fairy ♡ eighteen

13 1 0
                                    

Nakangiti ako ngayon habang nakatayo sa harapan ng isang five star restaurant. For the first time in 12 years, makakasama ko na ulit ang dad ko. He told me na gusto raw niya akong makausap and then magmeet raw kami dahil may pinareserve siya dito.

Syempre, as a daughter who was longing for her father who she hadn't spent more than half her life with, hindi na ako nagdalawang isip pa na imeet siya ngayon since like Hyejin said, I should face my fears. Baka sakali lang naman na namimiss na rin niya ako. Baka sakaling kaya ko na, baka sakaling may matutunan ako. Hindi naman masama ang mangarap. Mangarap na magihing ayos na kami, ako.

Biglang may tumawag sa akin, kaya naman bago ako pumasok sa restaurant ay sinagot ko na muna yun.

"Hello?" I asked, and then I was met by the soft voice of Ha Sungwoon.

"Yeonjae, nasaan ka?" Tanong niya, kaya naman ay napakunot ang noo ko. My heart skipped a beat just by hearing his mellifluous voice, but I tried to push the feeling aside.

"Ah? Dito sa PD STAR Restaurant. May kikitain lang ako," sagot ko naman.

Hindi naman ako yung tao na nagsisinungaling, eh. Makasakit man o hindi, sasabihin at sasabihin ko talaga ang mga bagay. Ano naman kung malaman ni Sungwoon ang tungkol kay dad, hindi ba? Ayokong nagtatago.

"Huh? Anong ginagawa mo dyan? Napatawag lang ako kasi nadaan ako dyan, dinouble check ko lang kung ikaw nga. Ingat ka, ha?" He said, and I smiled as I looked down.

Why is he so caring? Bakit ako, sa lahat ng ibang babae, bakit sa akin? Narealize ko naman na sinabi niyang nakita raw niya ako, kaya napalingon lingon ako. Nasan yun?

"Behind you, Tinkerbell," he said, kaya naman ay nanlaki ang mga mata ko bago ako tumalikod.

Once I faced him, he waved at me at saka pinatay ang tawag. Unti unti siyang naglakad papunta sa akin at naestatwa naman ako.

Hindi ko maiwasan na hindi maisip ang tungkol sa mga sinabi ko at sinabi ni Hyejin sa gc namin ng Yeoja, lalo na sa private messages namin.

Pinayagan ko si Sungwoon na makalapit sa akin, but with every step he took, my breath hitched. How can someone look so beautiful?

"Yeonjae," he called, kaya naman ay nangiti ako ng kaunti.

"Oh, Sungwoon." I said. He shyly scratched the back of his head, kaya naman ay medyo natawa ako.

"Mahiyaing bata lang? Parang hindi ka naman yata ganun, ah? HAHAHAHAHA!" Pang-aasar ko, and he chuckled before answering me.

"Grabe siya. Sino palang kikitain mo?" Tanong niya sa akin, kaya naman I gave him a smile before answering.

"Dad ko. I haven't seen him in 12 years. Medyo kinakabahan ako, pero sana kayanin ko naman," sagot ko, and then he raised his brows.

"12 years is too long. Ang grabe, ha?" He said, and I just shrugged.

"Wala naman akong magagawa, Sungwoon. Bahala na. Kaya ko to. Namimiss rin kaya niya ako?" I said, and then he smiled before ruffling my hair.

"Ne, you can do it. He's a father, too. Hindi siya mabuting ama kung sa loob ng 12 years na magkawalay kayo, hindi ka man lang niya namiss. Osige, mauna na ako, ha? Maggagala kami ni Jimin. Tell me how it went mamaya," he said, and I just smiled.

Nagkaroon ako ng lakas ng loob lalo na harapin si dad. And so, pumasok na ako and then told the woman on the desk about the reservation ny dad made.

♡♡♡

Three minutes turned to ten, ten to thirty, and thirty to an hour. Wala pa rin si dad, at antagal ko nang naghihintay rito. Naiiyak na rin ako, naiisip na wala na talagang pag-asa pa kay dad.

Nang magring ang phone ko, napangiti naman ako nang makita ko na si dad na ang tumatawag sa akin. Napapunas ako agad sa mga nagbabadyang luha. Baka malate lang siya.

"Hello, dad. Nandito na po ako, kanina pa. Nasaan na po ba kayo?" Tanong ko, medyo masayahin na ang tono.

"Oh, Yeonjae. Pasenya na. Di na ako makakapunta. May outing kami ng pamilya ko. Sana maintindihan mo," he said, and my wide smile slowly drifted away.

May outing sila ng pamilya niya. Ng pamilya niya na hindi kami. May outing sila.

I smiled bitterly, at saka napapunas ng mga luha ko na biglaang nagsitulo na lang.

"Ah, ayos lang po. Bye." I said.

"If you want, mag-order ka nalang ng kahit ano, ako nang magbabayad-"

I ended the call and then rushed out of the restaurant. Wala.

Wala akong napala rito. Napaasa kang ako, nasaktan lang ako.

Dad, why are you like this? Wala lang ba talaga ko sayo? Wala na ba talaga kami ni mommy sayo?

Pagkalabas na pagkalabas ko ay humagulgol na ako ng iyak. 12 years ko siyang hindi nakita! Tapos ipagpapalit niya yung lunch out namin para lang sa mga tao na araw araw naman niyang nakikita!

Fuck it. I don't ever want someone like you, dad. You're just so... cruel.

"Yeonjae? Bakit ka naiyak?" Mahinahon na tanong ng kung sino, kaya naman ay napatingin ako sa kanya.

It was Sungwoon, his brows furrowed. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya akong naiyak, at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

He was carressing my back, singing me a lullaby, kaya habang umiiyak ako ay nakakalma na rin ako.

"Shh, Yeonjae. What happened?" Sungwoon asked, and I gripped on his shirt tightly.

"H-Hindi niya ako sinipot kasi... may outing raw sila ng pamilya niya. S-Sungwoon, 12 years yun! Antagal ko siyang hindi nakita, tapos ipagpapalit niya yung iisang oras na kakain lang kami para sa mga taong araw araw naman niyang nakakasama? That's shitty!" Pagkukwento ko, and then he sighed.

"Do you... wanna go for ice cream? Then, we can watch the stars tonight at this abandoned beach I discovered. Gusto mo ba?"

I blinked.

"Um, don't you have anything to do today? Akala ko ba lalabas kayo ni Jimin?" Tanong ko, and then he gave me a smile.

"Paano ba yan? I have to cancel my plans." Sabi niya, kaya nanlaki ang mga mata ko. "I know my priorities. Besides, madalas naman kaming magsama nun. I just wanna make you feel like home right now."

I widened my eyes. My heart started racing, staring into his soft eyes that gazed at me as if telling me that he was there and he will always be there.

I just want to make you feel like home right now.

Is this...?

"T-Thank you, Sungwoon!"

"No worries, Tinkerbell. I just wanna see your smile,"

fairy ♡ ha sungwoonWhere stories live. Discover now