"Waw!!! Rainbow-colored cotton candy.!!!!" sabi na nga ba titigil mga luha nito pag nabigyan ng cotton candy eh.
"You wished for a rainbow colored cotton candy. 7wishes to go."
"OH! oo nga. i wished for that. Talaga tinototoo mo yung wishes ko ah."
"Syempre. Kung ikaw tinototoo mo yung mga wishes ko dapat ganon din yung sa iyo. Buti na lang mga wishes mo ay hindi ganong mga impossible."
"Eh pano, kinokontra mo yung mga medyo impossible wishes ko nun nung binabanggit ko yung 10wishes ko."
"Eh magwish ka ba naman na maging cotton candy ang clouds eh! as if kaya ko naman yun, tsaka kung yung iyo may rules, syempre akin din nuh. Isa sa rules ay yung mga bagay na impossible nuh!"
"hehe. oo na lang. Salamat nga pala sa cotton candy na to. ansarap. Gusto mo?"
"Ha? eh binigay ko yan sa iyo. Ayoko."
"Sige na, share tayo (kumurot sya sa cotton candy nya), eto oh, ahh.."
"oo na, wag mo na akong subuan." kinuha ko yung kinurot nyang cotton candy at kinain.
"aayaw ka pa dyan. kakainin mo rin pala."
"Eh makulit ka eh. Tara na nga( sabay hawak ko sa kamay nya)"
"Saan tayo pupunta?"
"Sasakay sa rides.. Ayaw mo ba?"
"Rides?! of course gusto ko!! Tara tara!"
bago kami sumakay ng rides ay inubos nya muna yung cotton candy nya tapos ayun, kung saan saang rides na kami nakasakay. pa-ulit ulit na nga sinasakyan namen pero grabeh tong si Sachiko, hyper pa rin.
"Alam mo ron.."
"Malay."
"Kanina pa tayo sakay ng sakay sa mga rides, pero hindi pa natin nasasakyan yun..." sinundan ko yung tinuro nya...
ROLLER COASTER?!!
"Oh.. ayus ka lang Ron? Bakit parang namumutla ka?" andito na kami sa may roller coaster, pinilit ako ni Sachiko kahit ayaw ko. Takot ako sa Roller coaster!!! tapos ang pinili pa nitong si Sachiko ay ang front seat.. Tae!
YOU ARE READING
10 Wishes
Teen FictionWhat if may magsabi sayo na kaya niyang i-grant ang 10WISHES mo? Maniniwala ka ba? Well, Lets find out kung anong gagawin ni Ron :))