chapter four

6 0 0
                                    

        "Good afternoon everyone, welcome to Bratinella camp christmas camp, I'm your host, Vibrant," pagpapakilala ng host na si Vibrant.

        "Sa araw na 'to, magrelax muna kayo at bukas 7:30am ang breakfast natin sa canteen tapos 8:00am ang rollcall natin ha mayroon tayong activity bukas ng 9am," paliwanag ni Vibrant.

        "Nakakainis talaga sa camp na 'to napipilitan akong magising ng maaga," reklamo ni Wintress.

        "If you don't like this place, then you better leave," wika naman ni Russia.

        "Ano ba'ng problema mo?" Nilapitan ni Wintress si Russia.

        "Wala, baka ikaw may problema ka?" Nagtaas ng isang kilay si Russia.

        "Hoy, Atlantis, pagsabihan mo yan ah," bumaling si Wintress kay Atlantis.

        "H'wag mo siyang galitin nangangain 'yan," tila nang-aasar pa si Atlantis.

        "Seriously, anong nakita mo sa kanya?" Pang-uuyam ni Wintress.

        "Eh di lahat ng wala sa'yo," gigil na sagot ni Russia.

        "Talagang ginagalit mo ko?" Lumapit pa si Wintress kay Russia.

        "H'wag kang magkakamaling galawin maski isang hibla ng balahibo ng babaeng pag-aari ko," humarang si Atlantis sa nobya.

        "Lahat ng gusto ko, nakukuha ko kaya h'wag kang pakasisiguro na lagi kang panalo," matalim ang tingin ni Wintress kay Russia.

        "Siguraduhin mo lang na pag may ginawa ka sa'kin papatayin mo na ko kasi pag hindi, babalikan kita," banta naman ni Russia.

        "H'wag naman kayo mag-away o," pakiusap ni Darla.

        "Naku, Darla, gusto ko na ngayon pa lang, mamili ka na kung sino sa'min ang kaibigan mo," wika ng nanggigigil na si Wintress.

        "Are you serious? Ganyan ka ka-insecure sa'kin?" Hindi alam ni Russia kung matatawa o maiinis sa sinabi ni Wintress.

        "Hay naku ang taas ng tingin mo sa sarili mo 'no," wika naman ni Wintress.

        "Atleast di ako insecure," wika ni Russia.

        "Pareho ko kayong mga kaibigan," wika ni Darla.

        "Hindi, kailangan mong pumili, is it me or her?" Matigas na sabi ni Wintress.

        "Darla, just choose her para di ka na mahirapan, I'll be fine," wika ni Russia.

        "Okay, I'm choosing you,Win," wika ni Darla.

        "From now on, ayoko ng makikipag-usap ka sa babaeng 'yan or else kakalimutan ko lahat ng pinagsamahan nating dalawa," wika pa ni Wintress na galit na galit.Napatingin ang maamong mga mata ni Darla kay Russia.

        "Darla, I'm fine, h'wag ka mag-alala," wika naman ni Russia.Si Wintress naman ay masama pa rin ang tingin kay Russia.

        "Everyone, please pay attention," pagtawag ni Vibrant sa atensyon ng mga campers. "Hinati namin kayo sa grupo na may limang miyembro at sa bawat activity sana magkaroon kayo ng cooperation," paliwanag pa ni Vibrant.

        "I can't believe I'm gonna endure this again," inis na wika ni Wintress.

        Sila Russia,Chrissane,Darla at dalawang nagngangalang Glance at Helm ang magkagrupo. Sila Wintress, Atlantis, Erscend at dalawang nagngangalang Killiard at Lessandra ang magkagrupo.

Bratinella Camp Book2:Nobody's HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon