Chapter 3: Unveiling the Past

25 0 0
                                    

Xander's POV

Hello. I am Xander Clarkson 17 years old. Significance ko ang gray eyes na meron ako. Sabi nila nakakagangster daw ang dating kaya nga maraming nagkakagusto sa akin diba. Naks naman. Pumupogi points ako ah.

Back to reality. Nakita ko siya kanina many times. Bumalik pa pala siya baka magpapaliwanag. Pero hindi ko na kailangan ang explanation niya. Sapat na sa akin ang nakita ko.

FLASHBACK

Ibibigay ko na sa kanya yung silver necklace na may personalized ng initials namin X♥S. Sweet ko noh? Ewan ko ba. Pagdating sa kanya nagbabago ako eh. From a gangster to a serious lover. Nandito na ako sa tapat ng gate nila.

*dingdong* (dantes..) haha

Bumukas naman agad yung gate ni Manang. Di ko alam pangalan niya eh. Tumuloy na lang ako sa loob. Hindi ako didiretso sa mansion nila kasi hindi naman yan mahilig tumambay sa bahay nila. Sigurado ako nasa garden na naman yun nagastrum ng gitara niya. Music lover kasi yun tulad ko kaya nga match kami eh.

Pero hindi ko inaasahan ang makikita ko..

Oo, hawak niya nga yung gitara pero may ibang humahawak ng kamay niya habang nagastrum..at tuwang tuwa sila. Ibig bang sabihin..

Nakita na niya ako sa wakas. Tinawag niya ang pangalan ko.
"Xander.."At mukhang gulat na gulat siya.

Ako nga talaga dapat ang magulat diba? Turning Girlfriend ko may kasamang ibang lalaki.

Pero wala naman akong karapatan diba.

Wala pa naman talagang 'kami'.

Ngayon ko sana ipagtatapat sa kanya at ibibigay itong necklace. Kaso hindi na matutuloy. Hinulog ko nalang yung necklace sabay ngiti sa kanya.

Hindi na ako lumingon pa. Sapat na lahat ng nakita ko. Sabihin niyo ng ma-Pride ako pero alam ko..

kung kayo ang nasa lagay ko ngayon,

GANITO RIN ANG MARARAMDAMAN NIYO

~End Of Flashback~

Kaya nga hindi ko alam kung bakit pa siya nagbalik..

Ang drama naman ng buhay ko...

May mawawala..

May magbabalik..

TEEN CLASH LANG ANG PEG?

But seriously..

Kahit na iniwan niya ako..

Kahit na she owe me an explanation..

Kahit na she made me fuckin' bad again..

Mahal ko pa rin siya.

Martir na kung martir. Pero yun naman talaga ang nararamdaman ko.

At kung magbabalik siya in my present, I'll gladly accept her.

Yun nga lang..

I have no idea kung kailan mawawala ang scar sa puso ko.

SAMANTHA HARLEY DAVIDSON..

WHY COME BACK?

DO YOU..

.

.

.

.

DO YOU STILL LOVE ME?

BECAUSE I'LL WAIT FOR YOU.

Sahry's POV

'Hay. Marami rin ang nangyari ngayong araw.' sabi ko sa sarili ko sabay bagsak sa kama. Yeah..kakauwi ko pa lang sa house namin.

Pero ang hindi mawala sa isip ko yung sinabi niya..

'Happy now?'

'Happy now?'

'Happy now?'

Urggghh..  Bakit naman ako maguguilty diba? Ni hindi nga niya nagawang lumingon ulit diba?

Coward siya. Hmmph.

Tumayo na ako tapos nag prepare ng isusuot ko pagkatapos ko mag bubble bath. Loose t-shirt siya na may heart tapos pajamas na printed ng teddy bear. Siyempre lingerie din..kailangan pa ba idetail? haha

Kinuha ko yung blue towel ko pati yung damit tapos sinabit ko dun sa rack..

"Uhmm..ang warm ng tubig..ang sarap.." sabi ko habang pinaglalaruan yung bubbles sa tubig. Ansaya nga tingnan habang pumuputok yung bubbles isa-isa.

Hindi na rin ako nagtagal sa tubig. Mga 30 minutes rin siguro ako doon nakababad. Nagbihis na ako tapos ni-wrap ko yung buhok ko ng towel para masaya.

Humarap din ako doon sa mirror ko. Parang snow white lang..haha..pero di naman sa akin ganun kalaki..

Naglagay na ako ng powder, lip balm tapos mga konting ka ek-ekan.

May bigla akong naalala.

Inisaisa ko yung mga mini cabinets sa ilalim ng table mirror ko..

First box..wala.

Second box..wala pa rin.

Third box..wala talaga.

Saan ko kaya yun nilagay?

Ah! Naalala ko na.

Kinuha ko yung maliit na blue box sa mga accesories ko. Wooh. Akala ko nawala na

Habang tinitingnan ko ito.. naisip ko na lang.

"B-ba't ba kasi p-puno ka ng pride sa katawan m-mo?" hindi ko na lang namalayan na may tumulo na pa lang luha sa mga mata ko.

Akala ko hindi ka katulad ni Papa..

Akala ko hindi mo ako iiwan..

Mali pala ako.

Maling-mali.

Kaya sasagutin ko na ang tanong mo.

'Am I happy now?'

"Oo Xander..masaya na ako ngayon..I'll let go." pagkatapos kong sabihin yun, tinago ko na yun sa pinakamadilim at dulong bahagi ng closet ko.

"I'll forget about the past. I'll forget about you."

Let Go or Look BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon