Jared POV
Its year 2050 and I have been living in this hellhole for a decade now.
Pero kahit n madilim ang paligid at ni wala kang maaninag na ni katiting na liwanag ay malinaw na malinaw ito sa paningin nya, at hindi lang ang paningin ang malinaw sa kanya, sa katunayan ay lahat ng kanyang pandama. Malinaw nyang nakikita ang pag agus ng maruming tubig sa imburnal na ginawa na nyang tahanan na mahigit na sa isang dekada. Ang lagaslas ng ingay nito pati narin ang mga sasakyang dumadaan sa itaas ng kanyang kinalalagyan ang bawat yabag ng mga taong naglalakad roon ang mga huni o serbato na mga kotse kahit na ang mga bulungan ng mga naglalakad roon..
Marahil ay nakapagtataka kong bakit ako nag tatago rito sa halip na makipag salamuha sa mga tao sa itaas, yun at dahil hindi na ako isang tao, isa na akong halimaw na mabubuhay sa kasawian ng iba. At ayuko nun, ayukong maging halimaw, oo at ginawa nila akong ganito isang killing machine pero Hindi ko ginampanan ang anumang gusto nilang ipagawa sa akin,sa katunayan hindi ko sila binigyan ng pagkakataon. (Sigh) natatandaan ko pa nung ako ay isa pang ordinaryong tao na may simpleng pamumuhay.
Flashback
Isa akong financial consultant sa Central Bank na pinagtatrabahoan ko para sa akin kahit na simple lang ang buhay ko ay masaya naman nasa akin na ang lahat ng kailangan at gusto ko, maayos at masaya ang pamilya ko, may trabahong gusto ko, at may maganda at mabait na nobyang mahal na mahal ko. Ahh, si Rose kasing ganda at kasing bango ng rosas, matinik rin at nanunusok kong gugustuhin, ay mahal na mahal nya, ang kanyang maliit at magandang dewendi. Una nyang nakilala c rose sa paaralan nung high school pa sila, nagkabanggaan, nagbabangayan at nag aaway, para na nga silang mortal na magka away, pero sa totoo lang nagpapapansin lang sya rito, iniinis ito para mapansin sya at sa sobrang pagpapansin nya ay nakatunog na nga ito na may gusto sya rito na inamin naman nya at yun nga ang simula ng pagmamahalan nila. Oo at korney ngang pakinggan pero anong magagawa nya inlove sya eh.. (Chuckle) kaya ngayun naniniwala na sya sa kasabihang
'the more you hate;the more you love'.
Napapangiti sya habang naglalakad sa madilim na eskinita papunta sa sakayan ng jeep. Hindi nya pansin kong masyado mang madilim at tahimik ang lugar na kinalalagyan nya, masyado syang tutok sa iniisip nya. Gusto nyang surpresahin ang nobya nya may dala syang tatlong piraso ng red rose na alam kong paborito nya, at dadaan pa pala sya sa mcdo.
Dahil sa malalim na pag iisip nya ay hindi nya napapansin ang paglamig ng temperatura, at ang mabibilis na galaw ng mga anino sa paligid nya. Ilang hakbang nalang ay mararating na nya ang waiting shed na maliwanag at nasisinagan ng ilaw ng poste, at sa pag lingon nya napukaw ang pansin nya ng pag igik ng tila nahintakotan daga, tumigil sya sa paglalakad at doon lang nya napansin ang napakadilim at tahimik ng lugar at ang tanging ilaw ay ang ilaw ng poste sa may waiting shed. Nakapagtataka pa nga na nakakapag lakad pa sya ng maayos sa madilim na lugar na yun. Biglang tumindig ang mga balahibo nya sa batok habang pinakikiramdaman nya ang paligid, nanlaki ang mga mata nya ng makita nyang gumalaw ang mga anino at dahan-dahan lumapit sa kanya. Bumilis ang pintig ng kanyang puso at halos madapa sya sa pag mamadaling maka alis sa kinalalagyan nya at tinakbo ang waiting shed na may maliwanag na ilaw ng poste, iniisip na kapag narating nya iyun ay magiging ligtas na sya. Hapong hapo sya na humawak sa poste at sinulyapan ang madilim na bahagi na pignagmulan nya, saka nya pinalibot ang paningin sa paligid napahigpit ang kapit nya sa poste at halos lumabas ang puso nya sa kanyang rib cage dahil sa lakas ng pagdagundong nito.
