Chapter Five

9 0 0
                                    

        "Walang hiya ka!" Sinampal ni Russia si Wintress.

        "Aba, sinampal mo ko," gaganti sana si Wintress ngunit nahagip ni Russia ang kamay niya.

        "Oo, eto pang isa," sinampal ulit ni Russia sa kabilang pisngi si Wintress.

        "Halika dito!" Hinila ni Wintress ang buhok ni Russia.

        "Di kita uurungan!" Lumaban ng sabunutan si Russia.

        "Ano ba 'yan?! Tama na!" Saway ni Darla na hinila si Wintress.

        "Ano na naman 'to, Wintress?" Niyakap ni Atlantis si Russia.

        "Ako na naman? Lagi na lang ako," tila ayaw tanggapin ni Wintress ang pagkakamali.

        "Hayop ka, sinira mo 'yung bracelet ko!"Sinugod ni Russia si Wintress at kinalmot sa mukha.

        "Bwisit kang babae ka!" Lalaban pa sana si Wintress ngunit humarang si Atlantis.

        "Wintress tama na! Ano pa ba'ng gusto mo?May kasalanan ba kami sa'yo? Dapat ba kong mag sorry na ako ang nagustuhan ni Atlantis?" Tanong ni Russia na magkahalong pagkamuhi at pagkalito ang nararamdaman.Natigilan si Wintress, umalis na lamang ito.

        "Wintress," sinundan ni Darla si Wintress.Naabutan ni Darla sa pintuan ng cottage nila si Wintress.

        "Wintress ano ba'ng ginagawa mo?Bakit mo ba pinag-iinitan si Russia?" Tanong ni Darla.

        "Bakit? Kumakampi ka na sa kanya?" Tanong ni Wintress.

        "Wala akong kinakampihan, hindi na tama ang ginagawa mo," sagot ni Darla.

        "Kung sa kanila ka kakampi, ayaw na kitang maging kaibigan !" Sigaw ni Wintress at pumasok na sa cottage at nang makapasok siya ay iyak siya ng iyak, hindi na rin niya alam kung ano ba'ng gusto niya. Kung gusto niya ba'ng paghiwalayin sila Russia at Atlantis para mapasakanya si Atlantis o naiinggit lang siya dahil masaya ang mga ito.

        Nakaupo si Russia sa tabi ni Atlantis at matiyagang isinusuot sa sinulid ang mga piraso ng jade.

        "H'wag mo ng gawin 'yan, ibibili na lang kita ng bago," wika ni Atlantis.

        "Ano ba kasing nangyari at nasira ang bracelet mo?" Tanong naman ni Chrissane.

        "Si Wintress, hinila niya kaya napigtal," wika naman ni Russia.

        "Ginawa niya 'yon?" Tanong ni Chrissane at kumunot ang noo saka tumayo.

        "O, saan ka pupunta?" Tanong naman ni Russia.

        "Basta," sagot ni Chrissane.

        NAKAUPO sa labas ng cottage nila si Wintress nang dumating si Chrissane.

        "Bakit mo sinira ang bracelet ng bestfriend ko?" Tanong ni Wintress.

        "Anong pakialam mo?" Pagtataray ni Wintress.

        "Ganyan ka ka-inggit kay Russia? Sisirain mo pati mga bagay na pag-aari niya bukod pa sa pagnanais mong paghiwalayin sila," galit na galit si Chrissane.

        "Bakit ganyan ka mag react, ikaw ba ang nawalan ng bracelet?" Tanong ni Wintress. "Saka pakiramdam mo bagay talaga ang kaibigan mo kay Atlantis? Kasi ako tingin ko she's not good enough," dugtong pa ni Wintress.

        "Alam mo kung ano? Nakakaawa ka, kasi 'yang pagkatao mo, nilamon na ng insecurity mo," pagkawika niyon ay tinalikuran na ni Chrissane si Wintress at umalis.

Bratinella Camp Book2:Nobody's HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon