50 Ways To Say Goodbye

247 3 0
                                    

"I played a game and to be honest, I didn't see this coming. I won. You lose. That's funny. The Anthony Geoffrey Restrevera that all people love and admire... has been played upon by me."

ANO BA?!! Kailangan talaga paulit-ulit yung boses niya sa utak ko?! Oo na. Ako na yung naloko. Ako na yung nalinlang nang babae na yun. Kakainis nga, eh! Sa karami-rami pa ng pwedeng manloko... yung babaeng minahal ko talaga. Eh sino ba yung mag-aakala na behind that angelic face, may demon pala. Leche talaga! Kainis! 

"Hoy, pare.. Tayo na nga! Kanina ka pa inom ng inom eh!" Pilit na kinukuha sa akin ni Philip yung baso na hawak ko. Killjoy naman nito. Palibhasa, hindi siya yung niloko. Yung iniwan. Eh pikutin ko kaya si Nadine (yung girlfriend niya) para mafeel niya yung nararamdaman ko ngayon. "Geoff, huwag ka ngang ganyan! Halika na!" 

"Huwag mo na akong pigilan, Philip. Kung sayo rin naman ito nangyari, ito rin naman gagawin mo. Well, actually... baka mas malala pa." Sabi ko tapos inubos kaagad yung laman ng baso. Hah. Akala niya ha!! Hindi niya ako mapipigilan. MABUHAY ANG MGA SAWI. 

"Gago ka. Alam ko nararamdaman mo. Nasasaktan ka." 

"Ay, hindi pre. Nasasarapan ako. Shet. Sa sobrang sarap, nabaliw ako tapos narealize kong mas maganda yung buhay kapag umiinom lagi." Kung hindi ko lang ito kaibigan since preschool, nasapak ko na sana siya tapos tinadyakan tapos tinapon sa may Pasig River. Pero dahil sa mabait naman ako at dahil sa bestfriend ko nga siya, hinayaan ko na lang. "Punta ka na lang kay Nadine, pare. Usap kayo. Maghalikan kayo. Lahat gawin niyo. Huwag niyo lang akong pakialaman." 

"Ewan ko sa'yo! Ang tigas ng ulo mo! Bahala ka na nga. Una na ako, pare." Hinawakan ni Philip yung balikat ko tapos tumango lang ako. Umalis na siya sa tabi ko at hindi ko alam kung nakalabas na ba siya or what. Wala na akong marinig na normal. Palibhasa, nasa bar. Pinapatugtog pa yung Gangnam Style na 'yan. Mga tao naman ngayon, parang minsan lang makarining ng mga kanta. Ang wawild. 

Pagkatapos magchill sa bar ng ilan pang minuto, binayaran ko na yung inorder ko tapos lumabas kaagad sa bar. Tumingin ako sa langit. Wow, stars. Wow, moon. Wow, constellations. Wow, clouds. Wow, peace and serenity. Wow, pare... Nababading? Natawa na lang ako sa sarili ko. Actually, I like the sky. Lalo na kapag gabi. My hobby is photography. Simula noong bata pa ako, yun na talaga gusto ko pero I took up AB Broadcasting. Hayaan na. Parehong arts rin naman eh. 

"Geoff?" 

Kahit hindi na ako lumingon, alam ko na kung sino 'yun. Si Stefanie. Bestfriend ni Tricia. 

"May kinalaman ba dito si Stefanie?" Tanong ko habang nakayuko. Grabe. Please. Trinato ko si Stef na parang sister ko. Mabait siya. Hindi niya magagawa sa akin 'to. Please. 

"Of course! Si Stefanie nga yung mastermind nito eh." 

"Geoff, ikaw nga!! Long time no see!" 

Huwag mong halikan pisngi ko. Matatamaan ka. "How are you doing?" Hinalikan niya ako sa pisngi tapos kinagat ko yung lower lip ko. Mabuti nang wala akong sabihin para peaceful. "It's been what? 7 months?" 

"I guess so." Umalis ka na. Huwag ka nang sumagot pa.

"Wow. That long, huh? So, how are you and Tricia?" Ngumiti siya sa akin at ngumiti rin naman ako sa kaniya. Kaya rin naman kasi makipag-plastikan ng mga lalaki eh. Pero balik tayo sa tanong niya.. How are things between me and Tricia? We're good. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Sino niloloko ko? Ginago nga ako eh. Hindi nga ako mahal. Buhay nga naman. "I heard you 2 are engaged." 

Nananadya na ata 'tong babae na 'to. Siguro alam niya na gentleman ako kaya inuubos pasensya ko. Kakainis na, ah! "Don't you know that we broke up 4 months ago?"

"Really?! That's sad." Ngumiti siya ulit sa akin pero this time, yung nakakaloko. Kakainis na, promise.

"It is really sad. Especially yung nangyari sa kaniya."

"What happened to her?"

"You haven't heard about the accident?"

"Haven't talked to her since you guys broke up."

"TAENA KA PALA, EH. Alam mo pa lang naghiwalay kami eh. Ang galing mong magsinungaling."

Sorry naman kung nasigawan ko. Nakakainis na rin kasi, diba? Tanga rin naman 'tong babae na 'to. Pupunta na sana ako ng kotse ko nang hinawakan ni Stefanie yung braso ko.

"Hoy, ano bang problema mo? Hindi mo bang nahahalata na naiinis ako?" Kinurot ko kamay niya tapos bigla siyang napa-ouch. Papasok na sana ako ng kotse nang hinawakan niya ulit ako tapos naririnig kong umiiyak siya. Ano na naman ba problema nito?

"Ano nangyari kay Tricia? Sabihin mo, Geoff." Napaupo siya sa sahig tapos doon umiyak. Eh ako naman walang pakialam kasi lasing tapos nasaktan sa mga pinag-gagawa nilang magbestfriend, nagroll eyes lang ako at nagstretch.

"Tayo ka nga."

"Sabihin mo muna sa akin... Please."

"Gusto mo talagang malaman?"

"Yes.. Please."

"Weeks after kami naghiwalay, papunta siya sa MOA. Tapos dahil sa katangahan niya, nakalimutan niyang nakahigh heels siya kaya hinabol niya yung taxi kasi daw nagmamadali na siya. Hindi niya naabutan. Nagstop siyang tumakbo kasi hingal na hingal na siya.."

"Tapos?" Patuloy na umiiyak si Stefanie. Hindi bagay.

"Tapos nahit and run si Tricia. I'm very sorry."

Biglang sumigaw si Stefanie. Shit. Kakagulat naman 'tong babae na 'to. Parang hindi galing sa well-off na family. Umiyak siya ng umiyak. Hindi ko alam kung icocomfort ko ba or what. Parang hindi pa nga enough itong pang-gagago ko sa kaniya eh.

"Is she still alive?"

"Yes."

"Good to hear. Is she going to be okay?"

"I guess so. 70/30 siya eh. Kailangan ipagdasal siya ng lahat ng tao para gumaling siya. Hindi lang kasi yung katawan niya yung may problema.. Pati ugali at kaluluwa. Maiwan na kita, Stefanie. Condolence na lang. Bisitahin mo siya. Sabihin mo, she deserves it."

Tumingin sa akin si Stefanie na parang nagtataka na galit.

"Joke lang. Ito naman. Sabihin mo sa kaniya, huwag na niyang pahirapan sarili niya. Let go na."

Tumalikod ako tapos pumasok na sa kotse ko. Diretso na ako sa bahay ko at napagisip-isip ko... Kung hindi ko siya kayang kalimutan in the normal way, why not forget her and live a life pretending she's already gone?

50 Ways To Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon