"Mom, has lola always been that meddlesome? At matagal na pala talagang kasama ng mga Mondragon si manang Esther." Tanong ni Marga sa inang si Daniela na naging ugali na ang ikuwento ang kasaysayan ng mga Mondragon.
"Yes, Marga. Matagal nang kasama ng pamilya si manang Esther. She's always been family. Sabay silang lumaki ng great grand lola mo." Paliwanag ni Daniela na may dalawampung taon pang gugugulin ayon sa hatol ng korte. Patuloy naman ang pag-aapila nito ng parole, upang mapababa ang sintensya at maagang makasama ang anak na si Marga.
Pitong taon na ang nakalipas nang matapos ang giyera ng mga Mondragon. Pitong taon na mula nang nagkapatawaran ang mga naiwan ng patriarch na si Robert Mondragon.
Madalas na dalawin ni Marga si Daniela sa city jail. Pinili ni Marga na ipagpatuloy ang kolehiyo sa Pilipinas upang hindi malayo sa kanyang ina. Nagtapos ito ng kursong Business Administration sa isa sa pinakatanyag na unibersidad sa Pilipinas. Ibinigay rin kay Marga ang pinakamalaking extension projects ng Camila group of companies, ang "Ponticello".
"Mom, I have got two good news for you. I hope I could make you proud through these." Bungad ni Marga.
"I will always be proud of you anak. What is it? I'm excited to hear. Tell me." Masiglang tugon ni Daniela.
"First, naapprove na ang parole mo mom! Tito Bernard will come tomorrow to meet with you. Malapit ka nang makalaya." Masiglang balita ni Marga.
Hindi makapaniwala si Daniela sa narinig. Tila nabigla sa unang magandang balita isiniwalat ni Marga.
"Aaaaand, not just that, Camila will soon expand it's operation in the middle east. Dahil doon, nabuo ang plans to branch out the operations to southern Luzon. I will be the head of operations in Batangas!" Masayang kuwento ni Marga.
Mabilis na tumulo ang mga luha sa mga mata ni Daniela sa mga narinig na balita.
"I know from the start that you'll never fail me Marga. Your lolo-dad is sure proud of you. Noon pa man nakikita ko that you'll step up to lead Camila."
"Gaya nga ng lagi mong sinasabi mom, we are not a Mondragon for nothing."
Mahigpit na nagyakap ang dalawa na agad namang napansin ng visitor warden.
"Oh siya tama na yan! Tapos na ang araw ng dalaw. Tama na yan!" Sigaw ng warden matapos hampasin ang rehas na bakal, hudyat sa pagtatapos ng oras ng dalaw.
"Mom, one more thing, before I forget. After the board meeting the other day, I met with tita Romina. She received a call from tito Bernard, there was an alarming document forwarded to Camila regarding--" naudlot ang nais sabihin ni Marga nang lumapit ang warden upang sunduin siya.
Matalim ang tingin ng warden sa mag-ina.
"Mga miss, tapos na ang oras ng dalaw. Aba! Anong akala niyo dito kopi shop! Sige na tama na yan." Pagpipilit ng warden.
"I'll figure it out, mom. I'll let you know when I come back. Love you mom."
Mahigpit na hinawakan ni Daniela ang kamay ng anak, na tila ba nababahala sa hindi masabing dahilan.
"Magiingat ka palagi Marga. Tandaan mo mahal na mahal kita. I am always here for you, no matter what. Makakalabas din ako dito." Paalala ni Daniela bago magpaalam sa anak.
Kinagabihan, alas dose kuwarenta y kuwatro, nabalita ang isang riot sa loob ng city jail at 752 na preso ang nakatakas, kabilang sa mga pinaghahanap ay si Daniela Mondragon.
BINABASA MO ANG
Kadenang Ginto (Kaputol Na Tanikala)
FanfictionKung akala mo'y tapos na. Nagkakamali ka. Tumatakbo ng mabilis ang panahon. Lilipas nang hindi mo namamalayan. Ang huling masayang tagpo sa iyong ala-ala, ngayon ay mabubura na. Magbabalik ang mga tauhang iyong minahal sa telebisyon. Muling magpapaa...