"Nice game, pare!"
Katatapos pa lang naming maglaro ng basketball dito sa bahay ni Frank. Nakakamiss maglaro ng basketball! Paano ba naman kasi.. After Tricia and I broke up, naging socially retarded na ako. Kakatamad na ring lumabas tapos nakakahiyang magpakita sa mga tao na may namamagang mga mata. Yup. I cried a lot. And when I say a lot, a lot talaga. Iniabot sa akin ni Frank yung water. Classmate ko pala siya. DJ siya sa 89.9 at aaminin ko, magaling siya. Habulin ng mga babae at dahil diyan, pinapatulan niya naman. Chickboy. Bakit kaya ganun? Ako yung stick to one, ako pa yung niloko.
"Ang tahimik mo na naman, Geoff. Anong problema natin?"
"Problema ko, pare. Huwag mong idamay sarili mo."
"Wow. Ang sweet mo talaga."
Natawa na lang ako tapos uminom ulit. Ipinahid ko yung towel sa katawan ko. Ang lagkit ko na naman. Tumayo ako tapos ibinuhos ko yung tubig sa ulo ko. Yan. Medyo hindi na ako malagkit. Basa lang. Biglang nagring yung cellphone ni Frank.
"Oh, Stefanie? Woah... Really? Woah... Sige, sige. Okay. I love you too. Bye."
"Ano na naman problema ni Girl #4 mo?" Naiinis talaga ako kapag naririnig ko yung pangalan na 'yan. Naaalala ko yung pagmumukha niya. Yung make-up niya na super kapal tapos her clothes na super ikli. You see... Mabuti naman talaga akong tao eh pero kapag ginago mo ako, gagaguhin rin kita pero asahan mo na mas matindi yung sa akin.
"Iyak ng iyak." Umiling siya. "Pare, leche ka! Bakit naman sinabi mo na naaksidente si Tricia! Kapag yun malaman niya, siguradong babalik yun dito sa 'Pinas!"
"Bumalik siya. Wala akong pakialam."
"Ganun ba talaga kasakit yung ginawa niya?"
"Ay pare, hindi."
"Ayan ka na naman eh! Nagaala Vice Ganda ka na naman! Anyway, anong sasabihin mo dito kay Stefanie? Paano kung humingi siya ng details about Tricia? Hala ka. Patay ka niyan!"
"Bakit mo naman kasing ginagawang komplikado, Frank? Hayaan mo na siya. Baliw rin yang si Stefanie eh! Kasabwat pala ni Trish! Mastermind pa nga!"
Nagulat naman si Frank. Biglang siyang tumahimik tapos parang nagpraprocess pa yung utak niya. After how many seconds, tumango siya. "I see."
"Uy, bakit? May alam ka ba?"
He shook his head. Teka... Baka...
"GAGO KA, PARE?! PATI PA NAMAN IKAW SUMALI SA KANILA?!" Ano ba!? Lahat na lang ba ng tao na akala ko maasahan ko, gagaguhin ako?! Ano ba ginawa ko?!
"Chill ka nga lang!" Tapos pinaupo niya ako. Huminga siya ng malalim tapos ngumiti. Praning na rin ata 'to. "Ano kasi eh... Kasi nasabi na niya yan sa akin."
"GAGO KA TALAGA, FRANK!! BAKIT MO DI SINABI SA AKIN?! Potek naman oh!!"
"IKAW, HA!! SIGAW KA NG SIGAW!! PATAPUSIN MO NGA MUNA AKO!! REACT KA NG REACT EH!!" Sabay turo sa akin.
"Oh, sige na. Go."
"Hindi ko naman kasi alam na totoo pala yun. Ganito kasi yung nangyari... Galing pa lang kami sa bar noon. Lakas ng tama ni Stefanie kaya inuwi ko siya sa condo ko. Nakalimutan ko kasi yung bahay nila eh. He. Tapos nung pagpasok namin, bigla niya akong hinalikan. Napunta kami sa may kama. Ayun, nasa top siya..."
"Huwag mo ngang isali yan sa kwento mo!"
"Ay, okay.. Sorry naman, boss. Hahaha! Anyway, inunbutton niya yung polo ko tapos itinapon niya sa side. Grabe. Ang wild niya. Hinalikan niya ako sa leeg tapos.."
"FRANCO VELASQUEZ, UMAYOS KA NGA!!!"
"Ito naman, hindi mabiro. Hahahaha. Tumayo kaming dalawa tapos pinush ko siya sa wall. Yung kamay niya.."
"Pare, aalis na ako. Huwag kang magpapakita sa akin. Baka mapatay kita." Tatayo na sana ako nang hinawakan ni Frank yung kamay ko habang tumatawa. Oo pare, nasa mood kasi ako ngayon makipaglokohan.
"Ito naman. Chill lang. Nung nasa bar kami, bigla niyang sinabi, "Konting tiis na lang tapos tuluyan na naming maloloko si Geoff". Hindi naman ako sigurado kung ano yung pinagsasabi niya kasi nga diba lasing? Kaya ayun.. Hinayaan ko na lang." Tumingin siya sa akin. "Oh, bakit? Anong problema?"
"Sa bar niyo pala pinag-usapan tapos kwinento mo pa kanina yung harutan niyo."
"Para humaba usapan natin. Hahahaha. De joke lang. Ikaw kasi... Naging seryoso ka na after niyong maghiwalay!"
"Masasanay rin kayo."
"Anyway, kalimutan mo na si Tricia bitch." Natawa siyang bigla. "I can't believe I just said that. So gay."
"Whatever. Uy, tulungan mo ako ha?" Tapos pinoke ko balikat niya.
"Saan?"
"Sa pag-gawa ng mga masasamang nangyari kay Tricia!"
"Ginagago mo ba ako?!"
"Hindi nga. Kaibigan naman tayo eh!! Ha?! Ha?! Ha?!"
"Ayoko."
"Bigyan kita ng Xbox next month."
Tumingin siya sa akin tapos kinamot niya yung ulo niya. "Okay. Basta yung Xbox ha!"
Hay salamat. May accomplice na rin ako. Hindi na rin ako mahihirapan sa paggawa ng reasons. Tricia Santos, be ready to die again and again in different scenarios. Huwag kang mag-alala... Mas masakit pa rin yung ginawa mo sa akin.

BINABASA MO ANG
50 Ways To Say Goodbye
RomancePaano bang magmove on sa taong minahal mo ng sobra sobra pero niloko ka lang pala? Paano bang kalimutan ang isang tao nang hindi nahihirapan at hindi masyadong nasasaktan? Paano mo tratratuhin ang mga taong tumulong sa ex mo para paglaruan ka? Paano...