TALLA'S POV
Naniniwala ba kayo sa mga alamat o lumang paniniwala? Eh sa mga kasabihan? Pamahiin? Kasi ako, oo— I mean, it depends on the situation. Minsan kasi may mga bagay na mas mabuting sundin na lang.
Lumaki ako sa probinsya sa ilalim ng pangangalaga ng aking Lola Fely, kaya hindi na nakapagtataka na mula pagkabata ay hindi na mabilang ang mga pagkakataong pinagbawalan niya ako sa mga bagay na kung titignan ay pang karaniwan lang naman sa mata ng ibang tao.
At kahit minsan, hindi ko iyon kinuwestyon. Kasi ganun tayo dinisenyo nung mga bata pa tayo, 'di ba? 'A good child listens to the elders' ika nga. Sa isip ko, sapat na 'yung paliwanag na 'mas mabuti nang maging ligtas kaysa magsisi sa huli', kaya naman madalas ay sinusunod ko na lang ito nang hindi pinag-iisipan. Ayokong makipagtalo, oo na lang nang oo kahit hindi na naniniwala.
Pero habang tumatagal, unti-unti ko ring napapansin 'yung mga kakaibang bagay-mga pangyayaring waring tumutugma sa mga pamahiin o alamat na kanyang mga nabanggit.
Doon ko napagtanto na baka nga may katotohanan ang lahat ng iyon, na kahit sa una'y tila mga kwento lamang ang iba sa kanila ay may iilan pa rin na hindi lang basta kathang-isip natin. Gaya ngayon ng nakita ko.
Nang silipin ko ang suot kong relo ay nakita kong may dalawang oras pa bago ang simula ng klase ko. Napangiti ako bago nagpasyang umupo sa maliit na sementadong upuan dito sa nadaan kong parke upang pagmasdan pa lalo ang nag-iisang bituin na nagniningning ngayon sa kalangitan.
Based on my Lola Fely's story in Filipino folklore (na hindi ko masyadong pinaniwalaan noon), when you catch sight of a lone star shining at just the right moment, it is believed to represent the presence of a guardian angel or a departed loved one, offering them guidance and protection.
Oo, maaaring coincidence lang na kuminang 'yung nag-iisang bituin sa langit tapos saktong nakita ko, or I have every reason not to believe in such folklore— one of them being that I am not kid anymore, but I didn't expect that...
Oh, gosh, bakit ako umiiyak! Ehem! I just.. ahm, didn't expect that old tale would give me joy, comfort and somewhat reassuring sign that I am not alone, that my mother and my father are looking out for me from above.
Alam niyo kasi, hindi maganda 'yung kwento ko, it's a bit tragic. I've never met my parents. Bata pa lang ako ay ulila na ako, like I said, si lola lang ang nag-iisang nagpalaki sa akin. Ayon sa kanya, tinakasan daw ng ama ko ang responsibilidad niya sa akin, kinarma kaya nasagasaan, dead on arrival sa hospital. Samantalang ang nanay ko naman ay sa kasamaang palad, namatay ilang minuto matapos akong isilang.
"Lola, ano po ang 'tayug tan ong'ra ya anak'? Narinig ko po kasi sa kapitbahay natin na tayug daw po ako, is that a good word? Because they seem happy."
I was seven at that time, hindi pamilyar sa Pangasinense dahil laking Ilonggo haha.
Malinaw na ipinaliwanag sa akin ni Lola Fely kung ano iyon, at alam niyo ba kung anong ginawa niya pagkatapos? Niyakap niya ako, sinabi na hindi ako tayug o malas. Hindi ko raw kasalanan kung bakit wala sa piling ko ang mga magulang ko, o kung bakit maaga silang nawala.
Pagtango at ngiti lang ang naging sagot ko sa kanya.
Come to think of it, kung ibang bata siguro 'yun ay iiyak na at madudurog. Pero ako, sa naaalala ko, hindi ako masyadong nasaktan dahil siguro niyakap ako ni lola, niyakap niya kaagad 'yung bagay na maaaring manatali sa puso't isip ko na pwedeng ikasira ko.
BINABASA MO ANG
One Of The Thousands Of Stars - BxB (Under Major Revision)
Teen Fiction[Under Major Revision + Slow Update] Trapped in an enchanting realm hidden from mortal eyes, Talla begins to understand the world around him. With no one familiar by his side, he forms deep bonds of friendship and family with those he can trust. Lit...