TALLA'S POV
Simula nang sumakay ako sa black audi sedan ni Kuya Chain ay tahimik akong natulala sa panonood ng mga tanawing nadadaanan namin. Tuloy-tuloy lang ang paglalakbay ng aking mga mata sa mga lugar at tao sa labas habang maya't-maya ang paghikab dala ng labis na antok.
Hindi ko pa nababawi 'yung mga gabing nagpuyat ako dahil sa mga projects na kailangang gawin, tapos dinagdagan pa ng iba kahapon na kung umasta ay aakalain mong major subject sa dami ng pinapagawa.
Ganito siguro talaga kapag graduating no? Kung kailan patapos na saka ka pahihirapan, ibang klase.
Lihim akong napabuntong hininga bago sinilip ang driver seat.
Gaya ko ay tahimik din ang lalaking nagsundo sa akin kanina simula ng paandarin nito ang sasakyan at tahakin ang kalmadong gabi.
Nasabi ko na ba sa inyong ang gwapo ni Kuya Chain? Well, if not yet. Ang gwapo ni Kuya Chain, lalo na kapag ganitong naka side view siya. Kitang-kita 'yung magandang hulma ng jaw line niya na may mga stubbles pa.
He's only 29, and... He's tall, towering over most people without even trying, with a build that's solid and slightly buffed. His skin is tanned and sun-kissed. He also have an intimidating aura but he's actually kind-hearted, always ready to lend a hand.
Sobrang mahiyain nga lang talaga, kaya hindi na nakapagtataka kung bakit wala pa siyang girlfriend, o kahit man lang balita na may nililigawan.
Actually, idol ko 'yan si Kuya Chain nung bata pa ako. Inggit na inggit ako sa kanya kasi nung 16 years old pa lang siya ay ang tangkad na tapos medyo malaki ang katawan. Kaya sabi ko gagayahin ko siya, but when the puberty hits, iba ang kinalabasan, na ayos lang din naman sa akin dahil pinalaki ako ni Barbie at ng sexbomb girls hahah!
Pero sa kabila ng lahat nun, ng pagiging matulungin niya gaya ng paghatid sa akin sa bahay namin, hindi kami close sa isa't-isa. So, I totally understand why there is always an awkward air between us.
Ewan ko, approachable naman ako since I'm quite longing for attention—brotherly attention. Siya lang talaga 'tong madalas ilag o umiiwas sa akin.
"Salamat po pala kuya sa pagsundo. Pasensya na rin po kung naabala ko kayo."
Wala na akong lakas pa para mag open ng topic dahil pagod talaga ako but I did it anyway so that I could entertain him. Alam kong inaantok na siya, kitang-kita iyon sa panunubig ng gilid kanyang mga mata at madalas na pagkunot noo.
"You didn't bother me Talla."
"Oo na lang po haha" ang naisagot ko.
"How's school?" tanong niya habang binubuksan ang radyo.
Sa ginawa niyang iyon ay biglang napuno ng musika ang loob ng kotse, binasag ang katahimikan na unti-unti na sanang nawawala.
"Stressed pero kaya pa naman. Laban lang" nang lingunin ko siya ay nakita ko itong tumango lang.
Hindi na ito muling nagsalita pa, nakatunog siguro mula sa tono ng pananalita ko na inaantok na ako haha. Busy din kasi ito sa paglipat ng mga radio station na para bang may hinahanap.
Nginitian ko na lang ito bago muling isinandal ang ulo ko sa bintana't tumingin sa dinadaanan namin.
Ilang saglit pa lamang ay tumugtog ang isang pamilyar na awitin na may himig na malambing sa tenga. It's popular as far as I know; the reason behind it is maybe because when you hear it, it is like caressing every strand of your feelings, reminding you of memories and emotions from unreturned affection, and maybe for those people that have never felt it before—heartbreak.
BINABASA MO ANG
One Of The Thousands Of Stars - BxB (Under Major Revision)
Teen Fiction[Under Major Revision + Slow Update] Trapped in an enchanting realm hidden from mortal eyes, Talla begins to understand the world around him. With no one familiar by his side, he forms deep bonds of friendship and family with those he can trust. Lit...