CHAPTER 06: CHAOS HAS BEGAN

1.9K 76 17
                                    

CHAPTER 06: CHAOS HAS BEGAN

JADE

Sa sumunod na araw ay pumasok na ako sa eskwelahan dahil maayos na ang pakiramdam ko. Maaga ako nagising, mga alas sies ng umaga akong bumangon sunod ay naligo at nagsuot ng uniporme. Sabay inaayos ang sarili sa harapan ng salamin.

Pagkatapos ay nagluto ako para sa aking agahan. Kinuha ko lang kung anong nasa loob ng fridge na pwedeng makain at gumawa din ako ng kape. Magisa akong kumain sa hapag kainan dahil maagang umalis si Auntie upang pumunta sa palengke.

Mabilis lamang ako natapos kumain sunod ay naghugas sa aking pinagkainan at nagtoothbrush.

Halos kalahating oras ang nakalipas bago ako lumabas sa bahay at bumaba. Pagtingin ko sa paligid ay marami ng sasakyan ang dumadaan.

Maingay na ang kalsada dahil puno ng maraming mga tao karamihan sa kanila ay estudyante katulad ko at papunta sa kanilang trabaho.

Kahit kaya ko naman na maglakad ay sumakay nalang ako ng bus dahil ang init ng kalsada. Tirik na tirik na ang sikat ng araw. Pumunta muna ako sa bus stop na nasa tapat lang ng café upang sumakay, ilang sandaling lumipas ay tumigil sa harapan ko at sumakay na doon.

Pagpasok ko ay marami na ang pasahero sa loob kaya nakatayo ako buong oras pero hindi naman masakit kasi hindi nagtagal ay huminto sa tapat ng eskwelahan.

May kasama akong bumaba sa bus. Maraming estudyante ang pumapasok na sobrang ingay at nagtatawanan na tinitingnan lamang ni Mr. Morelli. Noong dumaan ako sa harapan niya ay ngumiti ako at nag bigay ng piece sign sa kanya.

“Mabuti naman ay maaga kang pumasok ngayon sana ay araw-araw na iyan" komento ni Mr. Morelli habang nagkrus ang dalawa niyang braso at hindi ko alam kung masaya siya o hindi na makita ako dahil hindi mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Pumunta ka na doon, Cesaire.”

“Opo manong guard” sagot ko.

Pumunta na ako kaagad sa third floor. Habang naglalakad ay may narinig akong usapan mula sa mga guro sa loob ng faculty room dahil bahagyang nakabukas ang pintuan.

“Mabuti naman ay maayos na siya?” rinig ko ang boses mula kay Mrs. Hernandez na halatang masaya dahilan natigilan ako.

“Oo, tinawagan ako ng mga magulang niya. Babalik siya ngayong araw” sagot ng isang lalaki na sigurado ay mula sa secretary ng principal namin.

“Sana wala masamang mangyari sa kanya 'lalo na malapit na maging malubha ang sakit nito” tugon ni Mrs. Hernandez.

“Palagi naman handa sa infirmary sila Nurse Cathy kung ano man ang mangyari sa kanya” wika ng lalaking secretary.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang umabot ako sa classroom. Karamihan sa mga kaklase ko ay nandoon at nagdala ng ingay sa paligid.

Bakante pa ang upuan sa tabi ko. Umupo ako sa aking upuan tapos napatingin sa kabilang tabi ko, kumunot ang noo ko ng makitang sobrang tahimik ni Ayla habang isinubsob ang mukha sa mesa.

Its unsual to see her gloomy.

“H-Hey...are you okay?” I asked.

“Hindi ako okay” matamlay na sagot ni Ayla at marahang bumuga ng malalim na hininga. “Umabot ako ng alas quatro y medya habang nagbabasa ng libro kaya wala akong halos tulog”

“Bakit ka naman umaabot ng umaga?”

Inangat niya ang kanyang ulo. Nakita ko ang malalim na itim na cirlce sa ilalim ng kanyang mga mata at ngumisi siya na parang loko. “Romance book ang binasa ko kanina. Iyong klase na slow burn na inaabot pa ng halos patapos ang libro bago umamin sa isa't isa ang dalawa”

HIDDEN FILES 1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon