Present Day
And that's how it happen, nagising akong ganito na isang Vampir or so he hear them call him, yeah it is a Vampire iniba lang ang spelling. Actually hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko that day, masakit at nilalamig ang hubad kong katawan, ni hindi silang nag abalang damitan ako kahit na brief lang o pantalon. Wala hinayaan nila akong nakahubad at ikinulong sa malamig at madilim na silid. At higit sa lahat nauuhaw ako isang kakaibang pagka uhaw, na sa tingin nya ay hindi malulunasan ng tubig, nanghahapdi ang kayang lalamunan at sa tuwing sya ay lululon ay parang may buhangin sa kanyang bibig at dila.
Tiniis nya ang lahat ng kanyang mga nararamdaman, at naghintay hinintay nya ang dahilan ng kanyang paghihirap ang mga nakatalukbong na mga yun, hindi nya alam kong anu ang itatawag nya sa mga ito, at kahit kaylan ay hindi nya tatawaging tao ang mga ito dahil hindi makatao ang ginawa ng mga ito sa kanya.
At heto sya ngayun nagpapaka taong grasa namumuhay sa mga imbornal kumakain ng daga o kahit anong mga kawawang hayop na nagkamaling dumaan sa harap ng imbornal. Sa totoo lang nung makatakas sya sa mga bumihag sa kanya ay hindi sya nanirahan sa kanal agad agad, naghanap sya matinong trabaho, nagpalit ng pangalan pati ng anyo para hindi makilala. Naging maayos at payapa ang kanyang unang limang taon pero sa kasamaang palad ay natagpuan sya ng mga ito, kaya nag papalipat lipat sya ng lugar at bansa; pangalan at anyo. Nasubukan na nga nya mag damit babae at umaktong binabae, pero nahahanap at nahahanap parin sya ng mga ito.
Kaya makalipas ng 30 years ay napagod na sya, at sumubok naman ng hindi pa nya nasusubukan at yun ay ang ang mging isang taong grasa, well atleast dito walang lalapit na tao sa kanya walang makakakilala at hindi na sya mahihirapang pigilan ang sariling patayin at sipsipin ang dugo ng mga taong nasa paligid nya, kaya lang ay mabaho sya, well natural ikaw ba naman ang hindi maligo at tumira sa isang malalim at mabahong kanal tingnan lang natin kong hindi karin babaho(sigh).
Pinagmasdan nya ang pag ilaw ng mga poste sa kalsada, ngayong gabi gusto nya makatikim naman ng dugo ng aso 1 week na kasi syang nag dadiet sa pagsipsip sa dugo ng mga daga, para maiba naman. Ng tuluyan ng dumilim ay lumabas na sya ng lungga nya at nag tago sa gilid na dumpter, naghihintay sa kawawang aso na kanyang ihahapunan. Nagtataka siguro kayo kung bakit aso ang ihahapunan ko, syempre kahit bampira na sya ayaw nyang manakit ng tao o pumatay, hindi naman sa okay lang ang manakit at pumatay ng hayop pero para kanya kong papipiliin sya syempre hayop nalang ang papatayin nya kailangan nya rin naman kumain at mabuhay kahit halimaw na ang tingin nya sa kanyang sarili.
Habang nakaupo roon at nag aabang, namataan nya ang isang maliit na babae na mabilis na naglalakad nakasuot ito beige blouse at nakapatong ang pulang sleeveless hood nito, naka slacks at black shoes nakasukbit ang sling bag nito sa balikat at palinga linga sa likod habang naglalakad ng mabilis. Nang Tingnan nya kong ano man ang tinitingnan nito ay nakita nya ang tatlong malalaking lalaki na sinusundan ito, pasuray suray ang mga ito at sa tingin nya ay lango sa kong anu man ang tinira ng mga ito at sa tingin nya ay ang kawawang maliit na babae naman ang titirahin ng mga ito.
Napa buntong hininga na lamang sya, madalas itong mangyari at nagpapaka bayani naman sya kong kinakailangan sa tingin nga nya ay sa kanya inihango ang isang kantang nag sasabing wag matakot sa dilim sa pagkaalala nya ay ganito ang mga linya nyun. 'Wag ka ng matakot may nagbabantay sa dilim, nag aabang sa sulok at may hawak na patalim, di na hahayaan pang muli kang masaktan wag ka ng matakot sa dilim.' siguro ang tinutukoy nila na patalim ay ang kanyang matatalas na kuko at pangil.
Pinagmasdan nya ng maabutan na ng mga ito ang babae, tumayo na sya at akmang lulundagin mga ito ng biglang napaluhod ang lalaking nasa gitna at sa mismong harapan ng babae, namamahang pinakinggan at pinagmasdan nya ang mga ito.
"AHHH!! Punyeta kang babae ka!!? Makakatikim ka talaga sa akin gaga ka!!"
sigaw ng lalaking nakaluhod sa semento.
Nagtatawanan lang naman ang dalawa pa nitong kasama pinag tatawanan ang nakaluhod na kaybigan nila, halata talagang mga high ang mga ito.
"What? at ako pa ang may kasalanan ngayun eh, kayo naman itong nanghaharass sa akin, mga manyak kayo.."
turan naman ng babae at nagsimula uling maglakad palayo sa mga ito.
" Ops-ops at saan ka naman pupunta? hindi pa kami tapos sa iyo."
turan naman ng payat na lalaking nasa kanan nito at hinawakan ang babae sa braso. Nagpumiglas ang babae at pilit binabawi ang kanyang braso
"Ano ba! Pwede ba, tigilan na nga ninyu ako.. Maghanap nalang kayo ng ibang mapagtitripan..!!"
Sigaw nito sabay sipa sa payat na lalaki, napahiyaw naman ito sa sakit at binitiwan ang braso ng babae para himasin ang nasaktang binti. Kinuha iyun na pagkakataon ng babae at kumaripas ng takbo.
"Hoy! Bumalik ka dito babae ka!"
sigaw ng mga ito habang hinahabol ang babae na patuloy sa mabilis na pagtakbo, ngunit sa kasamaang palad kahit mabilis itong tumakbo maliliit parin ang mga hakbang nito at malalaki ang humahabol dito kaya mabilis itong naabutan.
"Huli ka! HAHAHA!"
sigaw naman ng kalbong lalaking naghahabol rito sabay halakhak ng malakas, tumatawa namang tumabi ang dalawa pa nitong kasama.
"wag ka na kasing lumaban"
"Oo nga, pinapangako namin sa iyo na masisiyahan karin sa gagawin namin.." sabay halakhak nilang tatlo.
Pinalibutan nila ang babae at pilit na hinahaplos ang katawan nito kahit na balot parin ito ng mahaba nitong hooden shirt, pilit naman nagpumiglas ang babae pinasisipa nito at pinagsusuntok ang mga ito para makakas lang, ngunit sa tuwing napipigilan nya ang isa may dalawa pang pumapalit dito.
-------------(******************************)-------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/15365377-288-k812237.jpg)