II - Star Section

1.1K 50 6
                                    

Matatagpuan mula sa lugar ng isang maganda at pitoreskong isla ay masisilayan ang kagandahan ng kung tawagin nila ay ang Vanity Hill Academy, isang paaralan na talaga nga namang matatawag na mala-obra-maestra ang buong arkitektura dahil sa angking kaluwalhatian nito.

Ang malawak na campus na ito ay isang pook ng karangyaan.
May pagka-prestigious din ito, at nabubuo sa dalawang bahagi ng mga mag-aaral.

Ang Star Section at ang normal section.

Sa mga normal section mo makikita ang mga normal lamang na mga estudyanteng mag-aaral sa paaralan ng Vanity Hill Academy,

Habang mula naman sa star section ay dito makikita ang mga estudyanteng may angking talento at katalinuhan. Naiiba sa lahat, at bukod pa roon ay mga top-notching students pa.

Sa section ding ito mahahanap ang mga estudyanteng kilala mula sa buong isla ng Vanity Hill Islands dahil sa kanilang mga popular family backgrounds at social achievement records. Ibig sabihin, kapag ikaw ay anak ng isang kilalang personalidad, ikaw ay deretsong mapapabilang sa mismong tinutukoy na Star Section

Madali mo ring malalaman kung taga Star Section nga ba ang estudyanteng pumapasok sa paaralan na ito, dahil ibang-iba ang kanilang unipormeng sinusuot doon sa mga normal na estudyante lamang.

Pula ang kulay ng kanilang kasuotan, habang iyong mga normal na estudyante nama'y puti lamang.

Kapag naman ang isang normal na estudyante ay nag-excel, may mga malalaking posibilidad na matanggap din sila sa Star Section.

Isa na nga rito ay ang dalagang nag-ngangalang Athena Iris Morgan, na kasalukuyang nakaharap ngayon sa mismong entrance ng Vanity Academy Star Section.

Ito ang unang araw niya bilang isang opisyal na star student, at nangyari ito matapos siyang mag-retake ng examinations.

Out of all the 500 examiners, isa si Athena sa tatlong mapalad na estudyanteng natanggap at nakapasa!
At hindi lang iyon, mas naligayahan lamang si Athena nang malaman niyang sa kanilang tatlo, ay siya itong napabilang pa sa Class 1-A...

"This is it, Athena... You're finally here!" May halong pagka-excite na bulong ng dalaga sa sarili, at papasok na sana mula sa loob, ngunit no'ng pahakbang palang sana siya'y kaagad siyang natigilan nang may bigla nalamang bumunggo sa kanya.

May isa pa kasing dalaga ang nagmamadaling pumasok mula roon sa may entrance, kaya nama'y kamuntikan pa silang matumbang dalawa habang papasok.

Kaagad naman silang nagkatinginan sa isa't-isa...

At sa puntong iyon ay bahagyang nakaramdam ng kaunting kaba si Athena, dahil buong pag-aakala niya'y tatarayan siya nito, kagaya ng mga nakikita niya sa mga palabas na kaagad na tinatarayan o inaaway ng mga estudyante ang isang bago lamang na kadarating.

Halata kasi sa kasuotan no'ng dalagang isa rin itong estudyante mula sa Star Section, dahil sa suot nitong napakaganda at mamahaling pulang uniporme.

Ngunit bahagya siyang nasurpresa nang kaagad itong mag-sorry sa kanya.
"Naku, pasensya ka na miss, medyo nagmamadali kasi ako eh," anito kay Athena, dahilan upang naiilang na mapangiti nalamang sa kanya ang dalaga.

"Na--Naku, wala 'yon! Ayos lang..."
Tanging naisagot nalamang ni Athena rito, at pagkatapos no'n ay nakangiting umalis na agad iyong magandang dalaga...

Ang pangalan no'ng dalaga ay Alexandra Zhukov. At tama nga si Athena sa kanyang hinala, dahil parte nga rin ito ng Star Section.

At kasalukuyan itong nagmamadali, kaya nama'y matapos niyang humingi ng tawad kay Athena'y kaagad na rin siyang umalis.

Habang nagmamadali naman sa paglalakad ay nakasalubong niya ang magkambal na sina Sakura at Sasaki Itami

The Labyrinth of VanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon