Chapter 1: Ang Simula

17 0 0
                                        

2014 April 8, Jerusalem- Lima ang patay matapos ang pamamaril sa isang synagoga. Limang putok na bumutas sa bawat ulo ng limang pari. Headline na naman sa news di lang sa local kundi pati na rin sa International papers. Ayon sa report ni Inspector juz-ar hadabe mag isa ang salarin na pumasok sa synagoga at walang awang binaril sa ulo ang limang pari. Maaring konektado ang pamamaslang sa alitan ng dalawang relihiyon o sadyang kagagawan ng terrorista. Nakunan sa cctv kamera ang mukha ng salarin at pinakalat na rin ito sa media. 

yan ang nakasulat dito sa tabloid ma , ani ni Bray sa kanyang ina.

Anu ba nangyari kay Gab ma, bakit nya ginagawa ang mga bagay nato, di ko talaga sya mapapatawad sa ginagawa nya, nung una lahat tayo natutuwa sa kanya dahil alam nating sya ang pag asa para maahon tayo sakahirapan ngunit ngayun ipapahamak nya tayo lahat sa ginagawa nya wag na wag talaga syang magpakita sakin.. galit na sabi ni bray sa ina.

Tama na! sigaw ng ina habang lumuluha ang luha..

Ewan ko ba, di ko kau naintindihan, sambit ni bray.

Tumigil ka bray, wala ka talagang naintindihan.. wala..sagot ng ina habang umiiyak....

Kinubli ni aling amalia ang balabal nya habang humagohol,  naalala ang mga nakaraan.

1981 April 8. Umuugong ang lakas ng hangin dahil sa bagyong pedring na nanalasa sa buong lugar ng kabisyaan. Sa isang maliit na baryo na malayo sa kabihasnan, walang kuryente at malayo sa teknolohiya. Alas 10 ng gabi, isang iyak ng sangol ang humihiyaw mula sa kubong gawa sa kawayan. Sa loob ng kubo at ay ang isang inang himatayin sa hirap ng panganganak, at ang isang kumadrunang abala sa pag punas sa nababalot na dugong kakasilang na sanggol. Malamig ang gabi, madilim ang paligid, na tanging ang munting apoy ng gasera lamang ang nag bigay init at liwanag sa silid na iyon. Dumating ang ama, na basang basa habang bitbit ang dahon ng tuba tuba.

"Lalake ang anak mo", sabi ng kumadrunang si Aling Tibay.

Dahan dahang humakbang ang paa ng ama, palapit sa umiiyak na sanggol. binitawan ang dalang dahon, at binuhat ang anak. pinag masdan ang mukha ng sanggol sabay tulo ng luha na bumagsak sa pisgi ng sanggol.

Nkabalot ang bata sa tela mula sa tela ng isang sikat na brand na harina, ang Genaral.at dahan dahang itinabi sa kanyang ina. Ngumiti na lang ang bagong panganak na si Aling amalia, habang hinahawakan ang kanyang kamay ng kanyang asawa na si Boy.

Alas dose na ng gabi. di pa rin humupa ang bagyo at tela mas lumakas pa.

Tibay: natakot ako kanina boy, mag isang minuto na di parin umiiyak ang anak mo,. alam mo sa tagal ko na nagpapaanak, ngayun lang ako nakaranas na di umiyaka ng bata sa pag labas, at meron pa akong napansin na kakaiba, hhh,.

Boy: Kakaiba?

Tibay uu pero hayaan mo na,. baka sa isip ko lan yun, teka Pang ilang anak mo na to Boy?

Boy: Pang lima po

Tibay: Di karin mahilig anu hehhehe, at pang limang lalake mo na rin to kung ganun,

Boy: Heehhee malamig po kasi lage ang gabi,.

Tibay:  naku, mag dahan dahan ka na boy,

Boy: opo ( bakit ba nakikialam sabi nya sa isip nya)

Tibay: O sya, maauna na ako eto na si berto sinundo na ako,. sana lang titigil na ang ulan.

Boy: Sige po marami pong salamat,. eto po dalhin nyo po tong dalawang manok,. para po talaga to sa inyo.

Alas Kwatro ng madaling araw. Mhimbing na natutulog ang lahat maliban kay boy na abala sa pag hahanda ng gagawing lugaw na ipapakain sa bagong panganak na misis, ng Biglang..

VOXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon