On my way home, nagulat naman ako kasi nagkasalubong nanaman kami ni Sungwoon. Eh? He gaped and then grinned before jogging towards me kaya naman ay napalingon ako palayo.
Pota ka, Kang Daniel, ano ba yan? Di mawala sa isipan ko yung pinagsasabi neto.
"Uy! Yeonjae! Kamusta?" Sabi ni Sungwoon sa akin, and then I smiled at him before speaking.
"Ayos lang. Ikaw nanaman?" Sabi ko, and then he chuckled.
"Nagsawa sa mukha ko? Grabe ha? Gwapo ko kaya." Sabi niya, and I laughed.
"Hindi naman. Oo na sige na, gwapo ka. Wag ka lang magfairy ulit. Pero kasi... lumingon ka kasi," I replied, at paglingon naman niya ay tumambad sa kanya yung kinaiiritahan ko.
Si Daniel na ang lawak ng ngiti saka may maisyung mga mata. Aerin, ewan ko ba sa boyfriend mo. Masasakal ko ito, walang halong biro.
"Daniel! Siraulo ka! Umuwi ka na nga," sabi ni Sungwoon, at tumawa naman si Daniel.
Biglang lumitaw naman si Seongwoo, kaya nalaglag ang panga ko dahil isa pa siyang maissue. Kasama naman niya si Venus kaya nag-apir yung magjowa.
Pota?
"Woohoo! Daniel, panalo kami ni Ong. Pay up," sabi ni Venus kay Daniel, at napanganga ako.
"Lahat nalang pinagpupustahan ninyo? Ano ba yan, ha?" Sabi ko, and Venus winked at me before lacing her arm with mine.
"Pinagpustahan namin? Ang sabi kasi ni Daniel, torpe raw si Sungwoon. Ang sabi naman namin ni Ong, palihim ang galawan ng isang Ha Sungwoon. Look! HAHAHAHA thank you, Ha! May 3k na tayo, Ong! Tara Arcade!" Sabi ni Venus, at agad naman naglabas ng wallet si Daniel kaya nagkatinginan kami ni Sungwoon.
"Wow," sabi namin, at nagtawanan.
"Ayan! 3500 na yan, gago kayong dalawa, kaya kayo kumikita eh. Ilan na ipon ninyo sa pusta pustahan na yan?" Sabi ni Daniel, nakasimangot pa at saka isaisang binato yun tatlong 1k at yung isang 500.
"Ako, 10k. Yang si Venus 12k na yata? Ewan ko. Madaya yan, eh," sabi ni Seongwoo, at napanganga ako.
"Gago?" Sabi ko, at tumango naman si Venus.
"Seryoso?" Sabi ni Daniel, at tumawa naman si Sungwoon.
"Oo nga," sabi ni Venus, and then tinignan niya kaming dalawa ni Ha. "Sa inyo na yung 500. Salamat!"
Tumakbo na sila habang nagtutulakan pa, kaya naman ay naiwan kaming tatlo nina Daniel at Sungwoon.
"Aba."
"Pre, kala ko torpe ka. Pahamak kang gago ka."
"Kasalanan ko? Saka nag uusap lang naman kami."
"Eh? HOY VENWOO! YUNG 3500 KO! GAGO KAYO!"
I facepalmed.
![](https://img.wattpad.com/cover/203067029-288-k598815.jpg)
YOU ARE READING
fairy ♡ ha sungwoon
Fanfiction[ wannatwoball series #10 ] "sa lahat ng fairy, ikaw lang yung mukhang kampon ng demonyo," in which she loves fairies, except him who is a self-proclaimed one. cover by @venleyy