"Ang lambot-lambot talaga ng buhok mo Camila parang buhok ng kabayo."
Natutuwang puri ni Esther habang sinusuklay si Camila."Bakit sa dinami-rami nang puwede mong ihanlintulad sa buhok ko, bakit sa kabayo pa?"
Nangingiting tugon ni Camila.Labis na nagtawanan ang dalawang magkaibigan hanggang sa marinig ni Señor Conrad ang kanilang halakhakan. Si Señor Conrad ang ama ni Camila.
"Naku! Kayong dalawa, napakaingay niyo, hinihintay niyo pa yatang marinig kayo ni Constancia, alam niyo namang ayaw niyon sa maingay, lalo na't nagsisiesta iyon."
Paalala ni Señor Conrad sa dalawang bata, na tila napalitan ng takot ang kanina'y masayang mukha. Madalas na gamitin ng señor na dahilan ang kanyang asawa upang hindi magingay ang kanyang anak na si Camila tuwing nakikipaglaro ito kay Esther, ang anak ng kanilang yumaong kasambahay.Malungkot na lumapit si Camila sa kanyang ama at bumulong.
Nagulat naman si señor Conrad sa binulong ni Camila at mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay na tila ba may nangyaring kung ano.
"Ano yung binulong mo sa papa mo?"
Nagtatakang tanong ni Esther sa kaibigan.Hindi naman sumagot si Camila. Sa halip, hinawakan niya ang kamay ni Esther at mabilis na tumakbo palabas ng kanilang bahay. Tumakbo ang dalawa hanggang marating ang pangalawang kanto.
"Camila, bawal tayong lumabas! Mapapagalitan tayo sa ginagawa mo!"
"Esther naman, nababagot na'ko na lagi nalang tayo sa bakuran ng bahay. Sabi ng mga kaklase ko may perya daw na nagbukas malapit sa simbahan."
"Ano na naman ang binabalak mo Camila? Hindi ko gusto yan."
"Magpeperya tayo Esther, may nakuha akong limang piso, nung nabasag ang alkansya ni papa."
Pagmamalaki ni Camila."Hala! Lagot tayo sa papa at mama mo pagbalik natin. Ang dami na nating kasalanan!"
Pagaalala ni Esther.Hindi naman mapigilan ni Camila ang humagikhik sa narinig. Lalo namang naguluhan si Esther sa mga nangyayari.
"Huwag ka magalala Esther, hindi tayo pagagalitan ni papa!"
"Anong ibig mong sabihin ha, Camila? May kinalaman ba'to sa binulong mo sa kaniya?
Tumango si Camila. May ngiti sa labi.
"Ano ba ang binulong mo kay señor?"
"Sabi ko, nakita kong bumababa ng hagdan si mama, at kung hindi niya isasara ang kuwarto sa baba, makikita ni mama ang mga bote ng alak niya-- eh diba bawal sa kanya ang uminom?
At sabi ko din, isusumbong ko siya kay mama kapag hindi niya ako binigyan ng pera."
Nanlaki ang mata ni Esther sa narinig at napagtanto.
"Binasag mo yung alkansya? Nangupit ka pa? Tinakot mo ang papa mo? Tumakas ka.. at sinama mo ako?! Camila, ano ka ba?!"
Samantala, nagkakagulo naman ang lahat sa Villa Dela Torre sa paghahanap kay Camila at Esther. Gising na si Señora Constancia sa mga sandaling iyon.
"Nasaan ka, Camila?"
Galit na bulong ng señora sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Kadenang Ginto (Kaputol Na Tanikala)
FanfictionKung akala mo'y tapos na. Nagkakamali ka. Tumatakbo ng mabilis ang panahon. Lilipas nang hindi mo namamalayan. Ang huling masayang tagpo sa iyong ala-ala, ngayon ay mabubura na. Magbabalik ang mga tauhang iyong minahal sa telebisyon. Muling magpapaa...