Chapter 10

60 8 1
                                    

Ahmir's POV

"Pst! Kuya wuyy!" Kanina pa ako naiinis dito sa bata na to kanina pa nangungulit "woi kuya bingi! Pst!" Sabi niya habang kumakalabit kaya nilingon ko siya at ayun yung madungis niyang mukha hindi man lang pinaliguan

"Alam mo bang ang dumi mo tapos hahawak ka sa puti kong polo?" Tanong ko mukhang napahiya siya kaya lumayo siya ng konti "ano bang kailangan mo at bakit ang kulit kulit mo?"

"Itatanong ko lang po sana kung may games yang cellphone niyo" malungkot na sabi niya agad namang lumapit si alaina

"Bakit ang lungkot mo?,masama ba pakiramdam mo?,nagugutom kaba? Kung nagugutom ka wag kang mahiyang lumapit kay ate alaina ha?" Nakangiting sabi niya hindi naman mawala yung lungkot sa mata nung bata kaya dun na nag simulang mag taka si alaina "halla bakit ang lungkot mo dapat happy lang" dagdag niya at lumuhod sa tabi nung batang madungis

"Ate away ako non" nagulat ako dahil sakin nakaturo yung hintuturo nung bata kaya lalakad na sana ako ng bigla akong pigilan ni alaina

"Hep! Hep! Hep!" Naka paweywang siya ngayon sa harap ko "anong ginawa mo sa bata?" Tanong niya

"Wala akong ginawa" sagot ko at bumalik sa ginagawa kanina

"Eh bakit sinasabi niyang inaaway mo daw siya?,nako ahmir ang tanda mo na tapos bata ang aawayin mo" sabi niya at umupo sa upuan niya na nasa tabi ko lang agad namang umupo yung batang madungis sa binti niya eh alam niyang madudumihan si alaina psh

"Eh sa ang kulit niyang batang yan kanina pa kalabit ng kalabit" sinamaan naman niya ako ng tingin

"Pwede mo namang pag pa sensyahan diba?" Tumango naman ako

"Pero kas----"

"Pft manahimik kana para kang bata hahahaha" saba'y silang tumawa nung batang madungis "ganyan ka pala pag pinag titripan hahahahaha" dagdag niya nag kunwari naman akong walang pake at bumalik sa ginagawa ko ng biglang lumapit samin si brylle

"Alaina at ahmir pumunta daw kayong dalawa dun sa library para humiram ng mga book" nag katinginan naman kami ni alaina at inisnaban ba naman ako

"Osige pupunta na kami,ikaw naman bata wag kang aalis dito ha dun ka muna kay kuya kairo" payo niya sa bata agad namang lumapit yung bata kay kairo at ito namang si kairo tuwang tuwa psh "yang nguso mo humahaba,halika na para makaheram na agad tayo" sinimulan na niyang mag lakad palabas ako naman tong sumusunod sakanya

**********

Alaina's POV

Nag lalakad kami ni ahmir ng may bigla kaming narinig na kaluskos sa bakanteng room kaya nag katinginan nanaman maming dalawa ng may kumaluskos nanaman

"Ano yon?" Tanong ko

"Ewan" sagot naman niya

"Halika tignan natin" sabi ko at hinila siya papunta dun sa bakanteng room at ayun nga sobrang dilim at maalikabok pa uwu biglang tumayo lahat ng balahibo ko andito na kasi kami ngayon sa loob nung room at ayun walang ka tao tao

Plugggggggggggggggg!

"May multo!" Sigaw ko at patakbong aalis pero aCccckkKkk! Nakasara yung pinto "ang malas naman bakit nakasara to!" Pinipilit ko paring buksan yung pinto naramdaman ko namang nag lakad palapit dito si ahmir

"Tabi ako mag bubukas" lumayo naman ako para si ahmir ang mag bubukas "sino kaya nang sarado dito malalate na tayo sa next subject" sabi niya habang pilit na binubuksan yung pintuan netong bakanteng room "ang hirap buksan" dagdag niya

IMPOSTORAWhere stories live. Discover now