CHAPTER 14

13 1 0
                                    

Janah's POV

Ang hirap naman ata nung pinapagawa ni Sir Sejin "-____- pano yun? Syet pano ko sisimulan? Bahala na nga. Fighting!

FLASHBACK

"Napansin ko inasal sayo ni Yoongi kanina kaya ito ang pumasok sa isip ko. Tutal unang challenge pa lang at kakailanganin mo rin talaga." Sabi ni Sir Sejin sakin.

"Ano po ba yun, sir?" Tanong ko sakanya.

"You have to earn his trust and respect as their manager. At pansin ko rin na medyo nawawala yung pagiging jolly niya, bakit di mo subukang ibalik yung ngiti niya?" Ayy e? Jowa niya ako? Ako ba nakipaghiwalay?

"I know it'll be hard since parang di maganda umpisa niyo." Luh? Pano niya nalaman?

"Don't be too confused or nervous. Sa umpisa lang yan. Hahahaha! *taps my shoulder* mataas expectation ko sayo *wink* Fighting!" Sabay walkout ni Sir Sejin.

Luh? Di naman ako informed na may pagka saltik din pala tong manager na to. Kung ano ano na lang pinapagawa. Jowa ako? Jowa? -___-

Itsura ko, di na maintindihan kung worried ba or nervous or confused. Hay ewan! Bahala na!

Espiritu ng kasaltikan saniban mo ako! Kailangan ko daw mabalik ngiti ni Yoongi. TT______TT

END OF FLASHBACK

AIIISSSHH!! Pano baaaa? Hanggang ngayon, iniisip ko parin kung anong gagawin ko. Pucha! Bahala na!

Next time ko na lang siguro isipin ulit. Wala namang due date no?

"Janah-ssi! Kain tayo dito. May fruits dito gusto mo?" Alok naman sakin ni Taehyung.

Pero nginitian ko lang siya at nag iisip parin ako kung pano ko gagawin yun TT___TT

Nag asikaso na lang ulit ako baka sabihin ke bago bago ko e tumutunganga lang ako. Mahirap na no.

"Janah-ssi pwede ka namang umupo kahit saglit. May mga assistant naman. Kaya na nila yan." Awat sakin ni Jungkook kasi parang di ako mapakali at mas busy pa ako kaysa sakanila.

Todo ayos ako ng mga ginamit at gagamiting damit nila at chinecheck mga condition nila baka kasi ma over fatigue na naman lalo na tong si Jungkook. Hay nako

"Okay lang ako. Kaya mo pa ba? Magsabi ka kung hindi. Magpahinga ka kahit saglit. Baka ma-over fatigue ka na naman. Wala bang masakit sayo?" Concerned kong tanong sakanya.

"Kalma Janah-ssi. Di na to bago samin. Okay lang ako. Walang masakit. Okay ako, okay? Ikaw yung magpahinga ng kahit konti. Daig mo pa nanay ko e. Hahahaha!" Biro sakin ni Kook. Payag ka, ikaw baby ko? Yiiiee CHAROT!

"Mas okay nang clear tayo don. Prevention is better than cure. Magpahinga ka na."

"Matatapos narin naman na yung concert kaya okay lang. Pero nakakalungkot din kasi ... :(((" Biglang lungkot talaga ng itsura niya. Aawweee baby Kookie :((

"Kasi aalis na kayo at maiiwan na yung ARMYs niyo dito?" Dugtong na tanong ko sakanya. Tumango lang siya habang malungkot parin itsura. Sweet naman nitong baby na to TT.TT

"Don't worry, Kookie. Kahit naman nasan kayo, kasama niyo sila, kasama mo sila. Kaya nga may internet di ba? Kahit san kayo mapadpad, they will always be there to love and support you." Comfort ko sakanya. Napangiti naman siya kahit papaano.

"Hehehe thank you Janah-ssi :')" sagot naman niya sakin. Napaka cute mo Kookie TT.TT

"Thank you sa comfort! I'll give you my favorite cookies next time. :D" Parang baby namang sagot ni Kookie ulit with bunny smile niyaaaa! Such a cutiiieee! <3

"Asahan ko yan! Hahaha!" Para naman akong nakikipag usap talaga sa bata. Hahahaha!

"Janah-ssi, nalulungkot din ako. Di mo rin ba ako iko-comfort?" Biglang sabat ni Taehyung na kakatapos lang ng performance.

"Oh eh bakit ka ba malungkot?" Tanong ko naman sakanya. Kindergarten ata pinasukan ko ha?

"Inubusan ako ni Jiminie ng dumplings! HUHUHUHUHU!!" Iyak ni Taehyung. Umiiyak talaga itsura niya. Pucha.

"E akala ko di ka na kakain e. Tsaka patapos naman na concert pwede ka naman bumili ulit." Defend naman nitong si Jimin.

"Ayan na naman kayo Jimin at Taehyung-ah! Bumili na lang kayo ulit mamaya bago tayo umuwi!" Saway naman ni Jin sakanila.

Napapa facepalm na lang ako dito sa mga to. Aaaiiisshh. Umpisa pa lang to Janah. Whooo!

Tinitignan ko na lang si Taehyung na umiiyak iyak pa at si Jimin na nakayuko dahil pinagalitan. Dahil lang sa dumplings yan. Magfe-face the wall kayo pag sinunud sunod niyo yan. Kita niyo lang. -____-

Nagprepare na sila para sa last performance nila at tumulong na ulit ako sa pag assist sakanila.

Habang nagpe-perform naman sila, naalala ko na naman yung first challenge ko. Tsk.

Yoongi, be nice to me na. Show me your gummy smile. Hahahaha! Nakakabaliw. Itatawa ko na lang talaga to. Hahahahaha!

Assistant Manager to an Idol and ... a LOVER?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon