Chapter 2. Bulong

14 0 1
                                    

Isa, dalawa, tatlo, pigil hinga, bilang isa, dalawa, tatlo, apat,. ..

Pinipigilan ni Gabriel ang paghinga, at sinusukat kung ilang Segundo ang kaya nya. Habang naglalakad kasunod  ng kanyang inay. Naglalaro ang murang isip, nanlalaki ang mata at pinalaki ang pisngi, habang nagpipigil sa paghingi,

Alam mo naman gab kung san tayo pupunta diba? Tanong ni Aling amalia,

Di naka sagot si gab,

Lumingon sya, at nakita nyang lumalaki ang mata at namumutla si gab,

Hoy,, anu ba nangyari sau, ?! gulat na tanung nya,

Itinaas ni Gab ang kanyang kamay at nag bilang gamit ang daliri,

Lima, apat, tatlo, dalawa, isa..

Waaahhhhh,. Sabay buga ng hininga

Naghahabol ng hininga si gab, at napa ngiti pa eto ,.habang natingin lang sa kanya ang kanyang ina,.

Anu ba gingawa mo?,

Sinusukat ko po, kung ilang bilang ko mapipigilan ang paghinga ko,.

Sagot nyang naka ngiti,

150 na bilang lang inabot ko,. Saying dadami pa sana un nay, ginulat mo kasi ako..

Napa tingin sa kanya si Aling malia,

Nadinig mo ba ang tanung ko kanina?

“opo, pupuntahan natin si Albularyong Inda, hindi po ba? sagot nya.

Alam mob a kung bakit tayo pupunta dun?

Opo’ kasi po nag alala ka na sakin dahil sa panginip ko, ?!

Huh!, panu mo alam ?,nakangiting  tanung na nagtataka , sinabi ba sayo ng tatay mo?!,

Hindi po. Binulong po sakin,.!

Bulong?, napatigil si Amalia, at napalingon,.hinawakan nya si gab ng mahigpit, at tingnan sa mata,..

“Gab tumingin ka sakin, sinu ang bumulong sayo?, wag ka mag biro ng ganyan,

“ang hangin po, lage syang nakikipag usap sa sakin,

Tama na,!, napa luhang sagot ni Amalia,

Dyos kop o, anu ang nagyrai sa anak ko, pabulong nyang sambit sa taas,.

Tumigil sila sa paglalakad, na sa gitna na sila ng daan malapit sa sapa,

Wuuusshhhh, umihip ang hangin,

Nagpahid ng luha si Amalia sabay, tayo at hawak sa kamay ni Gabriel,

Tara na didiretso na tayo sa bahay ni Inda

Ang bahay ni Inda ay may dalawang kilometro ang layo mula sa kanila, makipot at ma gubat ang papunta sa bahay, nya, dadaan ka ng sapa, at masukal na makawayang parte. Mag isalang si Albularypng inda sa kanyang bahay, matapos mag sawa ang kanyang anak na si ttio ng taga kabilang baryo at dun na nanirahan.

Naka rating din sila sa bahay ni inda. Nakita nila si inda naka upo sa isang bagko malapit sa hagdan habang nag dikdik ng kung anung buto, ng hayop.

Magandang hapon, po Aling Inda.. bati ni amalia

Aling inda pwede po ba kaming mang abala,sa inyo po,.

VOXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon