Chapter Four: I'll Bring It Back

15 0 0
                                    

Xander's POV

Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko. Lakas naman maka Bad Timing eh..hay nasa heaven pa ko e. May anghel Kasi sa tabi ko..

Nananaginip kasi ako kanina..

Flashback

Naglalakad daw ako nun sa...parang garden..actually paradise.

May mga butterflies na lumililipad saka iba ibang kulay ng bulaklak..

Perfect din yung weather..hindi masyadong mainit at di rin ganun kalamig...tama lang kumbaga..

Pero mas perfect ang nakikita kong papalapit sa akin ngayon..

Dyosa? Hindi pa yan sapat para idescribe ang ganda niya..

She's like more of a goddess..

Dahan dahan siyang lumalakad sa akin..nakasuot siya ng sky blue dress which matches the sky above us now..

Palapit siya ng palapit hanggang sa nasa harapan ko na siya..

Mas lalo akong na-inlove sa kanya. Ang puti puti niya.. slim.. pinkish cheeks.. At ganun din ang labi niya..

Pero hindi brown ang mata niya.. blue..dark blue. Siguro gusto ko lang na match ang damit niya, ang langit, pati na rin ang mga mata niya kaya ganun.

Hindi ko na lang yun pinansin.. At tinitigan siya sa mata..nakakatunaw ang mga mata niya..ang titig niya..

Bigla ko na lang naramdaman na kusang gumalaw ang mga kamay ko at hinila siya.. gently..mas malapit pa kaysa kanina..

Halatang nagulat siya pero nakarecover din siya agad..bigla ko namang naramdaman yung mga butterflies sa tiyan ko..parang yung mga paru-paro na nakapalibot sa amin ngayon..

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nilagay ko ang mga kamay ko sa bewang niya..lumaki nga ang mata niya.. pero in her own way.. The beautiful way..

Nilagay din niya ang mga kamay niya sa batok ko.. nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.. at naramdaman ko na lang ang unti-unting pagpikit ng mga mata niya..

Pinagmasdan ko muna ang maamo niyan mukha bago ko tuluyang ilapat ang labi ko sa mapupulang labi niya.. Pinikit ko na rin ang mga mata ko nun..pinagpapatuloy ang paghalik ko sa kanya nang biglang nambulabog ang alarm clock ko..

End of flashback

"Sabagay kaya nga bumili ng alarm clock diba? Anong silbi niyan kung hindi tutunog?" sabi ko sa sarili ko habang papasok ng CR. Anu ba yan! Pati sarili binabara? Pacheck up na yan. Haha.

Dumiretso na ako sa loob ng CR at naligo na sa ulan..ano konek? Diba ang shower parang ulan? Sige. Pwede na kayong tumawa nag joke ako.

Pumasok na ako at sinarado yung pinto.. Kailangan ko pa bang isaisahin ang mga ginawa ko sa loob? Hindi na siguro.. Baka manyakin niyo pa ako.. Mahirap na.

Let Go or Look BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon