C

916 38 4
                                    

(PART 3 of 4)

"Penelope!" Tawag ko sa kanya.

Agad naman nya akong nilingon.

Ngumiti ako sa kanya.

"Akala ko umuwi ka na?" Tanong ni Penelope.

"Hindi pa. Manonood kasi sana ako ng practice nila Jeffrey eh, kaya lang wala sila sa gym kaya kumain nalang ako sa cafeteria," nakangiti kong sabi.

"Gusto mo kain tayo sa labas mamaya? Treat kita! Tapusin ko lang tong practice namin ng play."

"Hindi na. Dumaan lang kasi talaga ako dito para ibigay to," sabi ko habang inaabot sa kanya ang Delafee Chocolate na bigay ni Jeffrey.

Halata naman sa muka ni Penelope ang pagkabigla. Hindi na rin sya nakapagsalita.

"Nakita ko sya kanina sa cafeteria. Pinabibigay nya to," sabi ko pa.

Kinuha naman sa akin ni Penelope ang inaabot ko sa kanya.

Pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Pinapasabi rin pala ni Jeffrey na tuloy daw ang date nyo sa sabado. Alas kwatro daw ng hapon dito sa school. Aasahan ka daw nya."

"Je-Jessy...so-sorry..." utal utal na sabi ni Penelope.

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Ano ka ba naman...wala sa akin yun noh. Parang yun lang."

"But you like Jeffrey so much."

"Asus...crush ko lang sya noh. Asa naman na magustuhan nya ako. Hindi nya nga ako kilala eh."

"Im sorry..." banggit nya habang umiiyak.

"Penelope naman...wag ka ngang umiyak...basta masaya ako para sayo. At saka bagay kayo ni Jeffrey noh. Mas bagay kayo. Sino ba naman ako para magustuhan nya? Si Penelope Mendoza ka at si Jeffrey Castillo sya..sino ba naman si Jessy Mendiola para pigilan ang pag-iibigan ng dalawang famous ng UE."

Hanggang sa niyakap ako ng mahigpit ni Penelope.

Niyakap ko na din sya ng mahigpit.

"Masaya ako na naging kaibigan kita," banggit nya habang umiiyak.

"Tahan na...hindi ako magagalit sayo. Masaya ako para sayo. Kung gusto mo man si Jeffrey o hindi, masaya pa rin ako."

"Sorry talaga Jessy...sorry kung hindi ko nasabi sayo. Natakot lang ako na baka magalit ka sa akin."

Kung tutuusin ay may karapatan akong magalit. Kasi nilihim nya sa akin. Pero mas galit ako sa sarili ko. Masyadong mataas ang tingin ko sa sarili ko. Feeling ko porke kaibigan ako ng isang Penelope Mendoza ay maaari na akong magustuhan ng isang Jeffrey Castillo.

But I was wrong.

Im just a friend of Penelope Mendoza. Isang tuta na lagi nyang kasama.

Kumbaga sa pelikula, sya ang bida at supporting actress lang ako.

Kumbaga sa pagkain, sya ang ulam at sawsawan lang ako.

Kumbaga sa halaman, sya ang bulaklak at dahon lang ako.

.

.

.

Palabas na ako ng school nang mapadaan ako sa mga ilang estudyante na may inaayos na tarpauline.

"Medyo iangat mo pa," sabi nung isang estudyante.

"Okey na yan," sabi pa nung isa.

Nang maayos nila ang tarpauiline ay bumungad sa akin ang malaking muka ni Penelope.

Tsokolate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon