Walang Iba: The truth

251 11 4
                                    

*Cassie's POV*

*nga-nga* As in nganga talaga ako dahil sa laki ng bahay. Nagdoor bell si kuya at merong babaeng nasa 40's ang nagbukas ng pintuan siguro katulong to dahil sa suot niyang parang pang maid. Nginitian kami ng babae at sinara ang gate.

Dire-diretso ang si kuya habang magkaholding hands sila ni Ate Mikha. SILA NA TALAGA. >:( Samantalang ako walang kaholding hands kaya naman nakipagholding hands ako sa sarili ko :( Binuksan ni kuya ang pintuan at pumasok sa loob.

"Kuyaa. Kaninong bahay to?" Bulong ko dito nang makapasok kami. *nga-nga* Yan pa din ang reaction ko puro nganga. Sino ba naman kasi ang hindi mamamangha sa ganda ng bahay na to. Mukhang bago ang mga gamit dito dahil yung iba ay may balot pa ng plastic.

"Sa kaibigan ko" Sabi niya sa akin sabay ngiting wagas. Napatingin din ako kay Ate Mikha na nakangiti din ng waga. Ano bang meron? -,-

"Teka nga lang. Bat kayo ganyan makangiti? May binabalak kayo no? Siguro irereto niyo sakin yung kaibigan niyo. Tss. No thanks." Sabi ko sa kanila. Baka kasi malakas trip nila ngayon -,-

"Paano mo nasabi? Maganda ka ba para ireto sa kaibigan ko?" Pang-aasar sa akin ng kuya ko habang naglalakad kami papuntang hagdan. Aakyat na dapat kami nang may nagsalita mula sa likuran namin.

"*ehem* Kanina ko pa kayo hinihintay ah. Tara na sa dinning room para makapagdinner na tayo" Sabi nung tao sa likuran namin. Parang pamilyar yung boses niya. Agad ko naman nilingon ang nagsalita.

"Jass?!" Halos sigaw na sabi ko sa kanya. Nakapolo ito at nakaslacks. Ang pogi pa din niya pero may naramdaman akong kirot sa bandang dibdib ko. Nakakasiguro akong mahal ko pa din siya :( 

"Hi Babe." Sabi sa akin ni Jass na ikinagulat ko naman O///O Nanlaki ang mga mata ko kaya naman natawa sina Jass at kuya. Mayamaya ay nagkayayaan nang kumain sa malaking dining room nila. *nga-nga*

Fastforward>>

"*ehem* So.. Cassie. Nandito tayo uhmm.. because. uhmm. because we need to tell you something. I know hindi mo agad ako mapapatawad agad pero dahil nakikita kitang nasasaktan ay napagisip-isip kong wala akong kwentang kuya." Simula ni kuya na parang kinakabahan kaya naman hinawakan ni Ate Mikha ang kamay nito na nakapatong sa lamesa -,- Iniingit ba nila ako? Srsly? Mukhang nakita ako ni Jass na nakatingin sa magkaholding hands na nasa harapan namin kaya naman hinawakan niya din ang kamay ko na nasa ilalim ng lames.

Napatingin ako sa kanya ng masama. Hindi ba niya natatandaan na may atraso pa siya sa akin? pero imbis na bitawan ang kamay ko ay nginitian niya lang ako pero halatang kinakabahan yung pagngiti niya. Anong problema ba?

"Are you listening Cassie?" Sabi sa akin ni kuya na nagpabalik sa katinuan ko.

"Yeah. Go on kuya" Sabi ko sa kanya. At doon nagpatuloy siya and I was really surprised and somehow mad at the same time. Nalaman kong pinagbantaan niya si Jass.

"What?! Bakit?!" Ang nasabi ko dahil tagos hanggang buto ang sinabi ni kuya. Sinira niya ang halos 1 taon mahigit na relasyon namin ni Jass dahil lang gusto niyang tumaas ang grade ko? Hindi ba niya maintindihan na siya ang inspirasyon ko?!

Walang ibaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon