Alaina
"San nanaman kaya pumunta yung dalawang yon" sambit ni Kairo habang nilalaro Tortor
"Pinag agawan nila yung kikiam mo kuya Kairo" sagot naman ni Tortor habang nilalaro yung cellphone ni Kairo
"Tortor nagugutom kana ba?" Tanong ko napatingin naman silang lahat sakin
"May nasabi ba akong masama at bakit nakatingin kayong tatlo sakin?" Tanong ko sa kanila agad naman nila akong tinignan ng parang may tinatanong
"Alaina sinong Tortor?" Tanong ni Kairo sakin
"Yang bata na katabi mo ang totoong pangalan niyan ay Luthor pero Tortor ang tawag ko hshs" sagot ko
"Ang bantot naman ate kung Tortor haynako" sambit niya habang nakanguso
"Baduy talaga yang baby ghOrl ko" bulong naman ni Ahmir na nasa tabi ko lang
"Manahimik ka nga dyan at baka marinig ka nila" sambit ko saba'y siko sa bewang niya kaya napalayo siya sakin
"Kuya at Ate kayo na po ba?" Napalingon ako na gulat kay Tortor dahil sa tanong niya
"Huwatttttt?!,hindi ah" sagot ko
"Pfttttt. Eh bakit parang nagulat ka sa tanong ko ha ate" tanong niya kaya napatawa narin si Kairo
"Wag niyo nga akong pag tripan juskO mas lalong sumasakit tong ulo ko sainyo eh" sambit ko
"Wag mo muna kasing tanungin ang ate Alaina mo kung ayaw mong mabadtrip siya ha?" Payo naman ni Ahmir kat Tortor
"Nyenyenye sinabi ko bang kailangan mong mag salita ha?" Pangtataray ni Tortor kay Ahmir
"Lol hindi ko naman sinabi na kailangan mo pang sabihin" sambit ko
"Woahhhh ediwao kuya Kairo niaaway ako ni panget" sumbong ni Tortor
Kahit kaylan talaga tong dalawang to hindi na mag kasundo parang aso at pusa asaran ng asaran
"Hija halina kayo at kumain ng tanghalian sa ibaba" pag aaya ni manang kaya nag pauna ng bumaba si Kairo kasama si Tortor kaya eto nanaman kami ni Ahmir naiwan dito sa kwarto ko
"Uhmmm mauna na'ko sa ibaba sumunod ka nalang" sambit ko at sumunod na kila Kairo
Ano ba itong kagagahang ginawa ko kanina at bakit ako pumayag don totoo nga sila pag nag init ka mahirap ng pigilan kaya kailangan ko na atang lumayo muna kay Ahmir at baka kung saan pa mamaya mapunta
"Ate Alaina tara dito ka sa tabi ko" sambit ni Tortor
Umupo nako sa upuan na sinasabi ni Tortor nasa Right niya ako at nasa Left naman niya si Kairo kaya napag gitnaan namin siya
"Ehem" nakita ko si Ahmir na kakababa lang galing sa taas at ayun nga umupo siya sa upuang kaharap ko kaya iniiwas ko yung tingin ko
"Wowwwwwww sinigang na baboy!" Manghang manghang sambit ko dito sa niluto ni Manang paborito ko'to
"Nagustuhan mo ba hija?" Tanong ni Manang habang inihahain pa yung ibang ulam pero nakatuon lang talaga yung tingin ko sa sinigang na baboy na umuusok pa dahil sa init neto
"Opo naman manang pwede po bang sumulan na yung pag kain netong mga to?" Tanong ko
"Nako hija diba mas mabuting sabay sabay na kayong kumain ng mga kaibigan mo" sagot naman niya
Ay oo nga pala kanina pa wala yung dalawa si bess at si Brylle saan naman kaya nag si punta yung dalawang yon at bakit wala pa sila
"Osige Manang hahanapin ko lang sila dyan sa labas" sambit ko
********
Nasa labas na ako habang nililibot yung paningin ko para makita sila pero bakit parang wala naman sila dito sa basketball court
"Hoy ano ba ilibre mo naman ako" napatingin naman ako dun sa dulong parte dahil narinig ko yung boses ni Brylle
"Ayoko nga matapos mong agawin yung kinakain ni Kairo kanina" sagot naman ni bess habang ngumunguya ng kikiam
"Bess at Brylle kakain na tayo!" Sigaw ko dahil nasa malayo sila
"Sige na kasi bakit ba ang damot niyo" pag mamakaawa ni Brylle,teka 'niyo' daw kaya malamang may kasama pa siya maliban kay bess "Amelia ikaw nalang manglibre" dagdag niya at dun nga lumabas si Amelia galing sa likod nung nag titinda at bakit hindi ko man lang nahalata na kasama pala nila ito
Pano ba to siguradong galit na galit ngayon sakin si Amelia dahil sa nakita niya.....
"Oy Alaina halika dito ilibre mo'ko" nakita ako ni Brylle at saka niyaya kaya napatingin sakin yung dalawa
Nakatingin sakin ng masama si Amelia habang nakangiti naman sakin si Brylle at Bess
"Oo nga Alaina halika dito para mang libre naman" sambit naman ni Bess(Jayleen) habang ngumunguya parin ngayon
"Halina kayo dito dahil kakain na tayo ng tanghalian" sambit ko at agad tumalikod dahil masama parin yung tingin sakin ni Amelia
**********
"Oh asan na sila Alaina?" Tanong ni Ahmir
"Andun sa labas kumakain ng kikiam susunod na daw sila" sagot ko habang sa iba nakatingin
"Ate Alaina nagugutom na ako pwede na po bang kumain?" Tanong ni Tortor habang hinihimas himas yung tyan
"Konting tiis nalang Tortor malapit ng bumalik dito sila ate Jayleen mo" sambit ko naman
"Andito na kami gaizzzzzz" sambit ni Brylle na biglang lumiwanag yung mata dahil sa nakitang nakahain dito sa lamesa "tara na simulan na nating kumain!" Sigaw niya at sisimulan na niya sanang kumuha ng kanin pero tinapik ni Jayleen yung kamay niya "aray masakit yon ha namumuro kana" sambit ni Brylle habang hinihimas himas yung palad na tinapik
"Mag dasal nga muna Brylle para ka namang gutom na gutom dyan hindi porket demonyo ka eh hahayaan mo nalang na kumain ka ng walang dasal dasal ha" sambit ni Bess at umupo na sa tabi ni Amir
Umupo narin si Amelia sa gilid din ni Ahmir kaya napag gitnaan nila ngayon si Ahmir,umupo naman si Brylle sa tabi ni Amelia kaya inaya ko narin na makisabay samin si manang
Brylle-Amelia-Ahmir-Jayleen
Kairo-Tortor-Alaina-Manang
Wala namang may gustong umupo sa upuan na nasa dulo ng lamesa kaya mag kakaharap harap kaming lahat
"Lord salamat po dito sa pag kain na nasa lamesa ngayon sana po ay gabayan niyo kaming lahag at bigyan ng lakas na loob para sa mga pag subok na mangyayari samin in jesus name,Amen." Pag dadasal ni Jayleen kaya sinimulan na naming kumain
+.S H A N E N G G G.....
YOU ARE READING
IMPOSTORA
FanfictionAng saya saya ko nung araw na iyon pero ito ay nag bago dahil sa selos ng may galit sakin