Chapter One: The Eyes

22 0 0
                                    

Hi.I'm Samantha Harley Davidson. Sahry for short. 16 years old. May lahing American. Pero hindi pure. Adik sa Blue!!

Bakit ? Does it mean na kapag girl ka pink dapat ang favorite mo ? Definitely not.

Saka instead of wearing thick eyeglasses, brown eye contact lenses na lang. Color Blue kasi mata ko at ayoko  naman na ako lang ang may blue eyes dito noh. Saka cute rin naman saken pag brown eh.

I'm half-American half-Filipino. Nandito na ko nag-stay sa Pinas since 3 years old kaya alam ko na ang culture dito. Pero nagstay muna ako sa states for 2 years para magpagamot sa uhmmmm..sa sakit ko. Basta you'll know na lang.

By the way, I'm getting ready na for my first day in 3rd year high.

Naligo na ako tapos nagbihis. Ang cute nga ng uniform namin kaya lang masyadong maiksi eh. Wanna know our uniform? OK.

Pink long sleeves with a tint of blue. And midnight blue skirt na 1 inch below the knees. I match it with thin white stockings para hindi exposed legs ko. Conservative kaya ako. Hehe.

Pagkatapos ko magbihis, naglagay na ako ng konting powder para hindi maging oily face ko. I put colorless lip balm para hindi mag-dry at mamutla lips ko.

Not to mention, anemic po kasi ako. Every two months dapat itest ang blood sample ko. Monitored dapat yun kasi if not, it can be leukemia which is worse.

Pero, don't worry. Hindi ko naman dinidibdib eh. Mild pa lang naman.

Bumaba na ko for breakfast. Amoy na amoy na sa stairs pa lang yung baked BLUEBERRY CHEESECAKES. Alam talaga ni mama yung favorite ko.

"Morning ma!" bati ko habang umuupo sa mesa.

"Maaga ka ata ngayon."

"Siyempre. First day of classes kaya ngayon dapat early ako saka," inamoy ko muna yung cupcakes bago magsalita.."Masarap yung breakfast eh."

Natawa naman siya sa ginawa ko. Kaso bigla siyang naging weird. Lumibot ba naman kasi sa akin na parang

inoobserbahan ako. Iyon siguro na naman ang iniisip niya..

"Sahry...how many times will I tell you na--"

"You don't need to wear stockings kasi maganda naman legs mo." sabi ko habang naka poker face. Memorize ko na linya nya. Everyday nalang kasi eh. Tsk.

"Argghh ..mama naman eh.."

"Ok. I know it. Pero minsan pwede rin naman i -expose eh. Maganda naman---" kulit tlaga.

"Opo. Opo. Bye ma!"

Pumasok na ako sa car. Sigurado ako na kapag hinayaan ko lang iyan si mama hindi na yan titigil eh. Pero mas okay na rin siguro yun kaysa si papa ang iniisip niya. Nung 1 years old kasi ako iniwan na ako ni Papa. Tanda ko pa nga yung mukha niya eh...

Yung mukhang nang iwan sa amin..  sa akin.

At ang nakakainis pa, nakuha ko pa yung ibang features niya. Lalo na yung mata. I got the same dark, blue eyes na parang nangugusap sa iyo..

Siguro naman naiintindihan niyo na kung bakit nagco-contact lenses pa ko.

It's because..

I don't wanna wear that same deceiving eyes..

I don't wanna remember my happy moments with him..

I don't wanna see the tears pouring down the same eyes that he has..considering the fact na siya lang naman ang dahilan kung bakit ako umiiyak..

And.. he is not our loss.. he must pity his self..kasi iniwan niya ang mga taong minamahal siya...WAIT! LET ME CORRECT THAT..MINAHAL SIYA..

Kaya nga hindi ko talaga maintindihan kung bakit iniiyakan siya ng ganon ni mama.. HE'S NOT REALLY WORTH IT.

But WAIT! I'll just clarify something...

HINDI PO AKO ALLERGIC SA LALAKI,

AT HINDI PO AKO MAN-HATER.

at kahit naman ano pa ang nagawa sa amin ni papa..

kahit iniwan niya kami..

May space pa rin siya sa puso ko..dahil sa isang simpleng dahilan.

Tatay ko siya at hindi yun magbabago. Kaya kung babalik ulit siya, okay lang sa akin.

Yun nga lang, hindi ko alam kung kailan. O kung babalik pa ba siya sa amin.

Natigil naman ako sa reminiscing ko nang magsalita si tito Nate. Opo. Lalaki po siya. Sabi na sa inyo e,

Hindi ako man-hater.

"Miss Samantha, nandito na po tayo." sabi niya sa akin habang nakatingin sa side mirror.

"Thank you po Tito." sabi ko habang pababa ng kotse. Binigyan lang niya ako ng ngiti.

Pagbaba ko ng kotse, konti pa lang yung mga estudyanteng nagsisipasukan. Yung iba naman, naglalakad lakad sa school grounds.

Parang nung first year lang ako..parehas lang naman eh.

Hay..ano naman kaya ang naghihintay sa akin dito?

Magtatagpo kaya kami?

For the second time??

Let Go or Look BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon