Simula

11 0 0
                                    

Authors note:

This story are purely fictional.

This is made by my wide imagination.

Simula

   Paano nga ba ang magmahal? Kailangan ba sa pagmamahal laging  masaktan? Bakit pa pinipili ng tao ang magmahal kung alam namam nila na ito rin yung wawasak sa kanila

Tulad ko. Lagi Kong  pinipili ang magmahal, Magmahal ng paulit ulit, kaya siguro paulit ulit lang din akong dinurog at inubos. Ngayong  ubos na ako? Pipiliin ko pa rin ba ang magmahal?....

"Hoy!! Tulala ka na naman dyan. Iniisip mo na naman ba yang mga ex mong kumag!" Pagbubunganga na naman ng pinsan ko na si Macy

Napakaingay talaga kahit kailan.

"Huwag ka nga maingay dyan. Marinig  tayo ni auntie." Pagbabawal ko sa kanya.Umupo naman sya agad sa tabi ko at nagbuntong hininga pa muna bago magsalita

"Okay kana ba talaga?" Seryosong tanong nya

"Anong klaseng tanong yan?" Nangigisi na ani ko

"Sagutin mo kase" aniya

"Oo naman noh." Pagsagot ko kahit hinde ko alam kung totoo ba ito

"Talaga? Kaya mo na silang harapin pagbalik mo sa probinsya?"

Nagbuntong hininga ako. Hinde ko alam kung ano ang isasagot ko. Kaya hinde nalang ako sumagot

"Hmm.. Hinde kapa nakakaget over sa apat no?" Itinuro nya pa ako

"E pano ka nga makakaget over e Kay gagwapo ng mga ex mo haha... Sana ako din may ex na gwapo" kinikilig na aniya

Kerengkeng din tong pinsan ko na to e. Hinde ko tuloy alam kung sakin ba talaga to kampi o dun sa mga ex kong  kumag.

Nagbabakasyon lang ako kila auntie. Actually ayoko naman sana kaso kailangan ko daw at ipinayo din to ng mga kaibigan ko para daw makalanghap ako ng sariwang hangin.Makahinga kahit saglit alam din kase nila kung paano ako sobrang nasaktan sa mga ex ko na yon. Wala ih  marupok ako e.

"Maica!" Pagyugyug sakin ni Macy kinaumagahan.

"Hmm..." Inaantok na ungol ko

"Bumangon kana dyan! Magsasalon tayo libre ni mommy" aniya na niyuyog parin ako

"Ayoko, inaantok pa ako" pagtanggi ko habang nakapikit parin.

"Gaga! Bawal tanggihan ang grasya lalo na kung libre. Halika na! Bangon na dyan" hinili nya ako paalis sa kama tamad naman ako na nagpahila sa kanya .Hinde naman ako mananalo sa kakulitan nito.

Pumasok na ako sa cr at naligo.

Nakaharap ako sa salamin habang nagboblower ng buhok. Mukang hinde ko namam kailangan ng salon. Maganda pa naman yung buhok ko, okay pa naman tong look ko

"Mukang hinde ko naman kailangan to" wala sa sariling sambit ko. Wala naman masyadong costumer kaya nauna na agad si Macy sa isa sa mga upuan na nandon.

"Ano kaba. Halika na nga dito sa tabi ko, kailangan mo ito to be better" aniya na itunuro ang isa pang upuan na Nasa tabi nya

"Maganda naman ako" nakasimangot na wika ko

"We know hija, But you need this para kapag nagkita ulit kayo ng mga kumag mong ex, They will realize that you are worth it" hinde lingid Kay Tita ang about sa mga ex ko. Napakaingay kase ni Macy kaya naikwento nya Kay Tita. Wala namang problema kung alam nya I'm on my legal age naman na, Alam din naman to ng mga parents ko, actually may favorite sila sa mga ex ko hayss....

Hinayaan ko ang parlorista sa kung anong gawin  nya sa buhok ko. I'm very confident naman na babagay sa akin kung ano pang gawin nya..

Ilang oras ang lumipas

"Shit!... Youre so pretty!" Tili ni macy ng matapos na ako.

Ang OA, makatili e

"Ang Oa mo. Kumalma ka nga dyan, ako lang to oh" sarkastikang sambit ko at saka humarap sa salamin

Okay naman. Naputol na ang mahaba Kong buhok hanggang balikat at kulot ito sa dulo may highlight din ng golden brown. Maganda naman bagay naman sakin.

Nauna na umalis si auntie dahil may kikitain daw syang friend. Maaga pa naman kaya nagmall muna kami ni Macy. Dumeretso kami sa mga bilihan ng damit. Nagkakasundo kami ni Macy sa mga damit halos pareho kase kami ng style kaso masyadong showy yung sinusuot nya yung akin showy lang ng konti.

Hapon na ng makauwi kami hinde ko maipagkakaila na napagod ako sa shopping namin na yon ni Macy andami pa kase namin inikutan na bilihan ng damit.

Nakahiga kami ni Macy sa kama nya alam Kong napagod din sya. Ang gaslaw kase eh

Kinuha ko ang phone ko at nakita ko na may message doon. Binasa ko iyon

Harvey:

Zup! How are you?.labas tayo pagbalik mo

Natigilan ako sa text message na yon. Nagiisip ako kung ano ang isasagot ko

Me:

Okay....

Binura  ko yung message. Dapat bang pumayag ako?  Kaya koba? Bumuntong hininga ako

"Huy.. Anong meron? Napapabuntong hininga ka dyan?" Nagtatakang sambit ni Macy ng mapansin ang pagbuntong hininga ko

"S-si...h-harvey...ahmmm n-nagtext" hinde ko maayos ang sasabihin ko

"Mmm.. Akin na nga utal utal ka na dyan" hinablot nya sa kamay ko ang cellphone ko

Binasa nya iyon saka buntong hiningang  tumingin sa akin.

"Ano makikipagkita ka?" Biglang seryoso ang tono nya

"Ahmm.. H-hinde ko pa alam,bahala na" naguguluhan na sambit ko. Hinde ko alam kung makikipagkita ba ako o hinde

" hinde mo alam! ... Maica gising" niyugyog nya ang mga braso ko. "Way nya lang to para gumaan yung loob mo sa kanya and what next? Wawasakin at uubusin ka na naman nya" galit ang tono nya

"Macy ang Oa mona. Nagaaya lang lumabas yung tao, hinde  nga ako nagreply eh" sambit ko

"Hinde nagreply pero alam ko naman na gusto mo rin na magkita kayo. Matuto rin naman sana sa mga pagkakamali" irita pa rin sya

"E ano naman kung makipagkita ako? Wala akong nakikitang masama " irita na rin ajo dahil sa inaasta nya

"Hay nako! Magisip ka nga... Pinapairal mo na naman  Yang katangahan mo!"

"Sobra kana ha. Masakit kana magsalita. Ano bang problema kung magkita man kami?"

"Ikaw!" Biglang kalmadong aniya. "Wala namang probelam  sakin kung magkikita   kayo. ang problema ikaw.. Inaalala lang kita, na baka pagnagkita kayo nyan, maulit ng maulit hanggang sa Pakitaan ka na naman ng maganda mangako na naman ng kung ano ano then boom! Marupok ka na naman... Ang problema  sayo ayaw mo na masaktan pero ambilis mo bumigay" pagkasabi nya nun ay lumabas sya ng kwarto at padabog  na isinara ang pinto

Naging mainit ang pagtatalo namin na iyon ni Macy at ramdam ko din ang tensyon sa pagitan namin. Nasaktan  ako sa mga sinabi nya pero naisip ko din na tama namam sya

Ilang beses kona sinabi noon na ayoko na masaktan pero sa tuwing may dadating na pakikitaan lang ako ng konting pagbibigay halaga, konting lambing ayun tanga na naman ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 Me & My Ex'esWhere stories live. Discover now