Naglalakad na ko sa hallway nang makakita ako ng mga estudyanteng aligaga sa paghahanap ng classroom nila. Good thing nalaman ko na yung room at section ko nung enrollment pa lang. Marami kasi akong 'connections' haha. Kahit nung hindi pa kami iniwan ni papa, mayaman na talaga kami noh! Hindi kami POOR. Hmmp.
So yun. Naglakad lakad muna ako sa may school ground. Maaga pa naman eh.
I saw 5 handsome men. Oh let me correct that, 5 hot men.
"Kyaahh !! " sigaw ng mga babaeng parang mga nakalunok ng mega phones . Eh mga gwapo eh. Oh tapos? Paki ko.
Napatingin naman ako sa lalaking may gray eyes.
huhu cold stares. Parang may malakas na hangin na dumaan nang dumaan sila. Parang teleserye lang?. Dumako nang tingin sakin yung cold eyes. I felt goosebumps. Ikaw ba naman tingnan ng isang scary gangster. Ewan ko na lang.
*
Natapos na rin yung klase. Sa wakas!!
Nalaman ko na nasa kabilang room pala yung mga gangsters. Bakit ko sinasabi? Kasi doon rin ako pupunta for my next class! Why is the world so cruel?
Hindi naman kasi ako katulad ng ibang girls na ano...alam mo na..mga Flirt. Nakakinis kasi eh. Palagi silang stalker-mode tapos ang iiksi ng mga skirt actually hindi na nga ata yun skirt eh.. lingerie na ata yun. Psh.
At saka..
BUMABALIK LANG SA AKIN ANG LAHAT..
Back to reality. Naglalakad na ko now papunta sa next class ko. At ang nakakainis pa maraming flirts inside. Spell nakakainis. Aish.
At dahil first day nga naman, introducing blah blah naman kami. Yung iba pumunta pa sa front tapos ang haba pa ng speech. Wews naman. SONA lang ang peg?
Nung turn ko na, hindi na ko umalis sa chair ko. Tumayo na lang ako at sinabi ang dapat sabihin.
"Samantha Harley Davidson. Sahry for short."
Yan lang sinabi ko. Magpapakilala lang naman eh.
Nakabuka na yung mouth nung prof namin at ready na sanang magsalita kaya Lang pumasok yung limang giraffe at nagsigawan na yung mga babae kaya tiniklop niya nalang mouth niya. How was that?
"Ohemgee! Look oh!"
"Kyaaah!"
" So gwapo talaga!"
Ganyan yung mga sigaw nila. Daig pa nga sound ng radyo na naka full volume. Tsk. Mga megaphone talaga.
Pumunta yung lima sa unahan. Akala ko naman kung anong gagawin yun pala magpapakilala lang. Para namang hindi pa nila sila kilala noh.
"Hi everyone Oh let me correct that. Hi girls." Sabi nung boy na nakaspikes yung buhok. Well, looks good on him. Nakakabadboy look sa kanya.
Andame pa nilang sinabi. About sa hobbies nila, likes and dislikes nila specially sa girls, para namang di ko pa alam..and yung iba di ko narinig sa sobrang ingay ng girls. Akala ko tapos na silang magsalita kaya humarap na ko sa unahan pero biglang nagmeet yung mata namin. At..alam ko yung tingin niyang yun..mga matang may gustong iparating. Inalis na niya yung tingin niya sa akin at nagsalita na.
Nagkunwari naman akong nakikinig sa earphones ko at tumingin sa bintana. Ang chair ko kasi malapit sa bintana kaya tumingin na lang ako doon.
"Hi ladies..Xander Clarkson here.." pagkasabi niya nun, nagsigawan naman yung mga girls kaya di ko na narinig yung sinabi niya.
Uupo na sana yung lima sa likod ng biglang magsalita si mam.
"Wait young men. Where do you think you're sitting?"
Nagkatinginan naman yung lima na parang nagtataka.
" Uhmmm..sa upuan?" sabi nung nakataas yung buhok. Painnocent effect pa ha.
"Okay class. Don't be happy yet. I will arrange your seats THE WAY I WANT TO." in-emphasize pa talaga niya yun ha. Well, natuwa naman ako doon kasi favor pa ata saken yun eh.
Pinatayo muna kaming lahat habang isa isang tinatawag at pinapaupo lahat.
Nagkaroon na ng lipatan, hagikhikan ng sluts at yung apat nakaupo na sa seats nila. At nakaka Awkward man, pero kaming dalawa na lang ang nakatayo. At parang alam ko na kung anong susunod na mangyayari..
"Mr. Clarkson and Ms. Davidson..you know what to do."
Napatingin naman kami dun sa bakanteng upuan sa likod. At ang sususnod ko na lang na nalaman ay nakaupo na pala kami at nakikinig na sa discussion.
Habang nasa gitna ng discussion, bigla na lang akong napatingin sa kanya.. Walang nagbago sa kanya..
maputing mukha
matangos na ilong
mapupula at matabang cheeks na pambabae
at..yung mga mata niya..gray pa rin.Ang nagbago lang, bumalik na yung playboy at gangster na dati ay napabago na.
Bigla naman akong napatigil sa pagoobserve sa face niya nang tumingin siya sa akin..our eyes met for the third time. At hindi ko inaasahan ang sunod niyang sinabi..
"Happy now?" habang sinasabi niya yun, napatingin na lang ako sa mga mata niya..mga matang puno ng galit. At alam kong ako ang dahilan ng galit niya ngayon.
Pagkasabi niya nun, binaling na niya yung tingin niya kay mam at ganun din ang ginawa ko. Hay. Kailan mo ba maiintindihan?
Xander kung alam mo lang..kung alam mo lang.
BINABASA MO ANG
Let Go or Look Back
Novela JuvenilThis is about the story of a girl who had a past with a hard-headed guy named Xander. Everything was perfect then until one news shook Samantha's world. Her sickness came back at kasabay nun ang pagbalik ng cousin niya.. si Kean. May unexpected na n...