CHAPTER 12

19 2 0
                                    

Janah's POV

Papunta na ako sa venue. Hinatid ako ni mommy. Si ate Mely naman, pumasok na.

Bigla akong kinabahan. Totoo ba to? Syet magtatrabaho na ako at sa ibang bansa pa. I mean, sa iba't ibang bansa pa. Nasa world tour nga pala tong mga to. God, please help me. Huhuhuhuhu!

"Jaja, nandito na tayo." Sabi ni mommy.

Nandito na pala kami sa tapat ng venue. Haaa! Kaya mo to Janah! Fighting!

"Nak, mag ingat ha. Mag update ka." Itsura ni mommy parang iiyak hahahaha!

"Opo. Sige my, pasok na ako ha? Ia-update ko kayo palagi."

"Sige na, ito na maleta mo. Pumasok ka na. Galingan mo!" Pag cheer sakin ni mommy.

"Owkeeey! Bayiiii!" Paalam ko sakanya at pumasok na ng venue.

Nilabas ko na yung VIP pass ko at hinanap na ulit yung dressing room nila.

Inhale ... exhale ...

"Janah-ssi! Annyeong!" Bati sakin ni Jungkook.

Woah. Nginitian ako ni Jungkook. Kahapon kasi serious itsura niya nung pinakilala ako ni Sir Sejin sakanila. Kala ko ayaw niya rin sakin e.

"Hello, Jungkook-ssi!" Bati ko rin naman sakanya.

"Kookie na lang. Welcome to the family!" Ay mabait naman pala to. Abot tenga ngiti pa e. Hahaha cutie Kookie.

"Hahaha! Thank you! Si Sir Sejin pala?" Tanong ko naman sakanya.

"Hmm nasa loob. Hinihintay ka na ata."

"Okay sige. Galingan niyo pa mamaya ha? Fighting! Kausapin ko lang si Sir." Masaya ko namang pag cheer sakanya at paalam. Ngumiti lang din siya.

"Sir Sejin, good afternoon po!" Bati ko kay Sir Sejin pagka pasok ko.

"Oh good afternoon! Come! Sit here." Yaya sakin ni Manager Sejin.

"Thank you sir." Umupo naman ako.

"Drop the formalities. Relax ka lang. Kaibigan ko naman bestfriend mo. We can be friends too. Don't worry." Luh? Nagtatagalog naman pala to. Pinapahirapan pa ako.

"Hahaha! Sure sir! Narerelax na po ako sir. Marunong po pala kayo mag tagalog. Hahahahaha!" Pucha di naman ako na-inform. Hahahahahahahaha!

"Hahahaha! Anyway, let me discuss first about your job. So, as my assistant, syempre you should be there everytime I need you. Lalo na maraming advertisements and guesting ang naka line up sa sched ng mga bata. Hindi lang sa Korea, but in the other countries too including NYC. Kailangan natin masiguro na masunod ang nasa sched. Kahit mula sa paggising nila, kailangan on time tayo. Iwasan natin ang pagiging late. And as time goes by, may mga offers din tayong matatanggap pero hindi tayo basta basta tumatanggap. Lalo na napaka hectic ng sched ng Bangtan. Also, there are things that we need to consider and first of those is our boys' health. Hindi dapat tayo sunggab ng sunggab kasi kawawa ang mga bata. Naiintindihan mo naman di ba Janah?"

Jusko di pa ata nagsi-sink in sa utak ko. Pero gets ko naman yung point.

"Opo, sir."

"Good. So your salary will be 945,000 SK Won. 15-30 ang cut off. Okay lang ba sayo?" Magkano yun sa Philippine Peso?

"In Philippine Peso that would be around 40,000-41,000."

"Haaaa? Talaga po ba? Huhuhu thank you po! Okay na okay po sakin yun!" San ka pupulot ng 40-41,000? Sige nga. Pucha jackpot!

"That's great! Kami na bahala sa iba pang benefits mo. By the way, the airfare, food and hotel accommodation would be the company's expenses so you don't have to worry. We got this."

Assistant Manager to an Idol and ... a LOVER?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon