Gusot o Lusot

6 0 0
                                    

"Basag ang bungo at nagkadurog-durog ang biktima ng riot sa loob ng National Bilibid Prison. Nagtamo naman ng 6 malalalim na saksak ang diumano'y lider ng grupong nagsimula ng gulo. Natagpuan naman ang kahon-kahong explosives na naipuslit sa loob ng preso na siyang dahilan ng pagkawasak ng permiter fence na nagbigay daan sa pagtakas ng 752 na convicted criminals-"

Nanginginig na pinatay ni Marga ang TV. Habang si Romina naman ay hindi makapaniwala at agad tinawagan ang city jail upang makumpirma na isa si Daniel sa mga nakatakas na preso.

"Kasama si Daniela sa mga pinaghahanap na preso. Tumakas ang mommy mo Marga." Pagkumpirma ni Romina.

"Tumakas? Are you serious tita Romina? Hindi magagawa ni mommy yun, and besides she already knows na magbababa na ang korte ng parole para makalabas siya. She won't ruin that chance?" Paliwanag ni Marga.

"Marga, all I'm trying to say is, kung hindi kasama si Daniela sa mga nasaktan sa riot, isa siya sa mga nakatakas at pinaghahanap ngayon ng mga pulis. Lalo lang hahaba ang parusa sa kanya ng korte."

Bakas ang pagkadismaya sa mukha ni Marga nang marinig ang mga sinabi ni Romina.

'So you really believe na magagawa ni mommy yun? Really tita Romina? I can't believe that until now, after all this family has been through, ganyan pa rin pala ang tingin mo sa mommy ko."

"Marga, hindi sa ga-"

"I have to go, and find out the truth behind all these, kaysa magmukmok dito hearing baseless accusations."

Mabilis na umalis si Marga at nagtungo sa opisina ng city jail. Bakas ang pagkadismaya sa kanyang mukha.

Hindi naman mapigilang isipin ni Romina kung nasaan at ano ang dahilan sa mga pangyayaring ito. Kung ito ba ay nagkataon lamang o sinadya ito bilang bahagi ng mas malaking plano? Nais malaman ni Romina kung ano ang papel ni Daniela sa nangyaring gulo at pagtakas ng mga preso sa city jail.

Naghahanda nang umalis si Romina upang sundan si Marga nang makatanggap ng tawag mula kay Bernard.

"Hello, Bernard, nabalitaan mo ba ang nangyaring gulo sa city jail?" Pambungad ni Romina.

"Oo, I know this is not the proper time, pero may mas mahalaga kang dapat malaman." Tila may pangamba sa boses ni Bernard.

Pagpapatuloy ni Bernard..

"Naalala mo ba ang mga papeles na dumating noong isang araw? I have consulted together with my compañeros and I am afraid to inform you that Leon has sold his shares in Camila together with the other investors to a Filipino-Chinese na nagngangalang Anton Guerrero. Which makes this man the majority shareholder of Camila as we speak."

"How did this happen? Lahat ng investors pati na rin si Leon, sold their shares to the same person? Is this a joke Bernard?"

"No Romina, this is as real as it gets. And since all the investors are now out of the picture, all communications will just be between you and Mr. Guerrero."

"I am not liking this Bernard."

"He is also asking if he could meet you on Monday, and from his own words, kung lulusot lang naman."

"I'll think about it."

Binaba ni Romina ang telepono.

"Anton Guerrero, anong klaseng gusot ang dala mo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kadenang Ginto (Kaputol Na Tanikala)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon