Chapter 14: Positive or Negative 🤔

1.1K 29 6
                                    

"I miss you guys!!!!" Sabay lapit sa mga bisita at isa isang niyakap.

"What a pleasant surprise!" Sarkastikong turan ni Daniel na nagpatawa sa barkada.

"Nabitin ka ba tol?" Sabay tinapik ni Sugui ang balikat ng kaibigan.

"Ulol! Next time kasi nagsasabi para nakakapaghanda kami" sagot naman ni Daniel.

"Uubusin nyo na naman pagkain namin. Mahirap kaya mag grocery."

"Sus! Ayaw mo lang umalis ng bahay eh. Ilang linggo na kayo nagkukulong ni Kathryn. Baka magka quadroplets kayo niyan." Natatawang sabi ni Aeriel.

Napadako naman ang tingin ni Daniel sa asawa na ngayon ay nagbeso kay Joe at Bianca. Sunod naman si Dom na yumakap pa.

"O tama na yan pare. Sobra na." Sabay hila kay Kathryn at inikot ang braso sa beywang neto.

"Di pa din nagbabago si boy madamot" tukso naman ni Doms.

"O, ba't nga kayo nangsusurprise. Wala namang nag message sa group ah."

"Kaya nga surprise pare. Pwede ba sabihin dun ""Kath/DJ, punta kami jan sa bahay nyo isusurprise namin kayo. Wag kayo maingay ha?!"" Tawang tawa ang buong barkada na kinainis naman ni Daniel kasi mukhang mapupurnada pa ang all day all night na pangako ng asawa.

******
Habang nagbabarbeque ang mga lalaki ay nasa pool naman ang mga babae. Kakaahon lang ng mga ito from swimming.

Pumayag naman si Daniel na mag two piece si Kathryn at sila lang naman ng mga kaibigan. Tinakpan nya ito ng white satin coverup.

"Ate girl, married life suits you. Lalo kang nagiging blooming at sumesexy lalo." Pansin ni Byangga.

"Pinapasaya lang ako ni DJ." Sabay tingin sa kinaroroonan ng asawa na kanina pa din tumitingin sa direksyon nila. Nagtagpo ang mga mata nila at ginawaran ng matamis na ngiti ang isa't isa.

"I love you." Sabi naman ni Daniel na lalong nagpangiti kay Kathryn.

"Yan naman ata ang goal ni DJ sa buhay nya. Ang pasayahin ka. I'm so happy for the both of you baby girl." Dagdag naman ni Ria.

"Kelan ka pala babalik sa showbiz? Balita ko may offer na movie sa'yo ah. Tinanggap mo ba?"

"Hindi pa namin napag usapan ni DJ. Baka hindi muna. Baka endorsements lang muna.yun kasi napag agreehan namin before."

Maya maya pa ay tinawag na sila ng mga lalaki para kumain.

Tinungo naman ni Daniel ang asawa para alalayang tumayo at masuyong ginawaran ito ng halik sa mga labi at noo bago binalot ng malaking tuwalya.

"Ang ganda at sexy naman ng mahal ko. Bagay sa'yo ang yellow." Sabay hawak sa beywang neto at tinungo ang table kung saan sila magdidinner.

"May utang ka saken kasi tinanggap mo ang mga asungot na yan sa bahay naten. "All night" na lng tuloy natira sa tangi time naten." Napatawa si kathryn at kinurot ang tagiliran ng asawa.

"Baliw! Mamaya marinig ka nila."

"Totoo naman kasi love. Kaya kumain na tayo at tulungan mo ko mapalayas ang bwisita naten kasi nanggigigil na ko sa katawan mo." Sabay pisil sa beywang ng asawa.

"Napakamanyak mo tlga Daniel!" Hagikgik ni kathryn na nagpatawa naman sa asawa nya.

******

Napatakbo si Kathryn sa banyo dahil nakaramdam na parang hinahalukay ang tyan nya paggising nya.

"Ugh.."habang pilit na nilalabas ang sama ng sikmura sa toilet bowl.

"Love...okay ka lang?" Hinihimas naman ni Daniel ang likod nito. Nagising sya nang marinig ang pagduwal ng misis kaya dali dali nyang sinundan ito sa banyo.

Je Vous Adore (I Adore You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon