Walang iba: Plan

294 10 4
                                    

*Cassie's POV*

Nasa park ako ngayon, nakasuot ako ng isang baby blue dress. Nakita ko yung reflection ko sa tubig at talaga namang ang ganda ko

Ngunit nang pagkatingin ko sa bandang gilid ko ay nakita ko si Jass na may kasamang babae. Ang sweet sweet nila, magkaholding hands pa sila habang nakaupo.

Nakaharap sa akin si Jass pero yung babae ay nakatalikod sa akin. Nakita ako ni Jass pero tinalikuran niya lang din ako. Tumayo na sila at naglakad papalayo. Hinabol ko sila ng hinabol pero kahit gaano pa ako kabilis tumakbo ay hindi ko sila nahabol. Iniwan na naman niya ako. 

"Jasss!" Napabangon ako sa kama at napahawak sa mukha ko, hindi ko namalayang umiiyak na naman ako. Pati ba naman sa panaginip ay iniiyakan ko pa din si Jass.

Napanaginipan ko na naman siya. "Bakit pati sa panaginip ay iniwan niya ako." Sabi ko sa sarili ko. Pinunasan ko ang luha ko at tumayo na. Tinignan ko ang orasan sa side table ko. 4 pm na pala. Ang tagal ko palang natulog

"Nasan kaya yun?" Nilibot ko na ang buong bahay pero wala si kuya. Naligo na lang ako at sinuot ko ang white dress na paborito kong suotin. Pagkababa ko sa hagdan ay narinig ko ang kotse ni kuya. Mayamaya ay nasa loob na ito.

"Uy. Gising ka na pala. Kain ka muna. Eto oh. Pinasalubungan kita ng burger and fries. Ang ganda ng baby sis ko ah." Sabi ni kuya sabay abot sa akin ng pagkain. Kinuha ko naman agad to kasi hindi pa ako kumakain ng lunch.

"Kuya san ka galing?" Tanong ko dito habang ngumunguya.Nakita kong parang naging uneasy siya.

"Ahh. Sa bahay ng kaibigan ko. Why?" Sabi niya sa akin habang nanonood ng tv.

"Wala lang. Uhmm. Kuya aalis ka ba mamaya? Kapag hindi pwede ba tayong magmall" Sabi ko dito. Gusto ko kasing magpakasaya. Ayoko na muna isipin si Jass. Gusto kong mamili ng damit, sapatos at gusto ko din mag tom's world etc.

"Sorry Cassie pero aalis kasi ako mamaya. May aasikasuhin akong importante eh. Bakit mo naisipan mag mall?" Tanong sakin ni kuya. Sayang naman. </3 Gusto ko din kasi siyang makasama para naman makapagbonding uli kami."Tsss. Ayaw mo lang magisa sa mall kasi baka maalala mo na naman si Jass. So bitter lang te?" Sabi ko sa sarili ko. Haayy. Magmumukha na akong baliw dahil kinakausap ko ang sarili ko >:(

"Ahh. Ganun ba. Sige ok lang, gusto ko lang sana maglibot-libot eh. Boring kasi sa bahay." Sabi ko kay kuya.

"Sorry ha? Hindi talaga kita masasamahan. Di bale alam kong magiging masaya ka kasi ashdfnneufkneuwuyeggaf" Ha? Anong sabi ni kuya? Wala akong naintindihan sa huli niyang sinabi -,-

"Ha?" Tanong ko.

"Wala. HAHAHAHA. Osige na. Maligo ka na para hindi ka masyadong gabihin mamaya. Idadaan na lang din kita sa mall na gusto mong puntahan bago ako pumunta sa kaibigan ko" Sabi ni kuya kaya naman ay umakyat na ako para maligo at makapaghanda papuntang mall. It-try ko na talaga siyang kalimutan. PROMISE! "Yan din ang sabi mo dati eh" Sagot ng isip ko xD

 Fastforward >>

Kanina pa ako dito sa mall. Actually hinihintay ko na lang si kuya para sunduin ako, sabi niya kasi sayang lang daw sa pamasahe kung magcocommute pa ako eh may kotseng dala naman daw siya. 8:46 na sa cellphone ko pero wala pa din siya, ang usapan kasi namin ay 8:30 susunduin na niya ako -,- Mayamaya ay nakita ko si kuya papunta sa akin at kasama ang girlfriend niyang si ate Mikha.

(A/N: Uhmmm. Guysss. Kung gusto niyo mabasa yung story ni Mikha at Myco click niyo yung external link. I MET YOU FOR A REASON ANG TITLE. ON-GOING po siya. Salamat xD)

Fastforward >>

Nasa kotse kami ngayon ni kuya. Si Ate Mikha ay nasa unahan samantalang ako ay nasa likuran. Nao-op nga ako sa kanila kasi ang sweet nilang mag-usap. >:(

Mayamaya ay napansin kong ibang daan ang dinadaanan namin kaya naman ay nagtanong ako sa kanila.

"Kuya. Hindi ito yung daan papunta kina Ate Mikha ah. Mali ata yung dinaanan natin." Sabi ko sa kanila. Hindi naman nila ako pinansin at nagpatuloy lang sa pag-uusap.

"Uyyy! Kuyaaa. Saan na tayo?" Inihinto kasi ni kuya yung kotse nito sa tabi ng *nga-nga* Malaking bahay at hindi lang basta malaki kundi NAPAKALAKI AT MAGANDANG BAHAY. Bumaba silang dalawa kaya naman sumunod ako kahit na wala akong kaalam-alam sa nangyayari.

Walang ibaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon