"You'll find out soon.."
What the-english pikingin ang mga kidnapper ko..?? Ibig sabihin mga foreigner ang mga nakatalukbong na ito at may balak pa atang masama sa akin..
Mas lalo pang nanlaki ang mga mata nya ng lumapit ang mga nakatalukbong na lalaki sa kanyang tabi at hinaklit sya patayu, may kinuha ang isang may hawak sa kanya sa loob ng damit nito at naglabas ng isang itim na panyo saka itinali sa kanyang bibig, at kinaladkad palabas ng silid. Nanginginig na sinundan nya ang mga ito papunta sa madilim na pasilyo na tanging mga sulo lang ang ngpapaliwanag ng daan. Hindi nya alam ko gaano sila katagal naglakad sa may kadiliman na pasilyong iyon, pero sa tuwing liliko sila pakanan o pakaliwa ay may mga nakakatakot na statwang nakatayo sa gilid ng pader na animo mga bantay sa mga nagbabantang tumakbo sa mga pasilyo. Ang iba sa mga ito ay nakabaon ang kalahati ng katawan sa pader, at nanlilisik ang mata at nakalabas ang matutulis at mahahabang mga pangil. Halos matumba sya sa gulat ng sa huling pagliko nila sumalubong sa kanila ang isa pang statwa na nakadikit ang kalahati ng katawan sa kisami at naka outstretch ang mga kamay pababa na tila inaabot ang sahig. Kundi lang sya mahigpit na hawak ng mga nakatalukbong na foreigner ay malamang na natumba na sya.
Maingay na bumukas ang malaking pinto na pinasok nila
Yung parang tunog na naririnig mo lamang sa mga horror movies
hindi nya alam kong mamamangha o maiihi sa pantalon sa takot sa nakikita nya sa loob ng malaking pinto na yun. Isa iyung napakalaking bulwagan na may malapad na batong lamesa sa gitna, at mayroon din doon isang sa tingin nya ay altar dahil may mga kandilang nakatirik doon, sa itaas naman ng mga kandila ay isang ulong estatwa ng isang hayop pero hindi nya alam kong among klase o anong lahi, mukha itong Leon pero may mga sungay ng usa,
'Well atleast alam pa nya kong anuman ang purma na sungay ng usa'
Mayroon din itong isang sungay sa may noo na parang sa unicorn ang bunganga nito ay nakabukas labas ang mahaba nitong pangil.
Sa ibaba naman ng altar ay may isang malaking upuan na parang pang hari, at nakaupo doon ang isang malaking lalaki na nakatalukbong rin, at talaga namang napakalaki nito, mukha na nga itong higante at nakaupo pa ito sa lagay na yun ha, paano na lang kaya kapag nakatayo na.
naroroon rin ang iba pang mga nagkukumpol-kumpol na mga nakatalukbong na tao, humarap sa kanila ang mga ito ng bumukas ang pinto at pakaladkad syang pinasok, tinigil agad nila kong ano man ang pinagbubulongan nila.
Napa atras sya ng tumayo ang higanteng nakaupo sa trono nito at lumapit sa kanila.
"Ah, brother's just in time.
Is this him? The lucky one who can have our gift?" Turan ng higante sabay kumpas ng mga kamay sa kanya.
"Yes, my liege it is him. He have a nice physique, and a healthy life." Sagot naman ng isang kumuha sa kanya na nasa unahan.
"Mmmn.. Good then, what are we waiting for, let's begin the transformations.." Turan nito sabay palakpak at kumpas ng kamay patungo sa batong lamesa.
Kasabay nun ay kinaladkad na naman sya ng mga may hawak sa kanya, nalilito at nahihintakutan na pilit syang nagpumiglas sa mahigpit na pagkakahawak nila sa kanya.ng isang dipa nalang ang layo nya sa batong lamesa ay lumapit sa kanyang harapan ang kaninang kausap ng higante na may hawak na kutsilyo, mas lalo syang nagpumiglas umaasa na pamamagitan nuon ay makalayo sya at makatakas sa mga ito, pero kahit anong pilit nyang pagbawi sa mga braso at sa pag sisipa sa mga ito ay hindi umeepekto mahigpit parin syang hawak at hindi man lang natinag ang mga ito, sapilitan syang pinahiga sa batong lamesa. At tuluyan ng nakalapit ang nakatalukbong na may hawak ng patalim at inilapit sa kanyang katawan, sentro sa kanyang dibdib ipinikit na lamang nya ang mga mata at hinintay ang sakit na idudulot ng kutsilyo, ngunit hindi yun dumating sa halip ay narinig nya ang pagkapunit ng kanyang mga damit.
![](https://img.wattpad.com/cover/15365377-288-k812237.jpg)