Twenty-Four

134 4 0
                                    

MGA LIGAW NA BATA
Active Now

Bang Chan Changed the group chat's name.

Changbin:
Hoy, Lix. Mag-explain ka nga! Kayo na pala talaga ni Gia?

Chan:
Oo nga, Lix. Hindi mo naman siya pinaglalaruan, 'di ba?


Hyunjin:
So, it's true. Kayo na pala ng EX ko, Lix?

Han:
Ay, weh? Congrats.

Leeknow:
Hoy, Han. Shh ka lang. Behave.

Seungmin:
Nag-aaway sina Yera at Gia.

Third person's
POV

Sabay-sabay napatingin ang mga kolokoy sa bintana ng classroom nila at doon nakita na nag-aaway nga ang dalawa pero si Felix?

Hindi nila mahanap. Hindi nila alam kung nasaan ang magaling nilang kaibigan.

"Mga Hyung, anong gagawin natin?" tanong ni Jeongin sa mga hyung niyang nakatunganga at hindi yata alam ang mga gagawin.

Si Hyunjin naman ay tumayo at pumunta kung saan nag-aaway ang dalawa at agad na inawat pero hindi maawat ni Hyunjin ang dalawa.

Tumayo na din ang iba pa para tumulong kay Hyunjin.


"Nasaan ba kasi si Felix? Tsk." si Changbin at naisipang i-PM ang kaibigan.

Na-seen naman ito at maya-maya lang...

"Tigilan niyo 'yan!" isang malalim na boses ang umawat sa dalawa.

Napatingin ang lahat kay Felix. Fresh na fresh ito habang stressed na stressed sina Hyunjin kaaawat sa dalawang babae nito.

Natigil sila Yera sa pananabunot at pangangalmot kay Gia. Mas maraming natamong galos at mga sugat si Gia.

Marami na din ang mga nakikiusyoso sa kanila. Ang haba ng hair ni Felix, ah. Charot.

Lumapit si Felix agad kay Gia.

"F-Felix!" tila hindi makapaniwalang tawag ni Yera sa binata dahil si Gia ang agad nitong dinaluhan.

"M-may nangyari sa-" natigilan si Yera nang tabihan siya ng Kuya niyang si Hyunjin the gay- este Hyunjin.

"Yera, tigilan mo na 'to." mariin na sabi ni Hyunjin sa kapatid nito.

Ngunit hindi ito natinag at nagpatuloy pa rin.

"Bakit? Totoo naman, ah? May nangyari sa 'tin, Felix! Bakit ayaw mong aminin? Kaya nga magkasama tayo no'ng nakita tayo ni Kuya sa coffee shop, 'di ba? Kasi magkasama tayong umalis sa hotel no'n. Nung araw na 'yun. 'Yung araw na papunta tayo kina Gia!" sigaw ni Yera.

Nagulat ang marami sa narinig nila maski si Gia hindi alam ang gagawin o mararamdaman sa narinig at para siyang namamanhid sa sobrang sakit.

Biglang dumating sila Peyn, Tyronia at Dreya na mga hinihingal dahil sa pagtakbo agad nilang linapitan si Yera.

"Bitch! Maninira ka ng relasyon! Anong ginawa mo sa kaibigan namin?!" galit na sigaw ni Peyn sa mukha nito.

Magsasalita sana sin Dreya nang magsalita si Gia.

"Totoo ba?" tanong ni Gia at tumingin kay Felix na namumutla na ngayon at mukhang hindi din malaman kung saan mag-uumpisa at kung paano magpapaliwanag kay Gia.

Habang umiiyak na si Yera na akala mo naman ay aping-api.

"SAGUTIN MO 'KO! TOTOO BA 'YUN?!" sigaw nito na ikinagulat ng lahat.

Felix kept silent. Hindi ito nagsalita. That moment. Gia, already know the truth.

"Shit naman, Felix! Putangina. I trusted you! I fucking trusted you! Akala ko iba ka. Akala ko... hindi mo 'ko magagawang lokohin! Tangina, ano 'to?!" umiiyak sa sobrang sakit na saad ni Gia sa binata.

Yumuko naman si Felix at napuno ng pagsisisi. "M-may nangyari sa 'min, Gia. Pero maniwala k-ka! Hindi ko g-ginusto 'yon!"

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Felix.

Wow, ah? Makagulat kayo d'yan. Gia ba kayo? Gia kayo? Psh.

Maattitude ang third person. Gano'n talaga.

🌙

Author's Note:
Gusto ko ng i-publish 'yung kay I.N dahil matatapos na 'to. Thank you for supporting!

Bus | Lee Felix Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon