IV - Crucifixion

888 34 22
                                    

Minutes before the incident...

+++

Mula sa loob ng CR ng star building ay doon nagtungo ang dalagang si Athena, na kinailangang pansamantala na munang lumabas mula sa kanilang klase dahil sa isang dahilan.

Pagkapasok niya'y mahahalatang nag-ha-hyperventilate na iyong dalaga, kaya nama'y deretso na muna siyang pumasok sa loob ng isang cubicle at sinubukan ang kanyang makakaya upang mapakalma ang sarili...

Huminga siya ng malalim, at pagkatapos ay dahan-dahan din siyang bumubuga.

Pinaulit-ulit niya lamang ang simpleng exercise na iyon, hanggang sa tuluyan na nga talaga siyang kumalma...

Hindi niya alam kung bakit, ngunit bigla nalamang din kasing nag-iba ang pakiramdam niya kanina no'ng marinig niya ang pangalang Shannon.

At bigla nalamang siyang may maalala rito.

Mga alaalang matagal niya nang kinalimutan...

May kakilala din kasi siyang Shannon noon. Isa sa mga pinakamatalik niyang kaibigan.

They went on school trip through the woods with the rest of their classmates & instructor back on Elementary. And the both of them got separated with the others along the way.

Habang sinusubukan no'ng dalawang makabalik doon sa iba, something unfortunate happened...

Hindi na maalala pa ni Athena kung ano nga ba ang mga tunay na nangyari, dahil base roon sa mga nakakita sa kanya, she was seen unconscious and alone...

And with her other friend, Shannon, gone. Without a single trace...

She was rescued, but up until now, wala pa ring may nakakakita kay Shannon, o sa kung ano man ang nangyari sa kanya no'ng araw na iyon.

All Athena could remember are her screams...

"Athena! Wag mo 'kong bibitawan! Athena, please!!"

Iyon lamang ang mga naaalala niya.

And it still haunts her to this day...

"Shannon..."
Mangiyak-ngiyak na naisambit nalamang ng dalaga sa sarili...

++

Mayamaya naman ay dahan-dahan nang lumabas mula sa loob ng cubicle si Athena, nang masigurado niyang talagang kalmado na siya.

Dumeretso siya sa may sink at naghilamos.

Matapos iyo'y lalabas na sana siya mula sa loob ng CR, ngunit bahagya lamang siyang natigilan nang magbukas ang pintuan nito ay may taong bigla nalamang pumasok.

But what surprised her is the fact that, it was a boy. Bagay na lubusang ikinataka ni Athena, dahil sa pagkakaalam niya naman ay girl's comfort room ang pinasukan niya.

Agad niya ring nakilala iyong lalakeng pumasok. At iyon ay ang isa sa kanyang bagong mga kaklaseng si Kenji...

"I--I'm sorry, pero sa tingin ko mali ka yata ng pinasukan eh. Female's restroom ito," bahagyang naiilang na wika ni Athena roon kay Kenji, ngunit blangkong ekspresyon mula sa mga mata niya lamang ang itinugon nito, at pagkatapos ay muling sinara ang pintuan no'ng CR.

"Uhh... A--Anong ginagawa mo?" Sa puntong iyon ay hindi na maintindihan ni Athena ang mga nangyayari, at bahagya na rin siyang nakakaramdam ng kaba roon sa binata.

"Ang buong pangalan mo ay... Athena Iris Morgan, tama ba?" Seryosong itinanong sa kanya nu Kenji.

Napakunot ng kanyang noo si Athena dahil dito, ngunit kaagad nalamang siyang napatango bilang sagot.
"Y--Yes. Bakit?"

The Labyrinth of VanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon