Chapter 15

40 3 0
                                    

Amelia POV

"Magandang hapon ho" pag bati ko sa natandang ukluban matapos akong pag buksan ng gate,so dito pala nakatira yung bitch na manang iwwwnessss

"Magandang hapon din hija ikaw ba si amelia?" Tanong niya dzuh hindi ba halata

"Ako nga ho" sagot ko naman

"Halika't pumasok dahil mainit dyan sa labas" buti naman naisip netong matandang to na papasukin ako puro tanong eh wala namang kwenta "pumunta ka nalang dyan sa pangalawang kwarto sa taas dahil andun na yung iba mong kasama" dagdag niya kaya nag lakad nako papunta sa taas,akala ko ba andito sila eh bakit walang ka ingay ingay shit eh sa pag kakaalam ko kasi pag nag sama si jayleen at brylle siguradong maingay dahil sa bangayan nila

Nasa tapat  nako ng kwartong sinasabi nung matanda kanina dyan sa ibaba

Total hindi ko naman gawain yung kumatok bago pumasok kaya dapat sigurong ganun nalang yung gagawin ko

"Hello mga hang---" wtf?! Anong kababuyan tong nakikita ko shet my virgin gorgeous eye

"Mag papaliwanag kami" sambit ni Ahmir na ngayon ay nakaupo na sa kama kasama si Alaina

"Ang baboy niyo grabe" sambit ko at nag dabog muna bago tumakbo paalis dito sa walang kwentang bahay pati tao walang kwenta argh!

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Kairo POV

Papunta ako ngayon sa bahay nila Alaina dahil may importanteng gagawin daw at buti nalang pinauwi agad ako ni papa nung papunta na sana ako sa bibisitahin ko

"Akala ko si Kairo pero bakit pati si Ahmir napakalandi mo talaga humanda ka" nagulat ako ng biglang dumaan sa harap ko si amelia at mukhang galing siya sa bahay ni Alaina at ang ipinagkakataka ko ano nanaman kaya ang nangyari at bakit galit na galit yon

"Hoy Kairo bakit hindi kapa pumasok?" Napatingin naman ako sa likod ko at ayun si Jayleen nag lalakad palapit din dito kasama si brylle na andaming bitbit na pag kain "halika pumasok na tayo sa loob at baka kanina pa nag hihintay yung tatlo nating kasama dyan" sambit niya,tatlo pang kasama sino sino naman kaya yon

"Sino ba andyan sa loob?" Tanong ko

"Si Alaina na may ari ng bahay at si Ahmir na kanina pa ata kasama ni Alaina sa kwarto niya idagdag mo narin si Amelia dahil siguradong andyan narin" paliwanag ni brylle na nag pauna ng mag lakad papasok

"Kai ano sabay na tayong pumasok?,mainit kasi dyan sa labas" sambit naman ni Jayleen

"Osige mauna kana muna at susunod ako" sagot ko naman at umupo muna dito sa waiting shed na malapit lang kila Alaina

"Pst kuya!" Napatingin ako dito sa batang biglang tumabi sakin nasa 7-10 years old

"Oh bakit pare?" Tanong ko siya naman tong sumama ang tingin sakin "kuya di mo po ba ako maalala?" Tanong niya kaya tinignan ko naman siya at ayun nga familiar

"Sino kaba pare?" Tanong ko

"Kuya ako po iyung batang idinala ni ate laina sa room niyo" sagot niya

"Woahhhh di kita nakilala ah kamusta kana ba bata?" Tanong ko ulit,hindi na siya yung dating batang madungis mas lalong pumogi humawig tuloy sakin

"Eto po ayos lang hehe si ate Laina nga po parang nakalimutang kasama niya ako sa iisang bahay" sagot naman niya

"Nako hindi naman ata sa ganun busy lang cguro si ate Laina mo bata btw kumain kana ba?" Tanong ko

"Hindi pa nga po nahihiya po kasi ako kila manang at ate Laina" sagot naman niya

"Ikaw talagang bata ka dapat wag kang mahiya kasi dahil dyan sa hiya mo di mo namamalayang nalilipasan kana ng gutom" paliwanag ko sakto namang may natanaw ako manong na nag titinda ng fishball at kikiam "halika samahan mo akong kumain dahil parehas pala tayong nagugutom haha" pag aaya ko bigla namang sumaya tong bata ewan ko ba kung bakit parang ang gaan sa pakirandam pag kasama ko to

"Tara kuya gusto ko yun!" Sambit niya at tumakbo na papunta djn sa nag titinda habang yakap yakap yung bola niya

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Jayleen POV

"Oh heto na tignan mo tong si brylle basta pag dating sa pag kain napakatakaw halos bilgin lahat yung mga pag kain na nasa savemore" kwento ko sa kanila habang nilalapag yung mga binili namin ni brylle kanina

"Gusto mo rin naman yan baby kaya wag ka ng mag tampo wala namang tayo" iwwww iniisip niya talagang nag seselos ako sa lagay na yan?

Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya napatawa yung dalawa na mag kalayo sa isa't isa kanina ko pa napapansin na para merong kulang

"Galit panga" pag paparinig ni Brylle habang ngumunguya ng fries

"Tumigil ka nga kahit kailan panira ka ng araw" sambit ko naman

"Bakit nga pala kayo andito?" Tanong naman ni bess kaya napatingin ako sakanya ay hindi lang pala ako pati rin pala si ahmir at brylle

"Aba ewan ko" sagot ko

"Opssss wala din akong alam" sambit naman ni brylle

"Tinawagan lang ako ni brylle para pumunta dito" sambit din ni Ahmir

"Ako rin tinawagan lang" sambit naman ni Kairo na kakapasok lang habang kumakain ng kikiam,san naman kaya niya nabili yan nakakatakam

"Oh bakit ngayon ka lang pare?" Tanong ni brylle na nasa harap na mismo ngayon ni Kairo at tinitignan yung kinakain neto,aba aagawan pa ata ako

"Eto kasing batang to" sambit niya at itinuro yung nasa likod niya eh wala namang bata

"Baliw" sambit ko naman at lumapit narin sakanya

Andami pang laman nung baso at puro kikiam sayang din yan pag hindi ako ang nag ubos at baka sa ibang sikmura pa mapunta kawawang kikiam pag nag ka taon

"Bata halika dito wag ka ng mahiya" pag tatawag ni kairo at bakit kailangan niya pang lumabas?,may nakikita ba siya na hindi namin nakikita?

"Ayoko kuya" may nag salita shet nag sasalitang multoooooooo!

"Wag ka ng mahiya magagalit sayo si ate Laina mo" mahinhin na sambit ni Kairo kami naman tong nakikirinig

"Sino ba yan Kairo?" Tanong ni bess at alam ko namang narinig ni Kairo yon

"Eto oh" buhat niya na ngayon yung batang sobrang cute at mas lalong dumagdag sa kakyutan niya yung dumi niya sa mukha galing ata sa souce ng kikiam

"Halla! Ipunta mo nga sakin yan" sabi naman ni bess kaya ibinaba ni Kairo yung bata

Tumakbo yung bata palapit kay bess at niyakap niya ito ng mahigpit

"Ikaw yung bata na nakita ko dati na ipinatira ko dito sa bahay diba?" Tanong ni bess tumango naman yung cute na bata "sa sobrang busy ko hindi man lang kita naalala simula nung dito na kita ipinatira halos hindi rin kita makita dito patawarin mo si ate Laina ha? Busy lang talaga siya" paliwanag ni bess,juskooooo daig pa ata ni bess si manang sa sobrang makakalimutin HAHAHAHA

"Ayos lang po yon ate Laina" sagot naman nung bata

"Ang sarap naman neto Kairo"dali dali akong lumingon kay brylle na ngayon ay halos ubusin na lahat

Lahat ng kikiam! Hindi ako makakapayag ako ang unang nakakita at natakam sa kikiam na yon at ganun ganun lang niya makakain?!

"Aba hoy! Bakit mo kinain yan?!" Tanong ko at lumapit sakanya kaya bigla siyang tumakbo sa labas at agad ko naman siyang sinundan nung nasa court na kami nakita ko si amelia dun sa sulok at masamang nakatingin sakin

-S h a n e n g g g......

IMPOSTORAWhere stories live. Discover now