Mas lalo pa syang kinabahan ng wala man syang makita ni isang sasakyan o tao na dumadaan o naglalakad sa paligid, at sobrang tahimik ng lugar wala syang ibang naririnig maliban sa malakas na pag tibok ng kanyang puso. Napaatras sya ng umihip ang malamig na hangin nanginig sya sa lamig at nakakakilabot na huni nito, parang daan daang daing at pagmamakaawa ng mga ligaw na kaluluwa. Balisa at nanginginig na nag papalinga linga sya sa paligid, pilit na inaaninag ang mga nag iingay sa mga madidilim na lugar.
Hindik na umatras sya ng biglang nawala ang mga nakabibinging panaghoy at binalot na katahimikan ang paligid, ni wala man lang syang marinig na huni ng mga kulisap o kahit ang huni ng hangin. A t bigla nalang gumalaw ang mga anino sa paligid ng lugar at gumapang papunta sa kanya, nanlalaki ang mga mata at nanginginig na idinikit nya ang sarili sa poste nagbabakasakali na Hindi sya maabot ng gumagapang na anino, pero patuloy ito sa pag gapang papunta sa kanya hanggang sa sinakop na ng anino ang buo nyang katawan. Ipinikit nya ang mga mata at tinanggap nalamang ang kapalaran na dito na magtatapos ang kanyang buhay.
Sa lugar ng kadiliman, wala syang ibang nararamdaman kundi lamig at kawalan, parang syay lumulutaw sa hangin sa mundo ng kawalan at kadiliman. Pero mayroon syang naririnig na tinig ng mga tao? O tao nga ba na nag uusap di kalayuan sa kanya.
Pilit nyang iminulat ang mabibigat na talukap at inaninag kong saan nga ba nagmumula ang mga tinig.
Una nyang naaninag sa nanlalabo nyang paningin ang isang malapad at kulay itim na pinto. Napansin nyang nakakulong sya at nakahiga sa papag at nasa isang malamig at madilim na silid.
Ang tanging nagbibigay liwanag roon ay ang isang munting kandila na malapit na maupos at mamatay. Bumangon sya at inusisa ang nasa loob ng kanyang kulungan, ni wala man lang ni isang bintana sa silid na iyun ang tanging naroroon ay ang papag na kanyang hinigaan at ang isang maliit na lamesita na pinapatungan ng nauupos na na kandila.
At narinig nanaman nya ang mga tinig kasabay ng mga yabag ng mabibigat na sapatos, at papalapit ito sa kinaruruunan nya. Gumapang ang kilabot at bumilis ang tibok ng puso nya na iniikot ang paningin sa madilim nyang silid pilit na naghahanap ng pwedeng mapagtaguan. Nalilito sya sa mga nangyayari, naalala nyang masaya pa syang naglalakad, ng habulin sya ng mga anino at sakupin ang buo nyang katawan, at nagising na sya rito. Sana ay nanaginip lang sya, na isa lamang itong masamang panaginip at magigising run sya.
Pero sa tingin nya ay Hindi dahil nararamdaman nya ang hapdi ng pagbaon ng kuko nya sa nakakuyum nyang palad. At narinig nya ang pag ingit ng pagbukas ng pinto, nanginginig na itinuon nya ang paningin doon at pumasok ang mga nakaitim na kapa.
Pilit nyang nilunok ang nakabara sa kanyang lalamunan at pinilit na magsalita. Maraming tanong ang gusto nyang itanong pero isa lang ang lumabas sa kanyang nanunuyong bibig.
"Anung kaylangan nyu sakin?"
Tiningnan nya ang tatlong malalaking tao na pumasok sa kanyang silid na natatabunan ng maiitim na kapa na ginagamit ng mga monghe at ang mga bibig at leeg lamang ang nakikita nya. Mas lalo pa syang nangilabot ng sabay na ngumisi ang mga ito at sinabing.
" You'll find out soon.."
(*****)
