Kung akala mo'y tapos na. Nagkakamali ka. Tumatakbo ng mabilis ang panahon. Lilipas nang hindi mo namamalayan. Ang huling masayang tagpo sa iyong ala-ala, ngayon ay mabubura na. Magbabalik ang mga tauhang iyong minahal sa telebisyon. Muling magpapaalala, na anumang tibay at kinang ng kadenang ginto, malalagot ito pag nadarang sa naglalagablab na apoy ng kasinungalingan mula sa nakaraan! Maniningil na sa lahat ng nagkasala! Mangumpisal ka na! Magsisimula na ang paghahanap sa kaputol na tanikala.