And They Meet Again

1.1K 81 44
                                    

NANATILI silang walang kibo.

Kuntento nang ang mga mata ang tanging nangungusap. Lalo naman si Kendra na para yatang namatanda. Pinaglalaruan ng kanyang ilong ang mabangong amoy ng binata. Hindi na niya magawang maialis ang tingin sa mukha nito. Tila ba't hindi pa rin makapaniwala na si Raffy ay totoo ngang nasa kanyang harapan.

Kaya ang binata na ang kumilos. Kinuha nito ang kamay niya at inalalayan s'yang tumayo.

Pareho silang kabado na ang mga hininga ay parang hinahabol pa. At gawa nang labis na pananabik. They just let a kiss do the talking. Dito na tumulo ang luha ni Kendra nang sandaling ipikit niya ang mga mata. Una sa kaliwa. Sumunod sa kanan.

"Woohooo!" hiyaw ng mga kapwa niya contestant na kanina pang nakamasid sa kanila habang sabay-sabay ding nagpalakpakan. Tila mga kinikilig. Masaya ang mga ito na nanonood sa dalawa na nagpapalitan ng halik at tila may sariling mundo.

Marahang nakahawak sa maliit na baywang niya si Raffy at siya nama'y sa matipunong braso nito. Hindi naglaon sila ay mahigpit na nagyakap.

Sa wakas ay nagawa nilang pagtagpuin ang kani-kanilang mundo kahit ngayong araw lang na ito.

Ngayon nga lang ba?

E parang hindi na nga sila mapaghihiwalay kaya naman ang mga tao sa kanilang paligid ay kilig na kilig na parang nanonood ng eksena sa shooting. May ilang kumukuha sa kanila ng picture at video habang hindi pa rin magkamayaw sa paghiyaw.

Hindi naman nagtagal ay nakapukaw ang backstage ng atensiyon sa ilang cameramen at kinuhanan ang eksena kung saan sina Raffy at Kendra ang bida. Agad na nag-flash sa screen sa stage ang eksena kaya halos nagkasabay ang sigawan ng mga tao sa backstage at sa mismong studio.

Bagay na ikinagulat ng kumakantang si Ms. Reign. Nilingon nito ang screen. Napangiti ito habang kumakanta at pinanonood ang kissing scene. Tila ba't ginanahan pa ito sa pag-awit.

Some search, never finding a way

Before long, they waste away

I found you, something told me to stay

I gave in, to selfish ways

And how I miss someone to hold...♫

SA kampo. Sa kantina.

"Wow! Tignan n'yo si Lt. Raffy nasa TV at m-may kahalikan? Grabe!" ang masamid-samid na si Cariaga habang kumakain. Kaya ang lahat ay napalingon din sa telebisyon.

Apiran at hiyawan ang lahat.

Isa si Cariaga sa mga brod na malapit kay Raffy. Isa rin sa napapanot na. Kita na naman ang bunbunan nito. "Siya pala! Siya si Kendra Martinez. Akalain mo nagkita na sila at naghalikan pa."

"Hahaha si Lt. Sikat na!" sigaw ng isa pa.

"Hoy! Anong kaguluhan 'to, ha?" ang kadarating na si Mike kasama ang grupong dapat sana'y kasabay kanina ni Raffy.

"Ayan oh! 'Yun bestfriend mo chikboy." Tinuro ni Cariaga ang TV. Agad namang lumingon doon ang mga bagong dating at napatulala na lang.

"Walangyang! Kaya pala nagpaiwan may eksena palang gagawin!" hiyaw ng kaninang driver ng pick up sabay hagis ng cap nito sa lamesa. Nakita tuloy ang papaubos na rin nitong buhok.

"Lumalablayp...hahaha! Bayaan mo na. Ganyan talaga kapag in love," natatawang sagot ni Mike.

"Ang tinik ni Sir. Lupet!" sigaw ng isa sa mga Private at sila'y nagtawanan na.

SAMANTALA.

Sa bahay nina Kendra.

"Mahal! Mahal!" tawag ng ina ni Kendra sa asawa nito na nagbabadyang atakihin sa puso.

Just Knock (Complete & Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon