Sixteen

148 4 0
                                    

Shin Gianna's
POV

Ilang araw na akong hindi makatulog dahil do'n sa away nina Tyronia at Peyn. Ewan ko kung away 'yon o ano, eh.

I just smell something fishy.

Hindi ko lang matukoy kung ano.

Sana masabi na nila sa 'kin before it's too late.

Nasa classroom ako ngayon kasama si Hyunjin. Uwian na kasi naming lahat at kami na lang yata ng barkada niya ang natira dito sa classroom.

Hindi ako mapakali kasi parang may nakatitig sa 'kin kaya hinanap ko at nasalubong ko ang malamig na mga mata ni Felix na malamig na nakatitig sa akin.

He's weird. Oh, well. Lagi naman siyang weird wala ng bago do'n.

Biglang pumasok si Peyn ng hinihingal at dali-dali itong lumapit sa 'kin. Nagbulungan na 'yung ibang mga kaibigan ni Hyunjin. Sina Minho ay mukhang nagtatakha na din kung anong nangyayari.

"Peyn?" nag-aalala kong tanong.

Tinitigan ako ni Peyn. "G-gia, sinungaling 'yang lalaking 'yan!" biglang sabi nito at hinila niya 'ko palayo kay Hyunjin.

Gulat naman si Hyunjin at namumutla. Mukha itong naitulos sa kinatatayuan at hindi makakilos.

Sinungaling? Naguguluhan akong tumingin sa kanya ng biglang sumulpot si Tyronia na gulat na gulat sa inaasta ni Peyn.

"Peyn, don't." sabi ni Tyronia na medyo may pagkadiin.

Hindi siya pinansin ni Peyn at tinignan ako ng nag-aalala. She's still catching her breath.

I look at her, confused. "Peyn, ano 'yun?" tanong ko sa kanya.

"Hyunjin is lying-" pinutol siya ni Tyronia agad ang sasabihin nito.

"I said don't start. This will be big mess, Peyn." babala ni Tyronia kaya tinignan ko ito ng masama.

She's keeping something. Natahimik ito at hindi nakakibo.

I look at Peyn again and she started talking.

"He's lying. No'ng sinabi niya na siya 'yung lalaking nakasabay mo sa bus? It's not true! He's not the one who saved you!" huminga ng malalim si Peyn at mukhang pinakakalma ang sarili.

Samantalang, 'yung mga kaibigan ni Hyunjin ay nakatayo lang at seryosong nakatingin sa 'ming apat.

I can't process what Peyn just said.

"Si Felix 'yung totoong nagligtas sa 'yo at hindi si Hyunjin! Hindi si Hyunjin 'yung totoo mong mahal, Gia! Kung hindi si Felix. 'Di ba, sabi mo na-love at first sight ka sa lalaking nagligtas ng buhay mo, 'di ba? 'Yung lalaking nakasabay mo sa bus na ihinatid ka sa inyo para masigurong safe ka. Hindi si Hyunjin 'yon, Gia. Si Felix 'yun. 'Yung lalaking kinamumuhian mo ang nagligtas sa 'yo." mahabang paliwanag ni Peyn habang naluluha.

Unti-unting pinroseso ng utak ko ang mga narinig ko.

Si Felix...

Si Hyunjin...

Tinignan ko si Hyunjin. Sumiklab ang galit ko ng matauhan. He... lied to me.

"Hyunjin, you lied? Totoo ba?!" mariin at galit na tanong ko sa kanya.

Nangilid naman ang luha ko nang yumuko lamang ito at hindi nagsalita. Silence means yes. All this time nagmukha lang akong tanga.

"Fuck you! Gago ka! Akala ko ikaw... Y-you lied to me! I hate you!" nagulat siya nang makita na humahagulgol sa ako sa sobrang galit at sakit pati na rin sa gulat.

I felt so betrayed. Bakit hindi na lang niya sinabi sa'kin una pa lang? Hindi 'yong pinaabot pa niya ng ganito katagal.

"I-i'm... sorry, Gia. H-hindi ko ginustong s-saktan ka-" I cutted him off by slapping him.

"Hindi mo ginusto?! Damn you! Hindi mo ginusto pero nagsinungaling ka?! You can always tell me the truth but you still chose to lie! Pinagmukha mo lang akong gago!" sigaw ko rito.


Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya. Halatang nagulat sila Leeknow sa ginawa ko pero hindi sila nangialam at nagsalita.

"Break na tayo, Hyunjin. Ayoko nang makita pa 'yang pag-mumukha mo! Pinagmukha niyo 'kong tanga." at nag-walk out ako.

Damn it. Akala ko... akala ko okay na. Well, akala ko lang pala.

He lied to me. I trusted him but he fooled me.

Fuck you, Hwang Hyunjin!

EDITED.

Bus | Lee Felix Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon