Chapter 8: Assumptions

999 27 1
                                    

Naging masaya ang mga nagdaang araw para sa magkasintahan.

Nakausap na din ni Daniel si Jana about Kathryn's call na sinagot neto.

"I'm sorry I forgot to mention kasi nagmamadali ka."

Hindi na lang pinatulan ni Kathryn ang baguhang artista.

May mga times pa na nahuhuli nyang nakatingin ito sa kanila at nakasimangot. She doesn't even pretend kahit nakikita iyon ni Kathryn.

Lapit din ng lapit ito kay DJ at gumagawa ng dahilan like asking kung okay lang ba ang pagbitaw nya ng mga lines o kung tama ba ang suot nya sa scene.

"Glam team ghorl?" Inis na bulong ni Kath sa sarili habang tipid na nkangiti. Pero gusto nya nang sabunutan ang babaeng obvious ang pagpapa cute sa boyfriend nya.

Naging masaya sa set at lagi silang magkasama except today.

Late na ang call time ni Kathryn kasi nakatutok sa family ni DJ ang ititake sa morning.

Sa hapon naman ay ang scenes ni Kath with co-workers. Today na din sila mag start ng scenes ni Mico, isang baguhang aktor na galing sa angkan ng mayayaman. He just returned from the States and when he was offered the role of Kathryn's boss and lovestruck manliligaw, he took it because he has a long time crush on her. He admitted it during his interview.

Dali daling lakad takbo si Kathryn papunta sa tent nila ni DJ. Pero labis nyang ikinagulat ang eksenang dinatnan.

Halos madurog ang puso niya sa sobrang selos. Inis, kirot at sama ng loob na pinaghalo halo.

Kasalukuyang umiiyak si Jana at nakahawak sa braso ni DJ. Wala siyang maintindihan sa sinasabi nito kasi nalukob na siya ng selos.

Bakit nandito 'tong babaeng to at bakit dalawa lang sila sa tent? At bakit siya umiiyak? Bakit hinahayaan ni Daniel na humawak ito sa kanya?

Iyon ang tanging nasa isip ni Kathryn. Nahulog nya ang bitbit na water bottle kaya napalingon ang dalawa.

Akmang lalapit si Daniel nang mabilis na lumabas si Kathryn na pigil ang pag iyak.

"Love, saan ka pupunta? Ba't hindi mo ko tinext para naabangan kita?" Habol nito sa kasintahan.

"Bumalik ka na dun Daniel. Nag iinit ang ulo ko." Singhal nya dito habang mabilis pa din na naglakad papunta sa kabilang tent. Di nya na tiningnan kung para kanino ang tent na papasukan.

"Bakit, mahal? Anong nagawa ko?" Tila nalilito pa din ang binata sa inasal ng dalaga.

"Ah...gagawin mo pa akong tanga. Kahit tinext kita di mo pa din mapapansin kaya buti na lang talaga at di ko ginawa." Tumigil muna siya sa tapat ng tent.

"Bumalik ka na dun sa babae mo. Patigilin mo ang iyak nun at baka ma issue pa kayo. Ayokong nadadamay." Tila napako naman sa kinatatayuan si DJ at mas lalong naguluhan.

Pumasok naman si Kathryn sa loob ng tent at iniwang nakatunganga ang nobyo.

Nabigla si Mico nang makita ang babaeng pumasok sa tent nya. Nagliwanag naman ang mukha neto bago pinamulahanan ng tenga.

"Uhmmm... Hi Ms. Kathryn. I'm Mico by the way, I'm new to the business so you probably do not know me." Nauutal na pakilala neto at inilahad ang kamay sa dalaga.

"Love, mag-usap ta..." Pumasok si Daniel sa tent para ayusin ang baluktot na iniisip ng nobya nang matigilan siya.

Kinuha naman ni Kathryn na opportunity yun para inisin at makaganti sa nobyo.

"No..no... I know you. I saw some of your interviews and magazine write ups too. Nice meeting you Mr. Suarez." Matamis pa na ngumiti ito at nilahad din ang kamay.

Je Vous Adore (I Adore You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon