Suga's POV
Aiiisssh salamat naman at nakauwi na kami. Makakatulog nako -___-
*knock knock*
"Yoongi hyung, gising ka pa? Si Hoseok to."
Kala ko nakalimutan na niya usapan namin kanina. Matutulog na sana ako e. Aiiisssh naalala ko na naman tuloy. Tsk
Binuksan ko na yung pinto at worried na mukha ni Hoseok sumambulat sakin.
"Okay ka lang?" Tanong sakin agad ni Hoseok
"Mmm. Pasok ka." Matamlay kong sagot.
"Ano na? Kwento mo na sakin. Anong nangyari sainyo?" Tinatamad na ako magkwento pero yaan na. Kailangan ko rin naman ng masasandalan.
"Nakipaghiwalay na sakin si Jinie. Hindi na niya kaya set-up ng relasyon namin. Di na kami masyadong nagkikita o nagkakausap man lang gawa ng lagi tayong nasa world tour. May oras nga ako para kausapin siya pero siya naman ang wala. Hindi magkasundo sched namin. Minsan diretso na ako ng tulog dahil sa pagod. Nakakalimutan kong may girlfriend akong naghihintay sakin para makausap siya kahit saglit. Seok, ang sakit. Ang tanga ko. Mas inuna ko pa trabaho ko. Mas naging abala ako sa trabaho. Hindi ko na siya nabigyan ng oras. Nagsisisi ako."
"Hmmm. Matanong ko lang. Bago kayo pumasok sa relasyon, inisip niyo ba muna mga posibleng mangyari? Lalo na, alam niya na ganyan ang trabaho mo. Hindi niyo ba naisip yun?" He got a point.
"Oo, siguro? Alam ko magiging mahirap lalo na pag sa malayo tayo napapadpad para sa trabaho. Siguro naman alam niya rin yun."
"Kung ganun, edi dapat handa kayo once na mangyari yan sainyo. Wala kumbaga gulatan kasi yan talaga ang mangyayari. Once you entered a relationship, you did also take the risk of having a celebrity and non-celebrity relationship. Dapat una pa lang alam niyo na at handa kayo anoman mangyari. Papasok pasok kayo sa ganyan tapos mapapagod kayo?"
"Pinapagalitan mo ba ako? Ako, alam ko at handa ako bago ko pa man ligawan si Jinie. Mahal ko siya at ayoko na siyang pakawalan. Magalit man lahat ng fans natin, wala akong pake. Tao din ako. May karapatan din akong magmahal. At mapagod man ako sa trabaho pero sa relasyon namin hindi." Dipensa ko.
"Hmmm. Hindi ko alam ang side ni Jinie pero sa nakikita ko, ikaw na lang talaga ang lumalaban." That hit me.
"Pano mo nasabi?"
"Kung alam niyo naman pareho ang sitwasyon niyo, di ba dapat mas naiintindihan niyo ang isa't isa lalo na siya? Isipin mo hirap mo sa panliligaw mo sakanya. Di ba, di ka rin naman niya noon laging kinakausap kasi wala pa siyang gusto sayo? Dahil sa mahal mo, naghintay ka, nagtiis ka. Ano naging resulta? Di ba maganda naman? Pero bakit siya hindi kaya? Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya. Pero parang ganun narin nga. Hehe."
"Nung una. Pero siguro Seok, wala talagang permanente sa mundo maliban sa pagbabago. Yung akala mong hindi mapapagod, mapapagod din pala. Yung akala mong maiintindihan ka, maguguluhan din pala. Hindi ko na alam kung ano dapat maramdaman ko ngayon. Masaya ba dahil sa success natin sa career or lungkot dahil sa failed ang relasyon namin."
Nalulungkot ako. Nawawalan na ako ng energy. Gusto ko na lang matulog lagi. Ayoko na. Sana matapos na tong nararamdaman ko.
"Hmmm. Masakit nga yun pero sana wala nang ibang dahilan." Biglang sabi ni Hoseok. Huh? Bakit? Napatingin lang ako sakanya.
"Pag kasi mahal mo, makakaya mo lahat. Kahit sabihin mong tao ka lang. Di ba nga pag gusto, maraming paraan? Sa tingin mo, yun lang ba talaga dahilan?"
"Bakit? Ano pa ba? Hindi naman siguro siya maghahanap ng iba di ba?" Hindi naman niya ako siguro ipagpapalit di ba?
"Sigurado ka? Sigurado kang walang nagko-comfort sa ex gf mo nung panahong busy ka? Baka naman may bago na?" Panunukso ni Hoseok.
BINABASA MO ANG
Assistant Manager to an Idol and ... a LOVER?!
FanfictionHi! I'm Janah Delos Reyes! 22 years old. Philippines! Charot! Well, ako lang naman ang isa sa mga pinalad na nilalang para maging Assistant Manager ng BTS. You read it right! HOHOHO! Sa tingin mo, kakayanin ko naman kaya? E pano kung ma-inlove naman...