Kagigising pa lang pero badtrip na! Ano ba yan?! Nakakainis talaga itong Tricia Santos na ito! Leche! Bakit ba ako nainlove sa kaniya?!
Tricia Santos
19 hours ago
Hello, Anthony! See you soon! ;)
Kung pwede lang sana sirain lahat ng mga gamit na nandito, kanina ko pa ginawa. Kung pwede lang sana pumunta kaagad sa UK, pumunta na sana ako at sinapak siya. Kainis! Itwotwotime ako sa isang lalaking hindi nag ½ sa kuko ng paa ko! Pwe! At ngayon... NGAYON!? May gana pa siyang magpost sa wall ko?! Nakakalalaki na 'to ah!
"Pare, shut up nga. Ang ingay mo!" Itinapon ni Frank sa akin yung libro na nakapatong sa mesa. "May binabasa ako ditto tapos ang ingay mo!"
"Eh kasi naman pare!! Nakakairita na si Tricia!"
"Ano na naman ba ginawa ng magaling mong ex?"
"Ayan!! Tignan mo!!" Tapos pinakita ko sa kaniya yung post ni Trish sa post ko. Ilang minute pa niya tinitigan. Wow, pare.. Slow reader lang? Tumayo siya tapos tumawa. "Ano naman yung nakakatawa, Frank!?"
"Para kang babae eh! Tigilan mo na ngayan!"
"Eh sa nakakainis nga!!"
"Bading ka ba?! Patulan ba naman yung babae?!" Umiling siya tapos kinuha yung wallet niya sa may sofa. "Tara, gala tayo. Libre ko."
"Saan na naman? Club? Tss. Kung doon ka lang naman pupunta, huwag mo na akong isama."
"Ang sungit mo naman. Sige, hindi na lang. McDonalds na lang tayo."
Nauna siyang lumabas tapos nagshrug na lang ako. Mas mabuti pang kumain kaysa isipin yung 2 timer na yun.
AFTER 20 MINUTES LATER...
"GAGO KA!! SABI MO MCDONALDS!! EH CANDYSHOP 'TO EH!!" Naloko na naman ako ni Frank!! Kainis!! Tumawa siya and he went out of his car. Sumunod ako tapos tinulak siya ng mahina. "GAGO KA. Bwisit ka talaga!!"
"Parang ang laki naman ng kasalanan ko." Ibinalik niya yung susi niya sa bulsa niya tapos tumingin siya sa loob ng club. "Ton, ang raming chicks! Pili ka na lang!"
"Gago. Hindi ako katulad mo. Hindi ako two timer."
"But your ex is." Tapos nagsmirk siya. Leche. May pasmirk smirk pang nalalaman.
"Huwag mong kalimutan na pwede kong sirain itong Audi mo. Pumasok ka na nga lang! Magyoyosi na lang ako dito sa labas!" Ibinigay niya sa akin yung susi niya tapos bumalik na ako sa kotse. Sa may driver's seat ako umupo. Pinaandar ko yung kotse. Hindi pa nagwa-1 minute, bigla siyang kumatok sa bintana ng sasakyan niya. Binuksan ko naman. "May naiwan ka?"
"Hindi ka nagyoyosi diba?"
"Yup."
"Eh anong ginagawa mo diyan? Teka...."
Bigla kong pinatakbo yung kotse niya. Tawa ako ng tawa ng malakas. HAHAHAHAHAHAHA. Shet. Ilang beses ko na rin nauto itong si Frank. Masyadong gullible eh. Naririnig ko pa rin yung sigaw niya kahit medyo nakalayo na ako.
"ANTHONY GEOFFREY RESTREVERA!!!! BUMALIK KA DITO!!!!!!"
HAHAHAHAHAHAHA. Kawawa naman si Frank. Tiyak galit na galit yun. Biglang nagring yung cellphone ko tapos nang tignan ko, tumatawag pala sa akin si Frank. Inoff ko yung cellphone ko. Hininto ko yung kotse sa isang park. Hayyy, park...
"Triciaa!!"
"Habulin mo nga muna ako!! Ang lampa mo naman, babe!!" Tawa ng tawa si Tricia. Grabe, ang ganda talaga ng baby ko. Ang swerte ko talaga! Tumakbo siya papunta sa swing. Sinundan ko siya tapos umupo siya sa isang swing. Niyakap ko siya. Lumingon siya and she smiled at me. The smile that never fails to make my heart skip a beat and the grin that never fails to take my breath away. "Anong tinitingin-tingin ng babe ko?"
"Sorry. Ang ganda mo kasi eh."
"Sus, nambola ka pa."
"Hindi nga. Ang swerte ko talaga sa'yo, baby. Maganda na, matalino, mabait.. Lahat-lahat na sa iyo na. Pati puso ko, ikaw na nagmamay-ari eh."
"Nakuuuuuuuuuu, Geoff!! Ang corny mo ngayon, babe." Tapos tumayo siya at kinirot yung pisngi ko. Kahit masakit, okay lang. Niyakap niya ako ng mahigpit. "I love you, Ton! Mas swerte nga ako eh. Ang bait mo, matalino, palakaibigan, gwapo... You're the guy every girl dreams of."
"Too bad. You already have me." Nagsmile ako. Heeeeeeee!! Ang sweet ko naman. Nababading ako. Pero sa totoo lang, sa kaniya lang ako nagkaganito. Sa kaniya ako sobrang tinamaan. Binitawan niya ako tapos nagsmile rin siya sa akin.
"True. Forever nga diba?"
"Sabi mo pa!" Tapos nagfist bump kami. Ganyan kami eh. Tinignan ko ulit siya. "Mahal kita. I love you. Ginhihigugma ko ikaw. I'm yours. Just yours." Tapos... tapos... kiniss niya ako sa l----.
"Okay ka lang ba?"
"Shit!" Nagulat ako. What the heck. Sino ba 'tong tao na 'to?! Ang sarap ng moment, sisirain! Tumingin ako sa kaliwa ko. Napunta na pala ako dito sa swing ng walang kaalam-alam. May babaeng nakapajama tapos parang haggard. Pareho lang ata kami ng edad eh. Mga 21 years old rin ata siya. "Sino ka ba?"
"Ang sungit mo naman. Tinatanong ka nga lang kung okay ka na eh!"
"Bakit mo ba kasi natanong yan?!"
"Galit ka pa?!" Pumikit siya and she sighed. "Umiiyak ka kasi kanina. Akala ko kung ano nangyari.. Akala ko nga multo."
"Masyado naman ata akong gwapo para maging multo."
"Hindi naman."
I raised my eyebrows. Leche. Nagiging bakla ako ditto sa babae na 'to eh! Sino ba 'to?!
"Uh... Excuse me. Sino ka ba?"
"Isang babaeng gustong mag-chill dito sa park. Eh ikaw ba?"
"Wala ka nang pakialam."
"Sungit nito. Bahala ka nga sa buhay mo." Tumayo siya tapos lumakad na palayo. Hay, salamat. Kukunin ko na naman sana cellphone ko nang bumalik siya tapos may iniabot sa akin na panyo. Tumingin ako sa kaniya tapos nagsmirk siya.
"Oh? Ano na naman yan?"
"Sipon mo kasi kanina, tumutulo. Parang wala ka namang pambili ng panyo." Tapos tumawa siya. Aba, nakakairita 'tong babae na 'to ah! Tapos kinuha niya kamay ko and inilagay niya yung panyo doon. Ngumiti siya sa akin tapos tumango. "Kung ano man pinagdadaanan mo, kaya mo yan. Everything will be alright."
Sasagot pa sana ako pero tumakbo na siya palayo. Tae. Hindi tuloy ako nakasagot sa sipon matter! Pero at least, may sinabi naman siyang maganda. Mas gumaan yung loob ko. Hayyy. Makauwi na nga.

BINABASA MO ANG
50 Ways To Say Goodbye
RomansPaano bang magmove on sa taong minahal mo ng sobra sobra pero niloko ka lang pala? Paano bang kalimutan ang isang tao nang hindi nahihirapan at hindi masyadong nasasaktan? Paano mo tratratuhin ang mga taong tumulong sa ex mo para paglaruan ka? Paano...