*Cassie's POV*
"Whaatt?!" Sigaw ko kay kuya. I can't believe this! Bat niya nagawa yon!! Bigla namang hinawakan ng mahigpit ni Jass ang kamay ko dahil alam niyang galit ako.
"I knew you'll hate me because of what I did. But I did it for your own good." Sabi ni kuya habang nakayuko.
"Kuya sa tingin mo ba bumuti ang kalagayan ko nang makipaghiwalay siya?! Kuya halos gabi-gabi ay umiiyak ako! Hindi ako makakain o makapag-isip ng matino non. Kuya naman, what you did made my life miserable." Sabi ko dito at pagkatapos ay ngumiti ng mapait.
"I know. That's why we're here. Nandito tayo para mabalik ko pa yung dating ikaw, yung ikaw na laging masaya. Sorry kung naging selfish ako gusto ko lang kasi na magkaroon ka ng magandang kinabukasan pero mali pala ang nagawa ko kasi wala akong kaalam-alam kung ano ang mga bagay na nagbibigay sayo ng ligaya o inspirasyon. Naturingan mo akong kuya pero hindi kita ganun kilala so I'm sorry. Im so sorry" Sabi ni kuya at nakita kong lumuluha na ito. Nagulat ako kasi ngayoon ko lang uli ito nakitang umiiyak.
"You know what kuya? You're an id*ot ..." Sabi ko dito kaya naman nakita ko sa mata niya na nasaktan siya.
"But you're still my kuya and I love you. Siguro kahit may kasalanan ka ay mapapatawad at mapapatawad pa din kita kasi love kita" Sabi ko kay kuya na medyo naluluha na. Pinuntahan ko si kuya at niyakap.
"I love you too sis Cassie. I'm sorry ha" Bulong nito sa akin habang umiiyak. Kaya naman binulong ko na okay lang. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ang ginawa lang naman niya ang bagay na alam niyang makakabuti sa akin. Siyempre di naman niya kasalanan na hindi niya alam na si Jass lang ang inspirasyon ko.
Fastforward >>
Nasa likod-bahay kami kung saan merong pool na medyo malaki. May pang dalawahang upuan dito at doon kami nakaupo ni Jass, kaming dalawa lang. Sa ngayon ay pag-uusapan namin ang nangyari kanina. Sina kuya ay nasa entertainment room na at naglalaro na kasama ang kanyang gerlpren -,- Srsly?
"Uhmm. Ano ... *ehem* Cassie. Ngayong alam mo na ang lahat. Mapapatawad mo pa ba ako?" Sabi nito sabay hawak sa batok. Pinagpapawisan din ito kahit na malamig sa labas. Gusto kong matawa kasi halatang kinakabahan ito.
"Mapatawad saan?" Maang-maangan kong sabi sa kanya. Halatang kabado kasi eh xD
"Uhmm. I wanna say sorry.. uhm .. kasi ... ano .. kasi sinukuan agad kita. Hindi man lang kita ipinaglaban. Hindi ko ginawa yun kasi natakot ako sa banta ng kuya mo eh" Sabi nito sabay hawak sa batok uli. May kuto ba to? Ayy. wala palang kuto sa batok. Peyl lang xD Hmmm.. Mapagtripan nga to.
"Alam mo ansakit din ng ginawa mo eh. Pinaglaban kita kay kuya para lang magkasama tayo pero hindi mo ako pinaglaban. Alam mo ba sobrang sakit ng naramdaman ko dati?" Sabi ko dito habang nakayuko. Ayokong makita niya akong natatawa.
"I'm so sorry talaga. Pero kas-- Hayy! Magsisimula na lang uli ako sa simula. Back to friendship stage tayo pero hindi ibig sabihin non ay hindi na kita liligawan uli. Mahal na mahal kita, nawitness ni mommy kung paano ako naghirap nung nagbreak tayo. Kaya kahit gaano katagal bago mo ako pagkatiwalaan uli ay okay lang basta please lang wag mo ako iiwan ngayon" Sabi niya sa akin. Ramdam ko na sincere siya kaya napaangat ako ng ulo at nakita ko siyang umiiyak.
"Wag kang tumingin! Baka isipin mo bakla ako edi na turn off ka sa akin. Talikod." Sabi niya sa akin habang punas ang kanyang luha. Ang cute niya. ^///^
"Tsss. Bakla ka!" Sabi ko dito at umirap ng nakangiti
"Mahal naman kita" Woahh. O////O OMEGESH!!! KILIIIIGGG!
"Hindi kita mahal!" Sabi ko dito sabay irap. Nakita ko naman ang mukha niyang parang nalungkot na may halong sakit.
*Jass' POV*
"Hindi kita mahal!" Sabi sa aki ni Cassie. <///3 Tagos hanggang buto ang sinabi niya. Akala ko mababalik ko pa sa dati :( Kaso mukhang nakamove on na siya.
Siguro joke lang yung sinabi ni Myco na nakita niya itong umiyak kaya naman kinausap niya ako at sinabing hindi na daw siya magiging hadlang sa relasyon namin kung sakali. Siguro gusto niya lang makabawi sa akin. Siguro ....
"Hindi kita mahal" Ulit sa akin ni Cassie. So kailangan talagang ipamukha sa akin na hindi niya ako mahal?! Masakit na nga ee <//////3 Kaya naman yumuko ako. Naluluha na naman ako. Ano ba yan! Pang bakla!
"Hindi kita mahal kasi ... Mahal na mahal kita, kulang ang mahal dapat mahal na mahal" Sabi ni Cassie. W-wait! What?! Napatingin tuloy ako sa kanya. Nakita kong naluluha siya and at the same time namumula.
"Jass mahal na mahal kita. Alam mo ba akala ko dati iniwan mo ako kasi may iba ka ng gusto. Akala ko niloko mo lang ako. Akala ko--" Hindi ko na siya pinatapos dahil tumayo na ako at hinalikan siya. Alam niyo ba yung feeling na ang saya saya ko? Yung akala ko wala ng chance? Akala ko huli na pero hindi pala.
"Mahal na mahal na mahal na mahal din kita Cassie! Ikaw lang WALANG IBA! Pangako!" Sabi ko sa kanya pagkatapos ko siyang halikan.
"Walang iba! Pangako" Sabi ni Cassie habang nakayakap na sa akin.
"*ehem* Uhmm. Pwede na bang sumingit? Baka kasi dagain pa tayo eh" Bigla kaming napalingon ni Cassie at nakita namin si Myco habang nakayakap kay Mikha.
"Hahaha. Pwedeng pwede na brad! Magkaayos na kami ni Cassie. Wuhooo!" Sabi ko dito at sumigaw na parang baliw.
"Cassie pagsabihan mo nga yang syota mo at baka bakla na. Kita mo oh! Tumitili na!" Sabi ni Myco sa kapatid niya kaya naman natawa kaming lahat. Abaa! Ako bakla? Tsss. Parang sinabi niya na din na pwedeng lumipad ang baboy xD
-EPILOGUE-
Hanggang ngayon ay going strong pa din kami ni Cassie. Actually mag oone year na nga kaming mag-asawa eh. May 1 anak na din kami. Si baby Jassie. Baby girl siya at mag si-6 months na. Pinaghalo namin ang name namin ni Cassie. Ang cool no? xD
Oo nga pala! Nakatira na kami sa bahay na maganda at malaki na tinutukoy ni Cassie. (MEDIA) Akin yun eh xD May namana kasi akong pera sa lola ko <3 Pero siyempre mas malaki pa din yung bahay nina mama at papa =)
Yung lablayp ni Myco?Secret na lang muna kung nagkatuluyan o hindi sila ni Mikha. Mwahahahah. Abangan niyo na lang sa "I met you for a reason" Ayokong maging spoiler eh xD
At dito nagtatapos ang aming istorya. JOKEE! Kasi ang istorya namin ay hindi matatapos. Forever pa kasi kaming magmamahalan ni Cassie kasama ang anak namin xD
-NEVER ENDING LOVE-
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
(A/N: YEY! Tapos na yung lablayp nina Jass at Cassie.Sana ay patnubayan niyo din ang love story ni Myco at Mikha sa "I met you for a reason" Click niyo na lang yung external link. Salamat sa mga bumasaaaaa! *bow*)
.Vote.
.Fan.
.Comment.
BINABASA MO ANG
Walang iba
RandomLumipas na ang tatlong buwan pero mahal pa din ni Cassie si Jass, ang kanyang ex-boyfriend. Nakipaghiwalay si Jass ng walang magandang reason. Pero paano kapag nalaman nito ang totoong reason kung bakit ito nakipagbreak? Makakaya niya ba?