I - Agony

947 45 2
                                    

"Shannon, sigurado ka ba talagang kaya mo na mag-isa rito? I'm telling you, maaaring tumagal pa ang meeting namin. And I'm pretty sure na mamayang alas dyis pa makakauwi ang dad mo,"
Tanong ng ina ni Shannon, habang abala ito sa paglalagay ng make-up mula sa kanyang mukha.

Alas syete palamang ng gabing iyon, at kasalukuyang nag-aayos mula sa loob ng kwarto niya ang ina ng dalagang si Shannon, dahil mayamaya lamang ay aalis ito ng kanilang bahay upang may daluhang isang office meeting.

Sa mga oras na iyon nama'y makikitang tahimik at bagot na nakaharap lamang mula sa telebisyon sa kanilang sala si Shannon, at pilit na inaaliw ang sarili sa panonood ng cartoons mula rito.

"Don't worry about me, mom, I'll be fine," bagot na isinagot lamang ni Shannon sa ina.

Mayamaya'y natapos na sa pag-aayos niya si Mrs. Guantero, at kinuha niya ang purse niya't naglakad papuntang sala. Bago umalis ay hinarap niya muna ang kanyang anak, at doon lamang napansin ni Mrs. Guantero na malala pa pala ang hitsura nito. Iyong tipong, wari ba'y hindi pa ito nakakaligo't parang kakagising lamang. Hanggang ngayon nga'y suot-suot pa rin nito ang kanyang panjamas, bagay na ikinangiwi nalamang ni Mrs. Guantero.

"For Pete's sake, sweetie! Hindi ka pa ba naliligo?" Naitanong nalamang ng ina sa kanyang anak. Ngunit bored na bahagyang tiningnan lamang siya ni Shannon, at pagkatapos ay muling kaagad na ibinaling ang mga tingin sa harap ng telebisyon.

"Just go, mom! Leave me alone! Kaya ko na ang sarili ko," pabalang na isinagot lamang ni Shannon sa kanyang ini. Dahil dito'y napa-irap nalamang si Mrs. Guantero.

"Sabihin mo nga, iniiyakan mo pa rin ba yang binatang Rojin na yan?!" Muling naitanong ng ina sa anak, sa pagkakataong iyon, nabanggit na nito ang dating kasinahan ng dalaga, na kamakailan lang ay nakipaghiwalay sa kanya...

"Mom! Hindi ba may meeting ka pang kailangang i-attend?! Stop bothering me and just go!" Mahahalata sa mukha ng dalaga ang sobrang pagka inis.

May gusto pa sanang sabihin si Mrs. Guantero para sa kanyang anak, ngunit napahinga nalamang din siya ng malalim.

Hindi naman din kasi siya pwedeng makipagtalo pa kay Shannon eh. Lalo na't kagaya nga ng sinabi nito, may kailangan pa siyang puntahan.

"Okay, pero mag-uusap tayo pagkauwi na pagkauwi ko kaagad ah? Right now, para may makasama ka, papapuntahin ko nalang muna rito si Echo," sabi pa ni Mrs. Guantero, at kinuha ang kanyang cellphone upang i-text nga ang pamangkin niyang si Jericho upang papuntahin na muna sa kanilang bahay.

"Si mama naman eh! Jericho and I are not close! At tsaka, I'm telling you, kaya ko na nga ang sarili ko! Kaya wag mo na siyang papuntahin pa rito!" Muling pagrereklamo ni Shannon.

"Nope! Walang pero-pero! My house, my rules!"

"Well, I'm my own person, mom! My life, my choice!"

Sa puntong iyon naman ay napahinga nalamang ng malalim si Mrs. Guantero. Matapos niyang ma-i-text si Jericho ay kaagad na siyang naglakad papuntang pintuan ng kanilang bahay.
"Mali-late na 'ko sa meeting namin, mamaya nalang natin 'to pag-usapan," aniya, tumayo naman si Shannon upang sundan ang kanyang ina...
"And Shannon, lock the doors. If it's not Jericho, don't let anyone in. Maliwanag ba?" Aniya pa, at pagkatapos ay lumabas na ng bahay.

"Oh don't worry, mom. Cause I'm not letting anyone in, even if it's Jericho!" Huling sarkastikong sinabi naman ni Shannon, at pagkatapos ay pabalang na isinara ang pinto.

The Labyrinth of VanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon