Shin Gianna's
POV
"May... n-nangyari sa 'min pero hindi ko g-ginusto, Gia."
Ulit pa nito. Halata ang pagsisisi sa mukha nito ngunit dapat pa ba 'kong maniwala? I've had enough.
Sawa na 'kong maloko at masaktan ulit. Bakit ba ganito? I just want to be happy and have my own happy ending pero mukhang hadlang lagi ang mundo.
"Felix... t-tigilan na natin 'to."
Parang may patalim na sumaksak sa puso ko ng bigkasin ko 'yon.
It hurts. Letting go of the man you love is not easy. It will never be easy.
Agad itong umiling sa akin.
"N-no." pagtutol nito at umiling.
"Wala na, Felix. T-tapusin na natin 'to. P-panagutan mo na lang si Yera." sabi ko.
Bawat paglunok ko para akong lumulunok ng patalim na tumatama sa puso ko.
Ang sakit. Ang sakit-sakit. Mahal ko siya, eh.
Parang naulit lang ulit ang nangyari noon but this time ang pinagkaiba lang sobrang mahal ko si Felix. At sobra din ang sakit.
Tumalikod na ako sa kanila. Sumunod naman sa akin sina Peyn. I can see pity in their eyes. Maski sa ibang mga kaibigan pa namin at mga estudiyante.
Ayokong kinaaawaan ako. Hindi naman nakakatulong 'yang awa nila para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
Akmang lalakad na ako nang may maramdaman akong mainit na bagay na lumapat sa likod ko.
The next thing I knew Felix's already hugging me from behind. I bit my lower lip to stop my tears from falling again.
"Gia, please. Don't d-do this to me. H-huwag mo naman akong s-sukuan agad." lalo lang nabasag ang boses ko ng mabasag ang boses nito at umiiyak na.
Naglaglagan ang luha sa mga mata ko. Ayokong nakikita siyang nasasaktan. Masakit din para sa 'kin.
Ang sakit lang na parang lahat ng minamahal ko niloloko lang ako.
"Gia... 'wag mo naman akong i-iwanan. H-hindi ko naman ginusto 'yon, eh. L-lasing ako. W-wala akong maalala." puno ng hirap at sakit ang boses nito. He's begging me not to let him go.
Rason ba na lasing siya? He still cheated on me. It's still cheating.
Pero masakit na, eh. Masakit na sobra, Felix. One more pain and I think bibigay na 'ko. Bibigay na ang katawan ko. I'm not that strong.
"Felix, bigyan mo 'ko ng o-oras. Mag-iisip-isip muna ako. I-isipin mo muna... a-aalis ako at pupunta na muna ng m-malayo." humihikbing sabi ko sa kanya at unti-unting kinalas ang yakap nito sa 'kin.
Bumalik ako sa classroom namin para kunin ang bag ko. Sinsbihan ko na din sina Peyn sa chat na 'wag ng mag-alala dahil uuwi na lang ako.
Lumabas ako ng school na umiiyak. Hindi ko na naman alam kung saan ako pupunta. Funny how I ended up being alone again.
Parang deja vu. Naulit na naman. Nasaktan na naman ako.
Pupunta muna ako sa playground malapit sa 'min para patahanin ang sarili.
Sumakay ako sa swing at doon umiyak ng umiyak.
Umiiyak na nag-angat ako ng tingin sa kalangitan. Maggagabi na pala, 'no? Kulay orange na ang langit tanda na magdidilim na.
Hindi naman kita sinukuan agad, Felix. Masakit lang talaga, eh. At kailangan ko ng pahinga.
Babalik din ako kapag nabuo ko na ulit ang sarili ko.
EDITED.
BINABASA MO ANG
Bus | Lee Felix
Fanfiction# 6 STRAY KIDS SERIES TAGLISH LEE FELIX COMPLETED ✓ © All Rights Reserved