ni Russia.
"Are you dating him?" Tanong ni Chrissane.
"No! Ofcourse not," inis na sagot ni Russia.
"Eh bakit tumakas kayo sa activity?" Tanong naman ni Chrissane.
"Hindi kami tumakas, pinilit lang ako ng lalaking 'yon kaya pinaghahampas ko siya at sobrang kakaiwas niya, nabitawan niya 'yung sagwan, ang tanga-tanga di ba?" Inis na inis si Russia.
"Eh paano kayo nakabalik?" Tanong ni Chrissane.
"Kumapit siya sa bangka at itinulakniya,"sagot naman ni Russia.
"Hay naku, pinagrereport kayo ni sir Brieve," wika naman ni Chrissane.
"Mukhang mapaparusahan pa ko dahil sa kagagawan ng magaling na lalaking 'yon," wika naman ni Russia.
"Sige na, puntahan mo na si sir Brieve at baka mapabigat pa ang parusa mo kung meron man," wika ni Chrissane.
NAKaupo si Atlantis sa sofa na nasa tanggapan ni Brieve habang si Brieve ay tahimik lang na nakaupo sa swivel chair niya.
"Matagal pa ba ko dito?" Tanong ni Atlantis.
BINABASA MO ANG
Bratinella Camp Book2:Nobody's Home
Teen FictionIts so hard, being stuck with your step mother or I'll shall call her, the step monster whom I consider my enemy...Have you been cursed of having a stepmonster? She stole my mother's role in my life, buhay pa ang mama ko pinalitan na siya ng papa ko...