(PART 4 of 4)
"Ma...uuwi ba ngayon si Papa?" Tanong ko nang bumaba ako sa sala.
"Oo. Nandito na sya mamaya bago maghapunan," sagot ni Mama.
Pumunta ako sa sala at nakita ko doon si kuya na nanonood ng TV.
Kinuha ko ang remote ng TV at nilipat ko sa Eat Bulaga.
"Bastos ka ba? Nanonood kaya ako," inis nyang sabi.
"Tsk...ang pangit naman kasi ng pinapanood mo. Ang tanda tanda mo na puro anime pa rin ang pinapanood mo."
"Kanya kanyang trip lang yan."
Sa inis ko ay umakyat nalang ako sa kwarto.
Nakakainis talaga yang si Brotherhoodness! So Childish.
Alas kwatro palang pala. Makatulog nga muna para pag-gising ko, KAKAIN NA!
Humiga ako sa kama hanggang sa narinig kong tumunog ang phone ko.
1 MESSAGE RECEIVED
FROM PENELOPE: Jessy! May problema. May lakad kami ngayon buong pamilya. Tutal malapit lang naman ang bahay nyo sa school, puntahan mo naman si Jeffrey sa school doon sa harap ng gym. Pakisabi na hindi ako makakarating. Pakisabi na rin na sorry, babawi nalang ako sa kanya next time. Thank you bestfriend. Last text ko na to.
Halos lumuwa naman ang mata ko sa gulat dahil sa aking nabasa.
Pupuntahan ko si Jeffrey para sabihin na hindi sya makakarating?
NO WAY!
Ayaw ko nga.
*reply
TO PENELOPE: ayaw ko! Bahala ka dyan!
SENT!
Kainis talaga tong Penelope na to. Bakit hindi nalang si Jeffrey Castillo ang tinext nya para sabihing hindi sya makakarating? Bakit ako pa? Baliw talaga sya!
Oo nga pala. Hindi nga pala pinamimigay ni Penelope ang number nya sa mga lalake. Baliw din ako! Hehe.
Pero bahala sya dyan! Matutulog na ako.
Muli akong humiga sa kama at napatingin ako sa orasan.
4:30 P.M.
Siguro naman umalis na din yun si Jeffrey sa meeting place nila ni Penelope. Pero paano pag nandoon pa sya at naghihintay pa rin kay bestfriend?
4:45 P.M.
Puntahan ko na kaya? Baka nilulumot na yun kakahintay?
Ayaw ko talaga! Bahala sila dyan sa buhay nila!
5:00 P.M.
Arrrgg!!! Kainis. Puntahan ko na nga.
.
.
.
5:30 na nang makarating ako sa school. Siguro wala na si Jeffrey.
Pero pumunta pa rin ako sa harap ng gym para sigurado.
Nagulat naman ako nang makita ko si Jeffrey na nakaupo sa isang bench at nakayuko.
Naghihintay pa rin sya kay Penelope. Kawawa naman si Jeffrey! Gaga talaga tong si bestfriend! Sasabunutan ko talaga sya pag nakita ko sya sa Lunes.
Lumakad ako palapit sa kanya pero nananatili syang nakayuko.
Hindi kaya umiiyak na sya kakahintay kay Penelope? Ay! Ano ba tong iniiisip ko! As if naman na umiyak sya dahil sa babae. Sa dami ba naman ng babaeng naghahabol sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tsokolate (Completed)
Novela JuvenilMaganda sya para sa akin. Ewan ko lang kung magagandahan din kayo. hehe