Chapter 20

95 2 0
                                    

Alaina POV

"Hello tulog kana ba?" Tanong ko dahil hindi na nag sasalita yung nasa kabilang linya

"Oum gising pa ako baby" sagot nung sana kabila

"12;30 na ng gabi at sabay tayong mapupuyat pag di pa natin to tapusin" sambit ko

"Sabado naman bukas kaya ayos lang haha" sambit niya,tamo parang lasing na dahil sa antok

"Hays inaantok na ako" sambit ko

"Hindi mo na ba kaya?HAHAHAHAHA" tanong niya

"Hindi na eh antok na antok na talaga ako" sambit ko

"Kung inaantok kana osige matulog kana at sasabayan kita baby" sambit niya

"Nux next na banat naman"

"Hindi banat yun nasayo na kung kikiligin ka" seryosong ani neto "osige matulog kana at nag ready para bukas" dagdag neto,bakit naman ako mag reready anong meron?

"Wala naman akong gagawin bukas at bakit ako mag reready?" Tanong ko

"Secret basta mag ready ka" natatawang ani neto

"Ano nanamang kalokohan ang gagawin mo Eugenio?" Tanong ko

"Secret nga Alaina Adrianna Mendez" tamo Surname lang tinawag ko sakanya pero yung tawag sakin eh binuo pa pangalan ko

"Sabihin mona kasi Ahmir Austin Eugenio" natatawang sambit ko

"Mabuti pang matulog na tayo para maaga bukas" inaantok na ani neto "simula ngayon bawal ka ng mag puyat Alaina" dagdag niya

"At bakit naman?" Tanong ko pero wala akong natanggap na sagot galing sakanya

Ilang minuto kong hinintay yung sagot galing sakanya pero wala akong natanggap, nakatulog na siguro to

"Goodnight Ahmir and sleepwell" sambit ko, natawa naman ako nung narinig ko yung pag hilik neto sa kabilang linya

Nung nakarandam ako ng antok ay ako na mismo ang nag end ng call para matulog

K I N A U M A G A H A N

"Hoy gising na!" jusme sino naman kaya 'to napaka aga nambubulabog, tinakpan ko ng unan yung mukha ko at tumalikod

"Anong oras palang matutulog muna ako" sambit ko at pumikit ulit para bumalik sa pag kakatulog

"Hoy inday nag hihintay na kanina pa si Ahmir sa labas!" Napabangon ako dahil sa mismong tenga ko sinigaw

"Inaantok pa ako" sambit ko at hindi siya pinansin

"Sige bahala ka aalis na daw si Ahmir" pag paparinig niya at lumabas na sa kwarto ko

Wait! Ahmir jusme, tama ba narinig ko?!

Bumangon ako at laking gulat ko ng makita ko si Ahmir na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko nakakunot pa yung noo at pinag mamasdan ako

"Anong ginagawa niya dito" bulong ko sa sarili ko at nag kulong sa kumot

"Bangon na dyan" mahambing na sambit niya pero hindi ko 'to pinansin at nag tulug tulugan nalang "pag hindi ka bumangon kikilitiin kita" dagdag neto

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tanong ko habang naka tago sa kumot

"Bangon kana dyan at maligo don para sabihin ko sayo" tugon niya

"Ayoko dahil inaantok pa ako" sagot ko at pumikit ulit ng bigla niyang hinila yung kumot na nakabalot sa buong katawan ko

"Anong oras na oh tapos nakahilata kapa dyan" malambing na sambit neto at humiga sa tabi ko, nahiya tuloy ako bigla dahil nakaligo na siya samantalang ako hindi man lang nakapag hilamos ah

"Wag ka ngang humiga bilis bumangon ka dyan" utos ko at tinignan siya ng masama, eto namang tarantado nginitian lang ako

"Hoy bess bangon na nga kasi dyan pati ako oh" pinakita niya yung buong sarili niya "nakaligo narin ikaw nalang hindi" dagdag neto

"Ano ba kasing ginagawa niyo dito?" Naiinis na tanong ko agad habang nakatingin kay Jayleen

"Ah eh hindi ko alam" sagot neto at iniwas yung tingin

"Bangon na" seryosong sambit naman ni Ahmir

"Pano kung ayoko?" Tanong ko

"Mapipilitan akong buhatin ka papunta sa cr para paliguan" ngumisi siya habang tinapos yung sinabi niya kaya napatingin sakanya si Jayleen

"Oemji ano ba naman kayo dito pa talaga sa harap ko" pag iinarte niya

"Edi tumalikod ka" sagot naman ni Ahmir kaya sinamaan siya ng tingin ni bess

"Lumabas na nga kayo ng makapag ayos na ako" naiinis na sambit ko sa kanila ngumiti naman si bess at nag pauna ng lumabas

Tinignan ko ng masama si Ahmir dahil hindi pa siya lumalabas, mas sinamaan ko siya ng tingin ng bigla siyang mag lakad papunta sa harap ko, yumuko siya at inilapit yung mukha sa bandang tengahan ko

"Mag damit ng maayos para hindi mabastos" bulong niya at nag iwan ng halik sa pisngi bago nag lakad palabas ng kwarto

Pumunta na ako sa banyo para maligo at para mag ayos ng sarili














You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IMPOSTORAWhere stories live. Discover now