Walang iba

1K 21 16
                                    

Short story lang to ha? Di pa siguro to aabot ng 5 chapters. Nainspire kasi ako kanina. Para kay ateng yung dedic. ko kasi siya ang dahilan kung bakit ako nainspire =")

------------------------------

"Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano, Ikaw pa rin ang gusto ko

Kahit na sinasampal mo ako't Sinisipa't nasusugatan mo

Ikaw pa rin Walang iba Ang gusto kong makasama Walang iba"

"Shucks." Halos batuhin ko na yung radyo dahil sa kantang pinatugtog kaso baka pagalitan ako ng kuya ko, siya kasi naglipat ng station eh tapos Boom! Bull's eye! Sumakto sa theme song namin ni Jass, ang ex ko. Yan din kasi ang kanta na kinakanta niya sa akin nung mga panahong kami pa.

"Bakit kasi siya sumuko? Hindi ba niya alam kung gaano ko siya kamahal? Halos suwayin ko lahat ng utos ng kuya ko para lang makasama siya ... pero sa huli iniwan niya pa din ako" Sabi ko sa sarili ko. Naramdaman kong nag-iinit ang mata ko kaya naman agad akong umakyat sa kwarto ko.

Ayoko na sana siyang iyakan. Lumipas na ang 3 buwan

pero mahal ko pa din siya.

"Cassie. Bat ka umakyat. Di pa tayo tapos sa paglilinis ng bahay. Bumaba ka muna! Mamaya ka na magpahinga! Konti na lang oh!" Sigaw ng kuya ko mula sa ibaba.

Nakalimutan ko pa lang magpakilala. Ako nga pala si Cassie Dominguez. 1st year college and I'm proud to be an engineering student. Ang parents ko ay nasa ibang bansa, doon na sila nakatira at dapat doon din kami kaso ayaw namin ni kuya at dahil malaki ang tiwala sa amin nina mommy ay pumayag sila. Isang taon lang ang tanda ko kay kuya. I'm already 18 and he's 19

Walang ibaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon